Chapter 10: The name I should call you

25.5K 1.3K 685
                                    

The gift of forgetting is given by death gods to mortals along with the gift of life. Revealing oneself to a human-in-question subjects a death god to unfavorable power shift.

***

Halos dalawang oras lang ang naging tulog ko nang nagdaang gabi pero nagising akong magaan ang katawan. Sinubukan kong ayusin pa sana 'yung lumang chain ng kwintas ko na naputol. I ended up braiding and stringing yarns through the night, in case I need chains again.

Pagbaba ko ng kumedor, nakaupo na sa hapag sina Lolo Dimos at Prof. Henry. I was ready for the day. I greeted them good morning habang nagsasalin ng kape si Prof. sa mug ni Lolo.

'Yung cowlicks na naman ni Prof... agaw-pansin. Dapat sanay na 'ko sa tikwas ng mga 'yun pero ngayong umaga, rebellious silang lahat. It was sticking out in every direction as if he tossed and turned all night in his bed. Ang cute.

Umubo si Prof.

"Sit down, apo," sabi ni Lolo sa'kin.

Naupo naman ako. Pinlantsa ko pa ng palad ko 'yung blouse ko. Inilagay naman ni Prof. sa tagiliran ng plato ko 'yung mug ng kape.

"May lakad ka ngayon?" tanong ni Lolo habang nag-aabutan kami ng kanin at ulam sa mesa. We have brown rice, fried chicken, eggs, pancit, at biko. I always wonder kung pa'nong nakakapagluto nang mabilis at gano'n karami si Prof. tuwing umaga.

"Meron po, Lolo. May clinic po kami today pero hanggang lunch lang. Baka po umuwi rin ako agad sa hapon, kung hindi naman ako magtatagal sa ampunan na pupuntahan ko," sagot ko. I was scheduled to visit another orphanage for the day. Dadaan din ako sa mall para bumili ng bagong damit. "Kayo po? Aalis po kayo today?"

Ngumuya muna si Lolo bago sumagot. "Yes. May mga aasikasuhin ako."

Sumulyap ako kay Prof. na katapat ko. "Ikaw, Prof.? May lakad ka today?"

"None."

Monosyllabic as usual. Mas may lakad pa si Lolo Dimos kaysa sa kanya. Ano kayang ginagawa niya sa bahay maghapon?

My eyes lingered on him. Medyo malalim ang mata ni Prof. Parang matamlay rin siya.

"May sakit ka uli, Prof.?" tanong ko sa kanya.

"Wala akong sakit. Hindi lang ako nakatulog nang maayos," sagot niya.

Masama pa rin ang tingin ko. Hindi naman siya nagsisinungaling, 'di ba? Like, he's really sick and will call on Lua once Lolo Dimos and I were gone. Tapos, magkukulong na naman sila sa kuwarto at bawal istorbohin.

"I said I'm not sick," asik ni Prof. at sinalubong ang mata ko.

I was caught off guard with his sharp tone. Ano bang masamang itinanong ko?

Narinig namin ang paghigop ni Lolo Dimos ng kape. "You're edgy, Henry."

Nagbuga ng hangin si Prof. pero ni hindi sumulyap kay Lolo. "I'm just tired."

Tahimik akong sumubo. The air in the room was awkward. Like something's wrong but I couldn't put my finger on it.

Tumayo si Lolo, lumapit sa fridge, at pagbalik ay may hawak nang dalawang tasa ng kung ano. He placed one cup in front of Prof. and the other in front of me.

"Inumin n'yo. Herbal 'yan. Parehas kayong maputla," sabi ni Lolo bago bumalik sa upuan niya. He resumed eating breakfast and sipping coffee.

Sinilip ko 'yung laman ng tasa na ibinigay ni Lolo. The liquid inside was somewhat reddish. Inamoy ko pa. It smelled sweet.

After Death (Hello, Death 3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon