Chapter 03: Don'ts

54.7K 1.9K 1.4K
                                    

TCWDM: Use #AfterDeathWP or #HelloDeath for hashtags. :3

***

A celestial object taken from the immaterial to the mortal world binds its owner and its holder.

***

Sa mga sumunod na araw, marami akong don'ts na narinig sa Professor.

Don't stare no'ng hindi sinasadya na napatagal ng ilang segundo ang mata ko sa cowlicks niya, nang pagbuksan niya 'ko ng gate. But it wasn't my fault that it was sticking out his ears! Nakatikwas 'yun at kinukulit ang pansin ko. Nagpapahawi. It makes him look younger and more carefree kung hindi lang ever present ang simangot niya.

Don't knock no'ng katukin ko siya sa kuwarto niya dahil nagpadala ng pasta si Doktora. Siyempre dahil maarte siya, hindi siya sumabay kumain sa'kin.

Don't look me in the eye no'ng magkasalubong kami sa porch at nahuli ko ang mata niya.

Don't smile at me no'ng sabay kaming nagising nang maaga at mag-good morning ako.

Don't stand on the staircase no'ng may kukunin ako sa living room at natigilan ako sa pagbaba sa hagdan dahil nando'n din siya.

Ang pinakamalala, sinabihan ako ng Don't think kahit nananahimik ako!

Don't think??? I have brains! Saan ko gagamitin ang utak ko kung hindi mag-isip? Kulang na lang, pagbawalan niya 'kong huminga!

I don't know why he's hostile. Sigurado naman akong wala akong kasalanan sa kanya. I'm silent like a mouse when I'm home. I take care of my food and laundry. I don't even watch TV in the living room just to avoid him. Kahit 'yung duyan sa bakuran na gustong-gusto ko, hindi ko tinatambayan. Hindi ko pinapakialaman ang mga gamit niya. Hindi ko inuusisa ang mga ginagawa niya. I avoided him like the plague.

So, what did I do wrong to deserve his treatment?

He made me hate weekends. Weekends suck because I was stuck in the house with him.

I used to like weekends before in my old apartment. Mahaba ang oras ko na hindi para sa academics. Pagkatapos ng 6-hour part time job ko sa coffee shop, I get to do what I want kahit na iilan lang 'yun—magbasa ng libro, matulog, tumunganga. Minsan, gumagala kami ni Eunice. It's not much of a life but it's a needed breather. Dito sa bagong bahay, kahit na tatlong oras na 'kong gising, hindi ako makalabas agad ng kuwarto ko.

Lagi akong nakikiramdam kung nasa'n si Prof. Henry. Kapag alam kong hindi ko makikita kahit ang anino niya, saka pa lang ako makakakilos.

At ngayong araw, may movement sa ground floor. Footsteps. Kaluskos. Music. Hindi ko alam kung may bisita bang dumating o senyales na ba 'to para bawiin ko ang deposit ko. Kung may sobra lang akong pera, I would really love to leave the house. Kailangan ko lang makita uli si Lolo Dimos para magpaalam at isumbong ang apo niya.

After another hour of obvious activities downstairs, hangry na 'ko. Yes. Angry and hungry. Nagke-crave pa 'ko ng ginisang tinapa. I used to skip meals before. Pero mula nang muntik na 'kong mamatay, ipinangako kong iingatan ko na ang sarili ko. I will eat well. I will sleep and rest well. I will live.

The Professor is making it hard for me to keep my promise to myself.

Lumabas na 'ko ng kuwarto nang makaipon ng lakas ng loob. I was wearing soft pants and a large shirt. Itinali ko sa pony tail ang mahabang buhok ko. It's a safe choice of clothes just in case na may inaayawan din si Prof. sa damit. Ayokong madagdagan niya ang don'ts niya sa'kin.

After Death (Hello, Death 3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon