CHAPTER 2

7 0 0
                                    

Lyn's POV

I was on my way to our room at sa kasamaang palad nasa dulo pa ng third floor ang room namin. Tahimik ang hallway dahil may mga klase na ang mga estudyante. Habang naglalakad ako may narinig akong tunog ng gitara at boses ng babae na sobrang ganda, madadaanan ko kasi yung music room sa third floor and I think that's where the music came from. Nacurious ako kung sino yon, medyo chismosa ang ate niyo. So sumilip ako sa may pinto, may salamin kasi dun sa pinto na pwede mong makita yung loob you know what I mean, basta yung parang bintana something.

"Ang galing niya" nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakasilip at sa katangahan ko nadali ko yung pinto at bumukas ito napatigil yung babae sa pagtugtog at tumingin sa akin, bakas sa mukha niya ang gulat.

"Ahm sorry. Narinig ko kasing may natugtog galing dito at ang ganda nung boses ayon nacurious ang ate mo girl." natatawang paliwanag ko sa kanya. Nakakahiya ang tanga naman kasi nung pinto biglang nagbubukas leche.

"It's okay" maikling sagot niya at ngumiti ng bahagya sa akin. Parang medyo suplada si ate girl.

"Ah sige. Sorry ulit" umalis na nako. Malelate narin kasi ako sa klase patay na naman ako sa prof kong nagmemenopause ata kaya ang sungit.

Natapos naman yung klase ng maayos at hindi naman ako pinaginitan nung matandang yon. Pumunta na akong field kasi nandoon na yung barkada napagkasunduan kasing sabay sabay kaming maglunch. Habang naglalakad ako dami na naman tumitingin sa akin, pasensya dyosa. And I saw that girl again may kumausap sa kanya pero umalis din agad. Suplada nga kala mo maganda. Well maganda nga siya pero mas maganda ako. Dumeretcho na ako sa field gg na naman yung mga yon.

"Ano Aira Lyn. So bagal talaga lagi" sabi nung magaling na si Sabina.

"Gaga ka ba? ang layo kaya ng room ko sa may MMA Building ho at nasa dulo pa yon." sagot ko sabay irap. Ganyan talaga kami magusap ng impaktang yan normal na samin to.

"Nahiya naman ako sa building namin na katabi lang nung inyo" sagot na naman niya.

"Wow ha. Mas dulo parin ho yung amin at late nagpalabas yung matandang nagmemenopause na yon." Sabi ko na ikinatawa ng barkada.

"Tama na nga yan. Kumain na tayo." sabi ni Raf pinakamatanda saming magtotropa at KJ pero super sweet at maalagain niyan.

"Yes boss!" sabay sabay naming sagot na ikinasimangot ni Raf. Napagtulungan na naman kasi siya hahaha. Pito kaming magkakaibigan kaya kawawa talagan kapag napagtulungan ang isa.

Nagsimula na kaming kaumain at gaya ng nakagawian sa isang table lang at share share ng foods. Nakain na kami ng magsalita si Jane.

"Guys may sasabihin pala ako" seryoso siyang tumingin sa amin. Ano naman kaya sasabihin nito.

"Ano yon?" sabay sabay naming sagot nila Raf, Sabina, Liam at Matt. Si James hindi nakasagot dahil puno ng pagkain ang bibig. Nakapatakaw talaga ng isang to. Akala mo na naman hindi pinapakain ni tita.

"Kasi ano. Yung ano. Wala pala." Tignan mo tong isang to.

"Ano nga?! parang timang naman to" sabi ko. Pabitin din kasi eh.

"Ako kasi representative ng medtech." yun lang naman pala eh. May pa contest kasi dito sa university namin na taon taon ginaganap. Bawat course may representative at yun ang maglalaban laban. Ako lumaban na Ms. MMA last year at syempre nanalo ang dyosa.

"Oh anong problema don?" tanong ni Sabina. Oo nga naman. Maganda naman si Jane at talagang may laban. Mahiyain nga lang to pero keri naman niya yan.

Song of our loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon