Naalipungatan ako nang maramdaman ang cellphone ko nagvibrate sa aking tabi. Tinignan ko naman ito kung sino ang natawag ng dis oras ng gabi.
Xarius DV
Ano naman kailangan nito? Tsk. Sinagot ko naman. "What do you need?" I asked habang nahikab pa. Inaantok pa ako ehh.
"Jm, I need your help." Halata sa boses nya ang pagpapanic. Agad naman ako napaupo sa aking kinahihigaan.
"What happend?"
"Ughh, ang bigat mo naman." Reklamo niya sa kabilang linya. May kasama siya? "May kasama kasi ako ngayong babae." Ani naman niya.
So tama nga ang hula ko na may kasama sya.
"Anong konek sa pagtulong ko?" Inis na sabi ko. "You know what time is it?!" Dagdag ko pa.
"Sorry my Princess." He apologized. "But this person said you know her." Doon ako naguluhan.Nag isip ako kung sino posibleng babae. "What's her name?" I can't think of a girl's name except Leslie and Lylie but it's impossible that Xar don't know the twins.
"Wag kang magulo babae." He said that in an irritated voice of his. "Her name?" I heard him humming like he was remembering the name. "Jen? Jaye? Ginn—" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang tinig ng isang babae na sumabat na nagpatigil si Xar.
"It's Guuu-eeen!" Parang bata ang pagtatama nya.
"Yeah yeah. Whatever." Ani naman ni Xar. "You heard her, her name is Gwen."
"Is she drunk?"
"Obviously." He answered with his ow so it's a matter of fact tone. "Babae, umayos ka nga!" Inis na bulyaw nya nanaman kay Ate Gwen.
What happend to her ba? "Bring her here Xar."
"Yeah. Wait for us outside." Binaba nya agad.
Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo na sa kama para makapagpalit ng damit. Naka pajama lang kasi ako, nakakahiya naman kung makita ako ni Xar na nakaganito. Though minsan nakita nya naman na ako nakaganito dati pero nakakahiya parin.
Binuksan ko ang aking cabinet na kung saan nakalagay ang aking mga damit kinuha ko ang isa long sleeve na pangbahay ko at isang short above the knee. Agad naman ako nagpalit dahil ramdam ko na malapit na sila Xar ehh. Tama nga ang hinala ko dahil may sumigaw ng pangalan ko. "JM!" tsk, hindi ba alam ni Xar ang oras baka magising ng mg kapitbahay.
"Yeah! Wait a minute!" Nagpony tail muna ako bago buksan ang pinto nakita ko naman si Xar nabitbit bitbit si ate Gwen sa likod niya. Pagkarating ko sa harap ng gate ay binuksan ko na ito at pinapasok na. Kawawa naman si Xar halata sa mukha niya na pagod na pagod siya sa kakabuhat kay ate Gwen.
Pagkababa ng pagkababa niya kay ate Gwen sa sofa "Ohh thank you Lord!" sabi niya habang minamasahe ang kanyang balikat at umupo.
"What happened ba?" Tinanong ko ito at lumakad papalapit sa kanila. I looked at ate Gwen and saw her sleeping peacefully. However Xar didn't answer my question he remained silent. "Well?"
He breathed deeply and looked at the girl beside him. "Nakita ko siya sa isang eskinita." Bigla naman ako kinabahan sa panimula niya. "Napadaan kasi ako pauwi sa lugar na yun at narinig ko siyang sumisigaw." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
'Don't tell me.'
My eyes widened when I heard his answer "Jm, she almost got raped. Ang daming lalaki nakapalibot sa kanya."
Napatingin ako kay ate Gwen, concern ako sa kanya kasi parang ate ko na rin sya. "Thank you for saving her Xar." I sincerely said. Pumunta ako sa dining area para makakuha ng maiinom si Xar kasi halata naman sa kanyang pagod sya.
YOU ARE READING
T - Application
Teen FictionHindi ko alam kung bakit ko pa sinubukan gamitin yun, hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat, gusto ko na kalimutan ang lahat pero paano, kung may isang bagay ang nagpapaalala sa akin na kailanman hindi ko na ito makakalimutan.