Chapter 04: A starlit night

52K 1.8K 467
                                    

A desperate prayer powers a miracle.

***

Eksaktong alas siete ng umaga nang may kumatok sa kuwarto ko. Two knocks. Silent movements. Malalim na boses paglipas ng ilang segundo.

"Come down, Natalie."

Si Prof.

I heard light footsteps walking away. Hindi man lang ako hinintay sumagot, like always.

Nanalamin pa muna uli ako. I think I look friendly enough in my denim jeans and soft blouse. Bitbit ko na ang shoulder bag ko nang lumabas.

Bibisita ako sa isa sa mga orphanages na ni-refer nina Sister Millie at Sister Janet. Gusto kong mag-service sa mga batang gaya ko ang kinalakihan, basta in line sa Psychology course ko. Kung hindi nga lang malayo ang Quezon kung saan ako lumaki, gusto ko sana do'n. But it's not possible since I have internship with Doctor Jill and I still have to graduate.

Reading the messages of the death god I talked to but couldn't remember triggered a lot of things inside me. I was always giving up on life before actually living it. I haven't done anything remarkable yet. I haven't been really involved nor invested in someone or something. Yet, I blamed life for not offering me anything when it is me who's supposed to offer something to life.

Maybe that's why the dumb death god in my phone always call me stupid.

So, I made plans to discover not what life can offer me but what I can offer to life. Giving time for children who has the same background as me is one of the things I think I can do. I want to listen to them and to know them. I want to help them become better adults than me.

Nag-good morning ako kay Prof. Henry at Lolo Dimos nang bumungad sa kumedor. Si Lolo lang ang bumati pabalik.

"May lakad ka ngayon?" tanong ni Lolo sa'kin habang kumakain kami.

"Opo, Lolo. May pupuntahan po akong ampunan," sabi ko.

Napasulyap ako kay Prof. Henry na tahimik na kumakain. He's consistently quiet. Mula kagabi ay magkasalo kami sa hapag pero dalawa lang kami ni Lolo na nag-uusap. Even when I apologized to both of them for walking out, he didn't say a word. I wonder what he's thinking about.

"Gagabihin ka ba? May pasok ka yata bukas," sabi ni Lolo.

"Hindi po ako magpapagabi. Maaga po ako kailangan ni Doktora bukas," sabi ko.

Actually, hanggang pagkatapos lang naman ng tanghalian ang visiting hours ko sa ampunan. Pero susubukan kong abangan sa hapon sa park 'yung death god na nakausap ko para itanong ang tungkol sa feather. Base sa sinabi niya sa'kin, parang okay lang naman na kausapin ko siya at tanungin basta hindi magtatagal.

"Mabuti kung gano'n. Hindi ka dapat masyadong nagpapagabi. Delikado ang panahon. Sabi ni Henry ay madalas kang malalim na ang gabi kung umuwi."

Napasulyap uli ako kay Prof. bago kay Lolo. "Hindi na po. Nagpapagabi lang naman po ako dati kasi kumakain ako sa labas bago umuwi."

Tumango-tango si Lolo bago magtanong uli. "Ang allowance mo? Napagkakasya mo naman?"

"May pambayad pa naman po ako sa upa," maingat kong sagot. "Matipid po ako at may ipon."

Mahinang tumawa si Lolo. He gestured with his hand to dismiss my explanation.

"Graduating ka, anak. Iyon ang inaalala ko."

Nahihiya akong ngumiti bago magpatuloy sa pagkain.

Sa totoo lang, masakit sa bulsa ang mailang kay Prof. Kahit sa karinderya ako kumakain no'ng mga nakaraan at nakakalibre kapag may pa-merienda at pa-hapunan si Doktora, seryosong damage pa rin 'yung bawas sa pera ko. Suwerte na lang na mura ang upa kay Lolo at may allowance ang internship kay Doktora.

After Death (Hello, Death 3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon