Azi's POV
Isinama ako ng grandma 'ko sa QC. We're going to check the school's records kasi. Ilang beses 'ko namang sinabi sa kanila na ayo'kong i-manage ang business nila, kasi pagmo-model talaga 'yung gusto 'ko.
"Azi, dear? Wala 'ka bang balak bumaba 'jan sa sasakyan? Ibaba mo muna 'yang kase-cellphone mo. Halika dito, para makita mo naman ang ginagawa 'ko." binuksan ng guard ang van namin para makalabas ako. Si Lola talaga oh.
Nag lakad kami sa hallway, sobrang cheap. Hindi ganun kalaki 'yung school, at 'di mo matawag na 'university'. Para s'yang public school na pang college, duh.
Habang nag lalakad ako, napansin 'kong maraming titig ng titig sa'kin. "Excuse me, any problem?"
"Ganyan ba nagagawa ng suspension, Avrila babes?"
"Kakaiba talaga nagagawa ng makeup."
"Akala 'ko sa filter lang may himala."
Sambit ng mga estudyanteng pakalat-kalat sa campus ang nasasalubong 'ko. Anong pinagsasabi ne'to? Naniniwala naman ako sa kasabihang 'speechless kapag nakakita ng maganda.' Pero sila, iba eh. From speechless to ----- okay i'm done. Nasa public-type of school ako nakatayo ngayon, so expect 'ko na siguro 'tong mga siraulo na 'to.
"How dare you? After mo 'kong balian, at gawing clown. Kung anu-anong kalandian nalang gagawin mo?" isang babae ang humila ng kaliwang braso 'ko at iniharap ako sa kan'ya. She's not pretty though, para s'yang palengkera na nilagyan ng eyeliner at blush on.
Inilabas 'ko ang alcohol 'ko sa bag 'ko at ipintak 'ko sa buong haba ng braso 'ko. "Don't touch me! Yung germs mo, yuck!" umarte ako na parang sukang suka. Well, ayo'ko talaga sa mga babaeng pa-rk, pa-ganda! Kulang naman sa hilod.
"Stop joking around, Avrila. It's my turn." akmang sasampalin n'ya 'ko pero sumigaw ang isang teacher sa gilid.
Nanliliit ang mga mata at nagsisisigaw. "Chloe, stop!" napahinto s'ya at napatingin kami sa kan'ya. "Gusto mo bang mawalan ng business ang parents mo? Mga Rivera ang may ari ng senior high schools dito sa QC. At ang parents mo, administrator lang dito." napangisi ako at humawi sa buhok 'ko. Malabo ang mga mata n'ya, pero pa'no n'ya nalaman na ako ang heiress ng RVR Corporations.
Natapos ang struggle school visit namin ni Lola, kaya naman dumiretso kami sandali sa mall. Ang Lola 'ko rin ang nag mamay-ari ng ilang malls dito sa QC, dapat kay Mommy na 'to nakapangalan, pero may problema silang dalawa eh. 19 years old na 'ko, but I still don't know the reasons. Lol.
Avi's POV
Napag-isip isip 'kong kailangan 'kong mag aral. Bumalik ako sa school 'ko, scholar lang ako dun, sayang parin opportunity. Makikiusap ako kay ma'am. Kahit na kumukulo ang dugo 'ko sa kan'ya, pashnea. Maka-graduate lang talaga 'ko.
"Anong trip 'yan?" salubong sa'kin ng mga impakto 'kong kamag-aral. "Anong nangyari? Okay na kanina e, bakit walis tambo style nanaman ang buhok mo, lumapad nanaman ang mga noo mo at kitang kita ang mga bituin mo sa mukha." nag tawanan sila at nag kanya-kanyang apir.
"Eh kayo, anong trip n'yo?" binigyan 'ko sila ng dedmang facial expression. "Wag ngayon ha!"
"HALA." napatingin ako sa kanila. "Avi, baka lang ... may kambal ka ba?"
