2

4 0 0
                                    

Hindi ko alam ang sasabihin ko, bakit ba bigla biglaan ito? 'Wag na wag kang magpapaligaw.' Pumasok sa isip ko ung sinasabi ni itay kaya naman biglang bumukas ng kusa ung bibig ko.

"Hindi pwede." Seryoso kong sabi. Nahagip ang sakit sa kanyang mga mata ngunit tinago nya iyon kaagad.

"Biro lang." Tugon niya na may pekeng tawa at kumain na lamang. Nagkaroon ng tahimik na sandali sa amin, ang ingay lang na naririnig namin ay yung kutsara at tinidor namin tuwing nagtatama.

Napabuntong hininga na lamang ako, hindi ako sanay kapag tahimik ang isang to. "Bakit?" ang tanging tanong ko. Tinignan nya lamang ako at hindi nagsalita. "Bakit?" Nagtataka lamang ako nang tanungin nya ako nun, sa pagkakaalam ko kapatid lang ang turingan namin.

Humugot sya ng hangin at nagsalita, "Hindi ko alam, bigla ko na lang naramdaman na gusto kita." Seryoso nyang saad.

Hindi ko kaya ang ganitong sitwasyon kaya tumayo na lamang ako. "Hindi mo ko pwedeng magustuhan, parang kuya na kita. Sorry. Salamat sa dinner." Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya.

Aminin ko man o sa hindi nagkagusto ako kay Xar dati, pero ngayon, wala na parang kapatid na lang ang turing ko sa kanya dahil hindi ko naman aakalain na magkakagusto rin sya sa akin. Nag-fade na ung feelings ko para sa kanya.

Hindi ko namamalayan nasa gitna ako ng kalsada at naabutan ng ulan, bakit ba nangyayari to sa akin? Tumakbo na ako para makauwi agad agad, at madami pa akong dapat basahin. Pero imbes na makapagbasa ako ay nakatulog ako pagkatapos ko maligo.

**

Naalipungatan ako bigla kaya napag-isipan ko na lamang uminom muna ng tubig. Habang na inom ako, tinignan ko kung ano oras na.

2:34 am

Ang aga pa, makatulog na nga lang uli. Babalik na sana ako sa kwarto nang umilaw ang cellphone ko. May nagtext siguro.

Hey Jas, it's me Jin. Can't sleep.

Bat gising pa to? Nagreply naman ako agad.

Yow, what's up?

Siguro pwede pa naman ata ako di muna matulog at makipagtext na lang kay Jin at magbabasa na rin.

Inilabas ko na mga libro na dapat na basahin, bigla naman umilaw muli ang cp ko. Pero naalala ko nga pala kailangan ko mag-sulat ng letter para kanila itay na okay lang ako, agad ko naman ginawa iyon.

I dunno, maybe having an insomia? You? Why still up?

Insomia, aysus baka kasi may wifi sila kaya di siya makatulog. Tsk tsk.

Naalimpungatan lang naman ako.

Naghihintay ako ng reply niya habang nagbabasa at hina-highlight ung mga important na meron doon. Madali lang naman intindihin eh.

Ang tagal naman magreply nun. Ay, hindi ko pa pala na send. Nako.

So anong ginagawa mo na ngayon?

Napangiti naman ako bigla sa hindi malaman na dahilan.

Reading some notes, so how's your first day btw?

Alam ko napaka-nonsense ng tanong ko para lang magka-topic kami. Hindi kasi ako magaling sa ganitong bagay.

We have a new classmate in town. Her name is Klara, she's cute. :)

'Oww, Klara.'

Well I don't care. I don't even saw her earlier.

Ganyan ako, ewan ko ba basta wala akong paki kasi di naman kami magkakilala.

T - ApplicationWhere stories live. Discover now