3

3 0 0
                                    

Umuwi naman ako agad pagkatapos ng trabaho ko kanila Manang Dina. Dalawang oras lang naman ako nagtratrabaho sa kanila tuwing weekdays kaya hindi ako ginagabi ng uwi. Para na rin may time ako mag review sa mga next lessons.

Habang ako ay naliligo hindi ko napigilan ang isipin ung mga nakaraang araw na kasama ko si Jin.

Flash back

Nagising ako ng maaga sa kadahilan nagiingay ang aking cellphone dinilat ko ang aking mata at nakita ko pangalan ni Jin. Parang may sariling utak ang puso ko kasi bigla na lamang ito bumilis.

Agad agad ko naman ito sinagot. "Hey Jas, goodmorning!" Bati nya sa akin.

"Yeah, goodmorning." Boses bagong gising bati ko.

Narinig ko naman sya tumawa ng mahina "Did I wake you?" Napairap na lamang ako kahit napakabilis nanaman tumibok ang puso

"Obviously Jin you did. Tsk." Ani ko. May kasabihan na 'Biruin mo na ang lasing wag lang ang baging gising. Tsk.'

Ayun parin ang tawa niya at ganun parin ang bilis ng tibok ng aking puso. "Sorry for waking you up." Hingi niyang tawad kahit natawa parin. Kainis. "Btw, I'm standing in front of your house Jas."

Napalaki naman ang mata ko. "What?!" I shouted. Napalinga naman ako sa orasan at nakitang 5:57 am palang! Ang aga aga pa!

"What are you doing out there?!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong mataasan sya ng boses. Natawa naman siya. 'Shit, Jin stop laughing!'

"Jas, I'll explain to you later. Can you let me first get inside your house?" Hindi na ako sumagot at binaba kaagad ang tawag.

Lumihis ako ng kwarto ko kahit naka short shorts at sando lang ako para lang makita kung nasa labas nga siya.

Tinaasan ko siya ng kilay nang makita kong nakauniporme na siya at dala dala ang gamit nya. "Ang aga aga nambubulabog ka, ano meron?" Pantataray ko sa kanya, kahit ang totoo parang ako matutunaw sa kanyang mga tingin.

Ngumiti muna siya sa akin at ipinakita ang dala niyang supot. "Let's eat breakfast together."

"I can cook and eat on my own, Jin." Sagot ko rito nakataas parin ang kilay at humalikipkip pa.

"Come on Jas we're friends right?" Sabi nya sa tonong parang nagtatampo.

'Alam na alam ang kahinaan mo, Jastyne!' Napailing na lamang ako at binuksan ang gate. "Fine. Just this once, okay?"

Masaya naman siyang tumango. 'Kung hindi ko lang to gusto eh.'

Ganun na ang naging routine namin araw araw at lagi niya ako sinasabayan pumasok, kumain sa school, sabay din kami nag aaral. Tuwing weekends naman niyayaya niya ako manood ng practice nila sa basketball o kaya gumala.

Habang tumatagal gumagaan ang loob ko sa kanya at lumalalim ang pagkakagusto ko sa kanya. Walang palya ang kanyang ka-sweetan kaya araw-araw din ako may kilig.

Kakatapos ko lang maligo ng maisipan ko muna magpahinga kahit isang oras lang, kapagod. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako pinansin ni Xar kanina, kasi kung pinansin niya ako magtataka si ate Gwen. Type pa naman niya raw si Xar diba?

"Hay." sabi ko habang pabagsak kong inihiga sarili ko sa kama.

Papikit na sana ako ng bigla tumunog cellphone ko. Tinignan ko naman kung ano yun? 'Ay, bakit ko ba nakalimutan may vi-videocall nga pala kami ni Les!' Agad ko naman inayos sarili ko at sinagot ang video call niya.

"Hi Jas!" ayan nanaman ang boses niya. Napatakip naman ako ng tenga dahil sa lakas ng pagbabati niya sa akin. "You're so mean! Hmp!" Napansin niya ata ung pagkilos ko, agad ko naman binaba ito.

T - ApplicationWhere stories live. Discover now