"Anong meron sa Klara na yan?" tanong ko habang pinupunasan ko ang aking luha. Tinignan ko si Jin sa kanyang reaksyon at tama nga ako nakita ko nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin na hindi parin natigil sa pag iyak. "Damn tears, right?" natatawa kong bigkas. Tumayo sya sa kanyang upuan at tumabi sa akin, I'm thanking God dahil kakaunti lang tao ngayon at di kami nakakaagaw ng pansin sa mga nakain dito.
"Hey stop crying, Jas." Inaalo nya ako, sya na mismo ang pumahid ng aking luha. "Hindi ko talaga gusto nakikita kang umiiyak" bulong nito. "It's killing me."
Paano nya bay un nagagawa? Posible kaya na pasayahin ka ng taong mahal mo habang sinasaktan ka rin ng sabay? Ganun ang ginagawa nya sa akin!
"Sabihin mo na lang, pwede ba?" sinubukan kong hindi maging basag ang boses ko pero hindi magawa dahil basag na basag na ako sa loob paano pa ba ako mabubuo?
Isang araw palang kaming magkarelasyon pero grabe na ang pagkalunod ko sa kanya. Ito ba talaga ang gusto nyang mangyari? Mamahalin ko sya ng sobra sobra at malulunod na lang ng hindi namamalayan? Kasi kung oo, nagtagumpay sya. Pero hindi magagawa ni Jin yun. Sya na ang pinaka mabait na tao na nakilala ko.
Tinitigan nya lang ako at napabuntong hininga, "Ipangako mo lang sa akin" napalingon ako sa kanya at nakitang napalunok sya "Hindi mo ko iiwan pagnarinig mo ito" ngumiti ako ng pilit pero hindi tumango.
Hindi nya tuloy alam kung dapat ba nya talaga sabihin sa akin, hinawakan ko kamay nya na ikinabigla nya. "Pwede ba sabihin mo na lang" kahit basag na basag na ang aking boses nagawa ko pa rin sabihin ito.
"Tinawagan nya ako dahil nawawala ang kapatid nya. Hindi nya magawang hanapin mag-isa."
Tinitigan ko sya, "Iyon ba nag dahilan kung bakit nagmamadali kang umalis na ni paalam sa personal hindi mo manlang nagawa sa amin lalo na sa akin?" hindi ko maalis ang pait sa tono ng aking pananalita.
Umiwas sya ng tingin at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kamay ko. Ang sakit makitang tama ang hinala mo sa taong mahal mo. Tapos ipinagpalit ka pa sa ibang babae, mahal nga ba nya ako o sadyang na challenge lang sya sa akin?
"Hindi Jas, mali ang naii--"
"Edi ano? Sabihin mo!" medyo napapasigaw na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Mahal mo ba talaga ako o ginagago mo lang ako?" Hindi ko nakilala ang boses ko. Nakita ko ang sakit sa kanyang mata. Nasasaktan ko sya.
"Alam mo kung gaano kita kamahal" nagulat ako na may pumatak na luha sa kanya. "Alam mo yan" pagkatapos nyang sabihin ito ay iniwan nya na ako.
Sinubsob ko ang aking ulo sa lamesa at umiyak ng tahimik. Narinig ko ang yapak ng isang tao na papalpit sa gawi ko. "Where's Jin?"andito na si Leslie. Hindi ko pwede ipakita sa kanya na ganito itsura ko. Umiling na lamang ako. "Hey" naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking ulo. "Don't worry, everything will be alright. Okay?" ang kanyang mga salita ay nagpapaayos ng aking karamdaman pero hindi ko parin magawang tumigil sa kakaiyak
"Let's go somewhere."
**
Pagkatapos ng usapan na yun, hindi na kami nakapag-usap na ni Jin. Hindi na rin nya ako sinusundo sa bahay. Hindi na rin nya ako pinapansin kahit isang tingin manlang sa akin wala na rin. From a couple to strangers. Completely strangers. Wala na ung taong mangungulit sa akin sa umaga para lang sabihin na sabay kami magbreakfast. Wala na. Hindi ako sanay. Palagi ako naiyak bago matulog dahil lang sa kanya, pero napag-isipan ko kasalanan ko rin dahil nagduda ako sa kanya.
Papasok na kami ni Leslie sa aming room nang makita ko si Jin sa dinadaanan namin may kasamang babae, si Klara. Kitang kita ko kung gaano kasaya sya kasama si Klara. Nasasaktan ako sa nakikita ko, hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Akala ko ba ako mahal nya, bakit hindi manlang nya ako sinuyo o kaya naman gumawa ng paraan para makausap manlang ako.
YOU ARE READING
T - Application
Teen FictionHindi ko alam kung bakit ko pa sinubukan gamitin yun, hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat, gusto ko na kalimutan ang lahat pero paano, kung may isang bagay ang nagpapaalala sa akin na kailanman hindi ko na ito makakalimutan.