Note: HINDI AKO MAGALING SA INGLES KAYA PAGPASENSYAHAN NYO NA ANG AKING GRAMMAR SA INGLESH SALAMAT! ENJOY SA PAGBABASA!
**
Nagising ako dahil sa ingay ng aking alarm clock, pasukan nanaman, iniisip ko palang ay napapabuntong hininga na ako. First day of being a senior, salamat at senior na ako atleast malapit na ako umalis sa school na yan. Ewan, basta ayoko sa school ko.
Daily routine tuwing umaga: kumain ng breakfast, maligo, magbihis, at gora na sa school. Wala akong kasama sa bahay, kasi sila nanay and tatay nasa probinsya. May kaya lang naman kami, working student ako sa school kaya half scholar ako kung tatawagin. Pero hindi naman araw-araw ang pagtratrabaho ko sa school depende na lamang kapag may kailangan ipagawa sa amin.
Wala may gusto sa akin sa school kaya siguro ayoko rin sa school dahil ayaw sa akin ng mga kaklase ko, mga plastik sila. Ayoko na lamang silang isipin pa. Waste of time. Isa lang talaga ang matatawag kong kaibigan ko sa school namin at iyon ay si Leslie Lopez. Magkababata kasi kami ang kabaliktaran lang, siya mayaman.
Mabuti nga mabait padin siya at inaaway ung mga nang aaway sa akin, ang sweet ng babaita ko. Kaya mahal na mahal ko sya. Habang naglalakad ako, may umakbay sa akin. Nilingon ko naman ito na may pagkagulat.
"Hey Jas!" Sabi ng isang lalaking matangkad, may maaamong mga mata, ang buhok nyang laging clean cut at hindi mapapakaila na may kagwapuhang taglay, si Jin. Ngumingiti ito sa akin, ginantihan ko naman. Bukod kasi kay Leslie, masasabi kong kabilang na rin si Jin sa naging kaibigan ko pero hindi naman kami gaano close. "Wala ka nanaman bang kasabay?" tanong nito habang sinasabayan na ako maglakad.
"Meron naman." Habang pinipigilan ko matawa, "Ikaw." Ngayon hindi ko na kinaya kaya medyo natawa na lamang ako. "Ano ba ginagawa mo at nakikisabay ka sa akin?"
"Wala naman, gusto lang kita sabayan pagpasok." sabay kamot sa kanyang batok at namumula pa ito. Parang ako rin bigla namula kaya sabay kami umiwas ng tingin sa isa't isa. "Ang loner mo rin kasi." Bulong nya, narinig ko naman.
"Loner naman talaga ako ehh. Alam mo naman yun diba?" sagot ko habang naglalakad uli, bakit parang ang layo naman ng school ko ngayon. Sa pagkakatanda ko wala pang dalawampung minute dapat nasa school na ako.
"Ayaw mo kasi makipagkaibigan bukod sa amin ni Leslie, kaya ka loner." napasimangot naman ako, hindi naman ganun yun. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Hindi naman kasi ganun yun, alam mo naman ang dahilan diba?" seryoso kong sabi, kahit anong sabihin nya, alam nya naman ang mga dahilan bat ako laging nag-iisa.
"Fine, ang akin lang naman sana subukan mo pa rin makipagkaibigan sa iba, okay?" sabay gulo ng buhok ko. "Osya, see you later na lang!" sabay takbo niya papasok ng room niya.
Andito na pala kami, di ko namalayan. Natuwa siguro ako na- umiling ako ng paulit ulit ano ba naman nasa isip ko. "Wala lang yun." sabi ko habang papasok na sa room ko.
Naupo naman ako agad sa bakanteng upuan sa likod, lagi naman ako sa likod. Wala pa gaanong tao dito kaya pwede pa ako matulog. Yumuko na lamang ako at papikit na sana ang aking mga mata nang may narinig akong sigaw.
'Ay, shit!'
"Jas!" yung matinis niyang boses, "I miss you!" hindi nga ako nagkamali kasi pag-angat ko palang ng ulo ay nakabig niya na ako sa kanyang mga bisig. Hindi ko maiwasan bumuga ng hangin kasi naloloka ako sa kaibigan kong ito.
"Hoy, wag ka nga dyan sumigaw at tumili. Gumagawa ka nanaman ng eksena." bulong ko rito.
"Wala silang pake." sabay higpit nanaman ng yakap niya sa akin, ginatihan ko naman ito habang natatawa.
YOU ARE READING
T - Application
Teen FictionHindi ko alam kung bakit ko pa sinubukan gamitin yun, hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat, gusto ko na kalimutan ang lahat pero paano, kung may isang bagay ang nagpapaalala sa akin na kailanman hindi ko na ito makakalimutan.