Zarina
Tumikhim ito. “I think, Ate is busy upstairs. Let me tour you for a while while waiting for her,” imik nito na ikinatango ko agad.
Tumayo kami at dumeretso agad sa ikalawang palapag ng kanilang mansiyon.
Hindi ko alam pero kakaibang lamig ang nanunuot sa kalamnan ko habang tinatahak namin ang napakatahimik na hallway ng second floor. Puro painting lang ang nakikita ko roon at mga litrato ng kanilang pamilya. Iilan lang din ang pinto na nakita ko.
“You see that woman right there?” Huminto ito sa isang painting na tila nalumaan na. Pero maganda ang pagkakagawa nito, tila isang napakagaling na artist ang nagpinta. Bawat detalye ay pinaglaanan ng oras at atensiyon. “That’s my Mom when she was fifteen, and that’s her mom, my grandma.” Turo nito sa dalawang babae na tila nabubuhay lang sa mga libro. Nakakahalina ang hitsura ng mga ito, kay gaganda.
Ang background nito ay lumang bahay rin. May mga kung ano-anong nakasabit sa pader na hindi ko maintindihan. Tila mga palawit.
Ang babaeng nakaupo sa lumang upuan ay ang itinuro niyang nanay niya. Habang ang nakatayo sa gilid nito ay ang lola niya na parang dalaga lang din kahit may anak nang kinse anyos.
Kung may pagkakapareho man sila, iyon ay ang puti nilang buhok na nangingintab at bagsak na bagsak. May napansin pa ako sa mga mata ng mga ito.
Blangko ang tingin ng mga ito, bagamat nakangiti. Tila hindi ko maramdaman ang saya nila sa painting na iyon. Kay galing naman ng pintor kung sakaling nakuha talaga nito mismo ipinta ang emosiyon ng dalawang babae. Ang damit ng mga ito ay kulay puti na tila nalipasan na rin ng panahon. Para lang silang kambal.
Kulay abo. Iyon ang nakikita kong kulay ng mga mata nila pareho.
Nangunot ang noo ko sa napansin at ibinaling sa katabi ang tingin.
“You might be wondering why they look like that,” puna nito at napangiti nang bahagya. Namulsa ito at pinasadahan ng tingin ang painting. “Galing sila sa ibang mundo, Zarina. Maaaring hindi mo ako paniwalaan, but it’s the truth. We are far different from you—mortals,” marahang aniya na parang gustong ipaintindi sa akin ang mga sinasabi niya.
Pero sumakit lang ang ulo ko sa sinabi nito. Papaanong galing ang magulang niya sa ibang mundo? May ganoon ba talaga?
“I know it’s hard to believe, pero parte ka na rin ng buhay namin. Nagpakasal ka na sa pinsan ng asawa ng ate ko, kaya kahit ano’ng mangyari, magkakakonekta na tayo. You’ll learn everything gradually, Zarina. Whether you accept it or not, hindi na normal ang magiging buhay mo.”
Natulala na lang ako sa mga sinabi nito. Gusto kong umiling at sabihin sa sarili na nananaginip lang ako. Na hindi naman talaga totoo ang mga naririnig at nakikita ko. Produkto lang iyon ng malikhain kong isipan. Pero kahit anong gawin ko, ’di talaga ako magising-gising sa kabaliwan na ito.
Kung totoong nakakasama ko ang mga ’di normal na nilalang ngayon, ibig sabihin ay may posibilidad na totoo talaga ang mga halimaw? Totoo ang nakita ko sa lungga ni Sebastian noong nakaraan?
Napatakip na lang ako ng bibig sa naisip. Kukumpirmahin ko ulit iyon kung ganoon. Kapag nakakuha ako ng tiyempo, babalikan ko ang lugar kung saan ko nakita ang lungga ng mga tauhan ni Sebastian.
Nang lumakad ito paalis ay napatingin akong muli sa painting. Hanggang sa malaglag ang tingin ko sa mga salitang nakasulat sa ibaba niyon.
The famous Great Enchantress, Seraphina Elise Ducani and her only daughter, Seraphine Thiarie Rousseau
Great Enchantress? Ano iyon?
“That’s my Dad.”
Nabalik ang tingin ko kay Kris at agad na lumapit dito. Isa na iyong litrato ng buong pamilya nila. Mukhang bago lang din. Nakita ko tuloy nang malinaw ang hitsura nila, lalo na ng mama nila.

BINABASA MO ANG
The Russian Mafia's Girl
General FictionDark Story 1 (GENERAL FICTION) Zarina Jesusa Nicholson and Sebastian Yudkovich Benczkowski WARNING: Mature content. Read at your own risk. August 28, 2020 - April 9, 2021