Kabanata 6

2.9K 105 22
                                    

Sorry po sa late update. Bihira na makapagsulat dahil whole day ang pasok sa school. : (

Zarina

Alanganin akong ngumiti at naisip na baka weirdo ang isang ito.

Ngumiti na lang ang babae na ikinalitaw ng mapuputing ngipin nito. Pantay ang mga ngipin nitong mapuputi kaya para na naman akong nahibang dito.

"Anyways, I'm Kristella. This is my sister, Frostella. You can call us Kris and Frost, okay?"

Maligalig pala ang isang ito. Kabaliktaran naman ng kapatid niyang si Frost.

"Nice to meet you," nahihiya kong sambit na ikinangiti ng mga ito nang tipid.

"You're aware that you're surrounded by extraordinary people, aren't you?" imik ni Frost na ikinabaling ko rito. Sasagot na sana ako, kaya lang ay dinugtungan niya iyon. "Do you believe in the existence of vampires? Reptilian humanoids? And even the biologically enhanced human or superhuman?"

Nagsalubong na ang mga kilay ko sa mga tanong nito. Ang weird. Akala ko ay si Kris lang ang weirdo, siya rin pala.

"Are they even real?" kuwestyon ko sa sinabi nito at natawa nang mahina na ikinangiti nito nang bahagya. Akala ko naman, nagbibiro lang sila sa akin. Hindi ko alam na may gusto na pala silang maiparating sa akin. Nangalumbaba ako at napaisip kung posible ba iyong mga sa palabas lang namin nakikita. "Hmm, I have never seen anything like them. And I don't believe they exist. They live only in the imagination of the people who believe in them." Saka ako nagkibit-balikat.

Hindi ako fan ng mga kakaibang bagay o mga kakaibang nilalang. Naririnig ko lang sila pero ni isa sa mga iyon, wala akong pinaniniwalaan. To see is to believe, ika nga nila.

Nangiti lalo si Frostella at isinandal ang likod sa sandalan ng kinauupuan. Itinaktak nito ang daliri sa mesa at tumitig sa akin nang kakaiba.

"But if you saw one, would you run?"

Would I run?

Nagkibit-balikat lang ako rito at mabilis na tinapos ang kinakain. Wala akong balak na seryosohin ang mga tanong nila.

Nag-ring na rin ang bell kaya nagpaalam na ako sa mga ito na babalik na sa classroom.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa room. Mapagtatyagaan ko pa naman hanggang sa matapos ang inaasikaso ni Sebastian dito sa bansa.

Lulugo-lugo ako nang mag-uwian. Tila ba ubos ang lakas ko kahit na wala naman kaming masiyadong ginawa kanina.

"My wife is tired."

Mula sa paghihikab ay napatingin ako sa lalaki sa gilid na nakatindig. Maliit akong ngumiti rito bago sumunod dito.

Agad na pumulupot ang braso nito sa baywang ko nang tahakin namin ang daan papunta sa bahay.

"How's your day?"

Naramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko.

Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa akin nang tingalain ito. "Good. And I already have friends, Sebastian," imporma ko rito at ipinakita ang dalawang daliri para ipaalam na dalawa sila.

Tipid itong tumango at binuksan ang gate ng bahay pagtapat namin doon. "Who are they?"

"Kristella and Frostella. You know them?"

Tinugunan ako nito ng isang tango. "Their parents are the owners of Asianah University."

Muntik na akong mabilaukan sa sariling laway.

Iyong dalawang iyon? Anak pala ng may-ari ng school?!

Pagpasok namin sa loob ay agad ako nitong inakay papasok sa bedroom. Ito pa ang nag-alis ng bag ko.

The Russian Mafia's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon