Kabanata 7

2.2K 93 18
                                    

Zarina

ANO BA ANG DAPAT KONG MALAMAN?

Ano ba ang misteryo sa likod ng lalaking napangasawa ko?

Iyan ang mga tanong na kanina pa umiikot sa isipan ko.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang lalaki pero hindi ko mapunto kung ano ba ang tinatago nitong sikreto.

Para akong mababaliw dahil may parte sa akin na iniisip na baka nga halimaw ito—iyong literal na halimaw. Pero may parte rin sa akin na iniisip na kalokohan lang iyon.

Kung hindi lang sana ako sinimulang tanungin at kuwentuhan ng tungkol sa mga klase ng halimaw sa mundo, hindi sana maglalakbay nang ganito ang isip ko.

Nangangati na tuloy akong magtungo sa Russia para may malaman.

“Ate is always busy, Zarina. But if you really want to know the truth and the dark secrets of that guy, just go to Ate Xianah.”

“She can see your future. Kaya niyang pasukin ang isip ng tao para makita ang hinaharap nito. It’s scary because you’ll know the dark future ahead of you . . .”

Noong una ko pa lang na makita ang tinatawag nilang Xianah, pansin ko na ang pagiging tahimik nito. Iyong titig sa akin na tila ba hinahalukay ang pagkatao ko.

Napahinga na lang ako nang malalim. Bakit ba ako nag-iisip ng mga ganito?

Hindi totoo ang mga halimaw! Gawa-gawa lang sila ng imahinasyon ng mga tao!

Iyan ang itinatak ko sa isip ko para hindi na ako mabaliw sa kaiisip.

Sabado ngayon at walang pasok kaya sinundo ako ni Sebastian at dinala sa mansiyon niya. Tulad noong nakaraan, napakadilim na naman ng kalangitan.

Abala ang lalaki kaya iniwan ko ito roon sa kuwarto at nagpaalam na rito lang ako sa labas para makapagpahangin.

Maraming dahon na natuyo ang nasa lapag at isinasayaw ng malakas na hangin. Sa napakalawak na lugar na ito, kaming dalawa lang ang umookupa.

Napakatahimik. Nakakabagot.

Ang may kalakihang fountain sa harapan ay masaganang umaagos ang tubig.

Marahan akong inihakbang ang mga paa papunta sa matataas na puno. Nagmasid-masid ako roon.

Isang malamig na hangin ang muling umihip na ikinatingin ko sa malayo.

Bakit ganito na lang ang pakiramdam ko sa lugar na ito? Parang may mali. Parang may kakaiba. O baka ako lang itong nag-iisip na mayroon?

Muli kong nilingon ang mansion at napabuga ng hininga. ’Di naman ako masiyadong lalayo. Gusto ko lang mapuntahan ang parte ng lugar na ito na tila misteryo para sa akin.

Sa ’di kalayuan ay may naririnig akong agos ng tubig. Baka may talon doon o sapa.

Dala na rin ng kuryosidad ay sinundan ko ang naririnig. Nawala na rin sa paningin ko ang kalsada at tanging lupa at mga tuyong dahon na lang ang natatapakan ko.

Habang palayo ako nang palayo sa mansion ay siya namang palakas nang palakas na tunog ng pag-agos ng tubig.

Lalo tuloy tumindi ang kuryosidad ko para makita ang pinanggagalingan niyon. Baka may magandang tanawin dito.

Lakad-takbo ang aking ginawa. ’Di ko alintana ang mga dahon na sumasampal sa akin.

Sa bandang dulo ay natanaw ko na rin sa wakas ang isang maliit na talon.

Namangha pa ako at napanganga dahil may maliit na tulay na ginawa patawid sa kabilang dako. Tama lang ang lakas ng pagragasa ng tubig.

Ano kaya ang mayroon sa kabilang dako?

The Russian Mafia's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon