3: Meet Avi

4 0 0
                                    

Avi's POV


Nang magising ako, dumiretso ako agad ng banyo. Naligo, nag-bihis, at kumain na rin. Kailangan, successful ang first day 'ko no! Napapasa 'ko naman ang exams 'ko, hindi rin ako nganga sa klase. Pero madalas talagang mag fail.


"Nandito na ang teen queen!" nag lalakad palang ako papasok sa gate ng pinapasukan 'ko, bumubungad na ang mala-bukalkal na boses ni Macky. Mula elementary ako, palagi na n'yang iniinit ang ulo 'ko, jan na siguro s'ya masaya kaya hinahayaan 'ko nalang.


"Whoooooooo!" nag sigawan at nag palakpakan naman ang mga barkada n'ya, na lalong ikinainis 'ko. Sabayan pa ng mga tinginan ng mga punyetang babae dito na akala mo birhen. Hindi naman magaganda! Tsk.


Huminto ako at nilingon sila. "Can you just please sh-----" hindi pa 'ko natapos mag salita nang biglang pumunta si Chloe sa harapan 'ko.


"You shut up. Hindi bagay sa'yo ang mag english." ngumisi lang s'ya at nag cross arms. Si Chloe lang naman 'yung babaeng palaging gumugulo ng buhay 'ko. Isama mo pa 'yung mga alipores n'ya.


"Chloe... kung ayaw mong masaktan, siguro manahimik ka nalang." nginitian 'ko lang s'ya ng plastik at tumuloy na sa paglalakad. Nasa aming dalawa ang atensyon ng ibang students. Si Chloe ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan 'ko, kaya naman mula noon, hindi 'ko na s'ya pinapakialaman sa kagagahan n'ya. 


Hinatak n'ya ang kanang kamay 'ko dahilan para mapa-atras ako, humarap ako sa kan'ya at tinaasan 'ko lang s'ya ng kilay. "Avrila, ngayon ka pa ba mag mamatapang? Kung kailan alam 'ko na 'yang kaduwagan mo?" ni-point n'ya ang noo 'ko gamit ang dalawang daliri n'ya.  Hindi 'ko s'ya kinikibo para naman mag mukha s'yang tanga sa ginagawa n'ya. "Gumanti ka! Matapang ka diba? Change is coming kuno diba?" sinasabunutan nila 'ko, tatlo silang humihila sa buhok 'ko, nakikigulo rin ang ibang estudyante at kan'ya kan'yang video sa'min.


Hinila 'ko ang dalawang brasong nasa buhok 'ko at pinilipit 'ko ng buong pwersa sinabayan 'ko rin ng pag sipa, dahilan para mapunta sila sa isang sulok. "What the h*ck!" kibo ng dalawang babaeng napatalsik ko sa isang aksyon lang. 


Naiwan kami ni Chloe sa gitna ng ground. Pinakitaan 'ko s'ya ng tamang leksyon, una 'kong tinanggal ang mga galamay n'ya sa uluhan 'ko. Pumwesto ako sa likuran n'ya at kinulong 'ko s'ya sa kaliwang braso 'ko, doon ko ginawa ang gusto 'ko. Guess what? Ikinalat 'ko ang kilay n'ya gamit ang pawis 'ko. Nakuha 'ko rin ang lipstick n'ya sa bulsa n'ya kaya pinagpa-pahid 'ko 'to sa buong mukha n'ya. Tawang tawa 'ko sa hitsura n'ya. Hindi naman ako masyadong nasaktan.  Best fight ever.


"F*ck, stop it!" itinatabig n'ya ang mga kamay 'ko pero nag e-enjoy ako sa ginagawa 'ko. Napahinto ako bigla nang may bumatong libro sa ulo 'ko. Ang principal ng school, hehe. Expect 'ko na 'to noh, love na love n'ya 'yata 'tong heredera na 'to noh. 


Dinala 'ko sa guidance office. Ako lang s'yempre. Pet na pet 'yata nila 'yun si Chloe. Habang pinagsasabihan ako ng head nung office, bigla akong natawa.


"Anong tinatawa-tawa mo, Ms. Andres?!" humarap sa'kin ang mala-senyora n'yang mukha. Napahinto ako at itinikom 'ko ang bibig 'ko. Pa'no ba naman? Naalala 'ko talaga 'yung hitsura nung abnormal na 'yon, sobrang nakakahiya punyeta. Bawing bawi ako, men! "I'll be suspending you for 1 month." 


"Ah ok----- ano 'yun ma'am?!" nagising ako bigla sa katotohanan at nag reklamo. "Ma'am, nakikita n'yo ba 'to, eto, saka eto!" tinuro 'ko ang mga kalmot, gasgas at pasa 'ko sa kan'ya.


"Wag mong gawing excuse ang hitsura mo, Avrila." ngumisi s'ya at nag taka naman ako sa sinabi n'ya. "Kasi, kahit naman walang nagalaw sa'yo, mukha ka paring nabugbog e." nagtawanan rin ang ilang teachers na kasama n'ya sa office. "Joke lang."


"Stop joking around." tumayo ako sa upuan at kinuha ang mga gamit 'ko. "Kung gusto mong respetuhin ka, matuto ka 'ring rumespeto ng kapwa mo." padabog 'kong inayos ang upuan.


"3 MONTHS SUSPENSION." madiin at malakas n'yang sinabi.


Ngumisi lang ako at nilingon s'ya pabalik. "Fine! Do whatever you want."  sinagot 'ko s'ya ng walang takot at lumabas ng office. Sumalubong sa'kin ang mga chismosa't chismosong estudyante. Nandun rin si Chloe na mamula-mula ang mukha dahil sa bakas ng lipstick. Natawa nanaman tuloy ako.


Lumabas ako ng campus at dumiretso sa gasoline station. "Mag-overtime ako sir!" request 'ko sa boss namin. Hindi lang ako cashier ng convenience store noh! Nagkakarga rin ako ng gasolina. Naranasan 'ko ring mag deliver ng items, nung time na nag work ako sa LBC. Makakaraos din ako, balang araw magiging isang lawyer din ako.


"Anong nangyare sa'yo?" text sakin ni Chelsea, best friend 'ko. 

"What do you mean?" I replied.

"Stop it, Avi. Pa'no nalang mga pangarap mo n'yan? Kung palagi 'kang makikigulo kay Chloe, pa'no ka ga-graduate? Para rin naman sa'yo 'to. Kaya ako na nagsasabi, ikaw naman ang  mag adjust iwan mo na 'yung pagiging gangster mo, please lang. -_-"  gigil ang ate mo. Oo, dati kasi napasali ako sa isang gang. Sumali ako nang walang alam, natuto naman ako ng self defense at kung ano, kung anu-anong katarantaduhan ang nagawa 'ko noon, pero wala na rin naman 'yun. Kasi nagseseryoso na ko, hehe.

"I'm okay, it's okay. Bye na bessy, work muna me. :))))"  reply 'ko sa message n'ya at humarap na sa customer.


"Hi sir! Diesel, unleaded or premium?" tanong 'ko sa customer, ibinaba n'ya naman ang bintana n'ya. Paksyet nag wafu.


"Pwede bang ikaw?" tanong n'ya sa'kin, kahit kinilig ako, umirap ako. Hard to get dapat bes.


"Sir, alam mo, pabibo 'ka." natawa na lang ako sa expression ng mukha n'ya.


"What's your name?" tanong n'ya sa'kin.


"Ay sir, hindi ako gasolina." tinaasan 'ko s'ya ng kilay at napangisi nalang s'ya.


"By the way,  magpapa-vulcanize ako." ay syet koya, sayang mukha. Bakit dito ka pumila ha.


"Sir, fyi. Sa lane na 'to, mga magpapa-gasolina lamang. Kung magpapahangin ka, dun 'ka oh!" tinuro 'ko yung side kung saan nakapwesto ang mga gamit sa pagpahangin. 


I think, today is my worst day for this week. In one day, napaaway ako, na-suspend ako, at naka-meet pa 'ko ng abnormal na customer. 


***

A/N: Medyo magulo s'yaaaa, sana ma-gets n'yo huhu. Gangster si Avi dati, pero patago lang 'yun, sumali s'ya noon dahil sa sobrang inis n'ya sa lifeu n'ya, pero wala na, nag bagong buhay na s'ya, so yun muna, hehe! :)

Lost PiecesWhere stories live. Discover now