Chapter 02: First touch

65.4K 1.9K 564
                                    

TCWDM: If you want to tweet about this story, please use #AfterDeathWP or #HelloDeath for hashtags. Para ma-stalk ko. Thanks. :3

***

Things of celestial nature, when released into the mortal world, bring about glitches in the natural order of things. It should be returned to the rightful owner or destroyed to prevent further complications.

***

May mainit na kamay na pumisil sa balikat ko. Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa sarili kong braso sa desk. Marahan ang kurap ko nang kilalanin ang mukha ni Miss Vanessa.

"Problem with the new house?" tanong niya. Mas nag-chubby ang pisngi dahil sa pagkakangiti.

Miss Vanessa looks like a bubbly and warm older sister. Bright smile. Teasing eyes. She likes wearing classy clothes in pop shades—orange, apple green, hot pink. Kahit lipstick niya, madalas pink. She's warm today, too.

"Sorry po, nakaidlip ako," sabi ko at tumuwid ng upo. I yawned.

Lunch time na base sa oras. Thirty minutes din akong nakaidlip.

"So, how is it? Bakit parang lagi kang puyat? Namamahay ka?" she asked again. "It's been a week." Nakaupo na siya sa desk niya, inaayos ang ilang papel na hawak—patient's record.

Hindi ko alam kung pa'no ipapaliwanag ang nangyayari sa'kin. Napatagal tuloy ang tingin ko sa kanya.

"Hm? What is it?" untag uli ni Miss Van.

"Parang hindi naman po ako namamahay. Comfortable naman sa kuwartong nilipatan ko. It's just..." I tried to find the words to explain what's happening to me. "It's just that... 'yung landlord..."

"What about the landlord? Matandang lalaki ang landlord mo, 'di ba? May problema sa kanya?"

Alanganin akong nangiti. First of, for a week ay ang apo ni Lolo Dimos ang landlord ko. Hindi ko pa uli nakikita si Lolo mula nang lumipat ako. Hindi ko naman matanong kay Prof. Henry dahil hindi ako kinakausap. Yes, I learned through the week that he's a university professor. Ang hindi ko lang maintindihan hanggang ngayon ay 'yung patintero naming visibility sa iisang bahay.

I was occupying one of the rooms on the second floor. Sa ibaba naman ng bahay ang kuwarto ni Prof. Kapag nasa common rooms ako ng bahay—sala, kusina, library—nasa kuwarto siya. Kapag nasa kuwarto na 'ko o nasa bakuran, do'n lang siya lumalabas ng kuwarto niya. Ni hindi pa kami nagsasabay sa pagkain. Libre ang pagkain ko sa bahay. Nagigising akong may lutong almusal pero hindi ko magalaw dahil nahihiya akong kumaing mag-isa. Umuuwi naman ako ng late sa gabi na nakakain na.

My guess was that he was extremely uncomfortable to live with a female student like me because he's a professor. But that's just a guess. Hindi talaga ako sigurado kung ano ang ayaw niya sa'kin.

Umiling ako. "Hindi lang po siguro ako sanay sa landlord ko. Wala pa kasing ibang tenant sa bahay."

Napatango si Miss Vanessa. "Kaya ka laging puyat? Are you worrying about something?"

Ibang kaso naman ang puyat ko. It's a mystery to me pero... "I don't know kung nagwo-worry po ako or what. Nakakatulog naman ako sa nilipatan ko pero pakiramdam ko, mababaw? Like, hindi ko naaabot 'yung deep sleep ko or something."

"Nagigising ka sa kalagitnaan ng gabi?"

"Hindi naman po. Pero sobrang aga kong magising at nakaupo lang ako sa kuwarto ko," amin ko.

Pinatas ni Miss Vanessa ang ilang papel sa table nito at nagbukas ng notebook. Natuon sandali ang atensyon nito roon bago bumaling sa'kin. "Maybe you should invite Eunice over, kahit isang gabi lang. Baka makatulong para mapalagay ka kaagad sa nilipatan mo."

After Death (Hello, Death 3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon