Zarina
HINDI ko inaasahan na ang lalaking misteryoso na nakikita ko lang noong mga nakaraan sa karinderya, iyong ayaw kong pagserbisyuhan at iniiwasan pa, ay siyang magiging asawa ko at siyang makakaangkin sa katawan ko.
Ang bilis ng mga pangyayari simula nang makulong si Mama. Ang dami nang nangyari. Pero ang hindi ko mapaniwalaan nang lubos ay ang kaalamang kasal na ako, at may nakaangkin na ng katawan ko.
Tulala ako sa kinauupuan habang patuloy na umaandar ang sasakyan na lulan namin. Ihahatid daw ako ni Sebastian sa main house nila, kung nasaan ang mga kapatid ko at kapatid niyang lalaki.
Hindi ko alam pero kakaiba na naman ang kabog ng dibdib ko ngayon. Tila ba simula nang pumasok sa buhay ko si Sebastian, dapat ko nang asahan na may mga bagay akong dapat na asahan sa klase buhay niya. Mga kakaibang bagay. Pati nga buhay ko, parang naging madilim.
Magtatanghali na pero napaka-gloomy ng paligid. Ang daan na tinatahak namin ay masukal at pribadong lupain. May nakapaskil naman sa bungad na may nagmamay-ari na nito.
Wala halos pumapasok na liwanag sa kagubatan na siyang tinatahak namin. Nagtataasan ang mga puno at nai-imagine ko na tuwing gabi, may mga naglalabasan dito na taong lobo. O ’di naman kaya ’yong mga aswang. Parang ito ’yong klase ng kagubatan na pinamumugaran ng mga kakaibang nilalang.
Agad akong nangilabot sa naisip. Wala sigurong mangangahas na gumala rito tuwing gabi.
Hindi naman ako mapapaniwalain sa mga ganoong klaseng nilalang, pero sabi ng iba, totoo raw ang mga halimaw. Nagkukubli lang sa dilim.
Kumiling pa ang ulo ko nang mapansin na may mga CCTV camera na nakakabit sa ilang puno.
Sa dulo ng lupain ay ang nag-iisang mansion na nakatindig. Puro puti iyon at tila ba nababalutan ng katatakutan dahil sa makaluma nitong disenyo.
“We bought this mansion few years ago. It also serves as our hideout,” rinig kong anito na ikinabaling ko rito pagkababa ng kotse.
Kimi akong tumango at sumama rito nang magsimula itong maglakad papasok. Tila pa nag-alangan ang mga paa ko na sumunod dahil may kakaibang aura na bumabalot sa buong mansion. Parang madilim, parang walang saya sa loob. Walang buhay.
Napalunok ako pagpasok namin. Malaki ang main door at pagpasok namin ay halos puro antigo ang mga gamit na naroon.
Gusto ko pa sanang punain ang kabuuan at disenyo ng mansion pero natigil ang pag-iisip ko at dumako ang tingin sa batang babae na umiiyak habang kaharap ang isang lalaki.
Napasinghap ako at agad itong dinaluhan.
“Hearth! Bakit?” Halos mag-panic ako nang pag-angat ko ng tingin ay isang lalaking kahawig ni Sebastian ang bumungad sa akin.
Malalamig ang tingin nito kay Hearth, bago iangat sa akin ang tingin.
Halos magkamukha sila ni Sebastian! Ang ipinagkaiba lang nila ay mukhang mas maedad si Sebastian kaysa rito! Ito na nga ata ang sinasabi niyang kapatid.
Ngunit ano ang ginawa nito sa kapatid ko at umiiyak ito na tila ba takot na takot?
“What did you do to my sister?!” bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa namumuong takot at galit.
“I will take her to Russia,” walang emosiyong sagot nito na siyang nagpatigil sa mundo ko.
Umawang ang bibig ko at tila ba sandaling tumigil ang pagtibok ng puso ko.
A-Ano? Tila ako mabibingi nang bigla na lang lumakas ang kabog ng puso ko.
“W-What?” hindi makapaniwalang sambit ko. Gusto kong ulitin nito ang sinasabi, at dugtungan ng paliwanag na binibiro niya lang ako. Pero malabo iyon dahil sa mukha nitong tila hindi marunong magbiro. Salubong ang kilay ko nang balingan si Sebastian na seryoso lang na nakamasid sa akin. “What’s this?! You said you will protect my siblings if I marry you!”
BINABASA MO ANG
The Russian Mafia's Girl
General FictionDark Story 1 (GENERAL FICTION) Zarina Jesusa Nicholson and Sebastian Yudkovich Benczkowski WARNING: Mature content. Read at your own risk. August 28, 2020 - April 9, 2021