"What?!" kumunot ang mga noo 'ko nang mag salita si Chloe na papunta sa kinalulugaran 'ko.
"Pa'no naman magiging kambal ni Avrila 'yon? Eh ang ganda ganda nun, parehas silang alagad ni satanas, pero duh, mukha pa lang no? At tsaka, heredera 'yun. Taga benta lang naman ng balot si Avi."
"Aba t*ng ina mo ah." itinaas 'ko ang manggas ng damit 'ko. Handa, kung may gera! Hindi ako palamura. Pero 'kung pati trabaho 'ko, papakialaman, aba punyeta wala akong sinasamba.
Hindi 'ko na s'ya pinatulan pag tapos nun, kailangan 'kong magpaka-bait ngayong taon lang, para naman maka-graduate ako. Matapos lang talaga 'ko sa SHS, mags-scholar ako ulit sa ibang school pag college no, sa Cavite lang, marami na.
Nakausap 'ko ang head ng office, high blood s'ya, pero wala, bumigay din s'ya sa kagandahan 'ko. Hehe. Pwede na 'ko ulit pumasok tomorrow.
"Avi, come here." text sa'kin ni Papa. Ang serious ng text n'ya, kasi kapag tine-text ako n'yan, laging may eksdi e. Kaya pumunta na 'ko agad sa hospital.
Nang makarating ako sa hospital, pumunta ako sa office ng mga nurse at hinanap ko si Papa. "PAAAAAAAAAAAAAAAAAAA." bungad 'ko nang makita 'ko s'yang nakasilip sa window at parang napakalalim ng iniisip. "May ibibigay 'ka sa'kin? Ano yan? Chocolate ba 'yaaan?"
"Anong pinag-gagawa mo sa buhay mo?" napayuko ako at alam 'kong tinutukoy n'ya ang nangyari sa school, actually 'di n'ya talaga alam na nagpa-part time ako. "But that's not the case, pagu-usapan natin 'yan sa susunod." napabalik ako ng tingin kay Papa kasabay ng pagsapo 'ko sa malalapad 'kong noo. Ba't ako napasapo sa noo ko? Wala lang trip ko lang hehe.
"Eh anong case pala, Pa?"
"May ipapakilala ako sa'yo, tomorrow afternoon. Mag ayos ka, please. Isantabi mo muna 'yang ka-abnormalan mo." ngumuso lang ako at akmang mag sasalita. "Wag mo nang alamin, kaya nga ipapakilala ka diba. Be patient, nak." si Paps talaga, alam n'ya lagi yung nasa isip 'ko oink.
Naghahalong kaba at excite ang nararamdaman 'ko, siguro arranged marriage 'to, hihi. See you Fafa James Reid. Gusto 'ko sana, ako 'yung pipili ng lalaking papakasalan 'ko. Kaso may mag nanais ba sa aking hitsura? Lol, s'yempre wala. Mahihiya sila na mas cute pa noo 'ko sa kanila, tsk.
Nag submit na 'ko agad ng excuse letter gawa nang a-absent ako, sayang comeback 'ko pa naman 'yun. Namili na rin ako ng damit sa UK, jukay-jukay hihi. Isang tokong, isang shirt na semi mahaba. Mas comfortable ako sa ganito, ni-ready 'ko na rin ang sneakers 'ko na ginagamit 'ko for 3 years. Nilabas 'ko na ang headband 'ko, hindi naman sigurong halata na excited ako, right?
"SEE YOU." nakasulat sa isang maliit na papel at nakadikit sa drawer 'ko. Hindi 'ko alam kung para sa'kin 'to, or para sa magiging meant to be 'ko. Basta punyeta, kinakabahan ako, sana di s'ya ma-starstruck.
***
A/N: Sino kaya ang icing sa ibabaw ng cupcake ni Avi? Si kuyang gasolina ba? HAHAHAHAHA.
![](https://img.wattpad.com/cover/111639091-288-k623684.jpg)