5: The Day

2 0 0
                                    

Azi's POV


Nakaupo ako sa harap ng dressing table 'ko, ikinulot 'ko ang mga buhok 'ko, nag lagay ng bb cream and concealer. Nose-line dito, blush on doon. Lipstick dito, kilay doon.

Nag lakad ako papasok sa walk-in closet 'ko, with my blue dress and white heels, kinuha 'ko rin ang sling bag 'ko at umupo muna sa couch ng kwarto 'ko.


"Azi, come here!" narinig 'ko na ang boses ni Mommy mula sa baba. May ipapakilala raw s'ya sa'kin, as if I care? Mabuti sana, kung si Daddy 'to.


Dahan dahan akong bumaba ng hagdan, bawat isang baitang na apakan 'ko, isang blink ang ginagawa 'ko. Sa pag dilat ng mata 'ko, isang lalaki ang bumungad sa'kin, nasa pang-apat na baitang pa lamang ako, kaya hindi 'ko pa nakita ang mukha n'ya. Nang makatungtong ako sa pangatlong baitang, sumalubong sa'kin ang lumuluhang nakangiting lalaki at naka-abang sa aking pag baba. 


"Azi .... your dad...." magkahalong lungkot at tuwang binanggit ni Mommy. Napahinto ako at hindi 'ko alam kung anong emosyon at kilos ang gagawin ko. Dahan dahan akong bumaba at nang makatungtong ako sa ikalawang baitang, isang babae ang nasa tabi ni Daddy. She's very slim, wearing faded half jeans and big shirt. At sa pag apak ko sa huling baitang, sumalubong ang isang babaeng .... she's my .... "Yes, you're right. Azaleia, she's your twin." 


Napahawak ako sa railings at napaluha ng kusa. "Kambal?" natutuwang tanong nung babaeng nasa harap 'ko. Hindi pa ako nakakababa sa sahig, ngunit sinalubong n'ya na 'ko agad ng yakap. "Ang ganda ganda mo! Hmm, ang bango mo pa. Hindi 'ko akalaing may artistahin akong kapatid na tulad mo, i mean ....  kambal 'ko!"


Kinalas 'ko ang kamay n'ya sa pag kakayakap sa'kin at sinamaan 'ko s'ya ng tingin, dumiretso ako kay Daddy at niyakap s'ya. "Anong ginawa mo?" bumulong ako. Niyakap n'ya lang ako at hinalikan ang noo 'ko.


"I'm sorry, Azi." bumulong s'ya pabalik.


Nakangiting yumakap ang 'kambal' 'ko kay Mommy, at nag hug kaming tatlo. Dahilan para kumalas na 'ko sa pagkaka-yakap kay Daddy. Why? Bakit kailangang may kambal pa 'ko? Bakit may kahati pa? I hate it. Ayoko sa lahat, yung may kaagaw at kahati ako. Gusto 'ko, ako lang. Oo ako lang. I hate her too, bukod sa pag agaw n'ya sa height at mukha 'ko, pati atensyon ng parents namin, feeling ko agawin nya. 


Habang tinititigan 'ko s'ya, sobrang naiirita 'ko. Mukha s'yang katulong 'ko, alalay. Ang baduy baduy n'ya! May pimples s'ya, at sobrang kapal at buhaghag ng buhok n'ya. Sobrang layo n'ya sa'kin, pero hindi 'ko maikaila na s'ya nga ang kambal 'ko.


"Mom .... Dad .... are you sure? Kambal 'ko s'ya?" nandidiring tanong 'ko. Wtf, hindi 'ko alam kung matutuwa pa 'ko, dahil nakita ko ang long lost Daddy 'ko, or maiinis dahil nakakita ako ng isang ugly and trash version 'ko. 


"Yes darling, from now on; dito na s'ya mags-stay. Please, mahalin mo s'ya ng parang sarili mo lang. And your Dad, maga-abroad s'ya."


"HUH?!" sabay naming tanong ng ugly version 'ko. Gigil ako fck. "After mo 'kong iwan, 19 years kang hindi nag pakita, tapos after this day, aalis ka?"

Lost PiecesWhere stories live. Discover now