Kabanata 4

2.8K 105 24
                                    

Zarina

“Ha?” naibulalas ko. A-Anong traditional mark? Napailing-iling ako habang iniisip na kabaliwan lang ang bagay na ito. “Remove this, Sir. I don’t want to be owned by someone from your clan,” naiiyak kong pakiusap ngunit umiwas lang ito ng tingin at nandilim ang mukha.

“I told you to eat first, Zarina. I cooked something delicious for you. Let’s talk later,” matigas nitong turan.

Ang tigas din ng tono nito na tila ba natural na iyon sa kaniya.

Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lang.

Walang imik akong sumunod dito. Kinabahan pa ako at nailang nang mapansin na naririto pa rin ang tatlong lalaki. Pero may isang babae na roon na napakaganda ng hitsura. Hawak-hawak ito ng lalaking may berdeng mga mata, at buhat pa ng lalaki ang tingin ko’y anak nila na paslit pa.

Umawang ang mga labi ko dahil para akong namamalikmata. Sobrang ganda niya! Parang ginawa para maging perpekto at wala akong mahanap na kapangitan sa pisikal na anyo nito.

Sino siya? Bumaba ang tingin ko sa batang kahawig niya na buhat ng lalaking may berdeng mga mata.

Natigilan lang ako sa pagtanga sa mga ito nang makarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa lalaking nakahawak sa braso ko.

“She’s Xianah, Adam’s wife. And Oxanah, their daughter,” pakilala nito na ikinaawang lalo ng bibig ko.

Adam pala ang pangalan ng lalaking may kulay berde at kakaibang klaseng mga mata. Hindi ko talaga alam kung bakit kinakabahan ako sa paraan ng pagtingin nito, parang may nakapaloob na kapahamakan doon. Pero hindi ko alam, hindi ko masabi kung ano’ng meron sa kaniya. Nakakatakot ang mga mata nito na tila puno ng misteryo.

Nang maupo kami sa upuan sa loob ng kusina ay mariin kong nakagat ang ibabang labi. Puro Filipino foods ang naririto.

Ganado pa ang mga ito na kumain.

Matagal na ba sila rito sa bansa para makasanayan ang mga pagkain dito?

Hindi ko halos malunok-lunok ang kinakain. Bagamat masarap iyon, hindi ko talaga mapuri nang husto. Wala ako sa mood at gusto ko na lang maiyak dahil sa sitwasyon.

Ang tanong na kanina pa umiikot sa isip ko ay, kung kailan ako makakauwi? O makakauwi pa nga ba? Makikita ko pa ba ang mga kapatid ko?

Wala sa sariling napatingin ako sa kaharap kong lalaki. Siya na lang ang hindi ko pa nakikilala. May pagkakahawig sila niyong Frank kaya naisip kong magkapatid sila.

“His name is Christian Yudkovich, brother of Frank,” anang katabi ko nang mapansin ang tingin ko sa kaharap.

Napalunok tuloy ako at ito naman ang napagmasdan. Sa nanlalamlam kong mga mata ay bumaba ang tingin ko sa braso nitong kay laki. Ang mga palad nito ay kahit hindi ko hawakan, alam ko nang magaspang iyon at marahas.

May napapansin ako sa aura nilang lahat pero hindi ko mapunto nang eksakto kung ano iyon. May kakaiba talaga sa kanila. Para silang hindi mga simpleng mayayaman lang.

Para bang . . . may itinatago silang maitim na sikreto—sikreto na tingin ko ay mas delikado pa kaysa sa katotohanang pumapatay sila.

Para akong hindi makahinga habang tumatakbo ang isipan ko kung saan-saan. Gulong-gulo na ako at ayoko itong takot na lumulukob sa akin.

Mabuti nga at dahil sa gutom, nagawa kong maubos ang pagkain.

Napaangat ako ng tingin kay Frank nang tumayo ito matapos kumain.

“So, my work here is done. I’ll go back to Russia next week, Seb,” anito na ang kausap ay ang katabi ko. Si Sebastian. Makaraan ay bumaling ito sa akin at biglang napangisi. “You are lucky because you are the woman who captured his heart, and he listened to your pleas. Otherwise, you will also end up like them. Dead.”

The Russian Mafia's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon