CHAPTER 6

3 0 0
                                    

Kaxandra's POV

Nagising ako ng alas kwatro ng hapon. Pagbangon ko ay lumabas naman si Lyn sa banyo. Bagong ligo na siya. Mukhang may gala kami ngayon.

"Kaxandra buti naman gising ka na. Ok ka na ba?" tanong niya ng may himig ng pagaalala.

"Ok na ko. Aalis ba tayo?" sabi ko at kumuha narin ng towel at mga gamit para maligo.

"Buti naman at aalis tayo. May nasearch daw si Sabina na bar and pupunta tayo don so get ready na." sabi niya habang namimili na ng susuotin.

"Ok. Pero kain muna tayo ha. Gutom na ko eh" di kasi kami nakakain kanina at nakatulog naman ako pagdating kaya gutom na talaga ako.

Tumango lang si Lyn sa akin at tinaboy na ako papasok ng banyo. Naligo na rin ako dahil mukhang excited na sila. Naexcite na rin naman ako dahil makakapagbonding kami ngayon at sa mga susunod na araw at the same time ay magrelax at malibang para kung hindi saan saan napapadpad utak ko.

Pagkalabas ko ng banyo ay bihis na si Lyn at patapos na mag ayos. She's wearing a gray fitted sleeveless dress. Ang sexy talaga niya, hapit ito sa katawan niyang makurba.

"Sexy naman!" bati ko sa kanya habang namimili ng susuotin." Inayos na ni Lyn ang gamit namin kanina nung natutulog ako dahil maayos na itong nakapatas sa cabinet.

"Thanks!" nakangiting sagot naman niya sabay kindat pa. Napatawa nalang ako at nagbihis na din. Napili kong suotin yung dress na binili ko noong isang buwan na hindi ko pa rin nasusuot hanggang   ngayon. Its a red dress fitted dress na may sleeves na hanggang siko. I put on some make up pero simple lang dahil gabi na rin naman at nagred lipstick nalang ako.

"Woah! Looks like boys are going to have good night eh?" pangaasar sakin ni Lyn. Binato ko naman siya ng brush na hawak ko.

"Sira ka! Anong boys?" sabi ko at binalik niya sakin ang brush na gamit ko.

"Look at you. You look so gorgeous. Busog ang mata ng boys hahaha." nakangisi pa ang luka at naghead to toe pa ang tingin sakin.

"Luka!" sabi ko nalang at napaikot ang aking mata habang natatawa sa kanya.

Nag black sandals nalang ako dahil bungahinan ang dadaanan namin at white sandals naman ang kay Lyn. Matapos ang huling tingin sa salamin ay kinuha ko na ang sling bag ko na phone, wallet at handkerchief lang ang laman. Lumabas na kami ni Lyn at kumatok na sa kwarto nila Jane. Pag pasok namin ay ganun din ang reaction nila sa suot ko. Parang mga sira palibhasa sanay silang naka t-shirt at shorts lang ako or pants. Minsan naman ay dress pero flowy not like this na hapit sa katawan. Bihis at ayos na rin naman sila kaya umalis narin kami.

"Sira kayo! Let's go na!" sabi ko at nanuna ng lumabas ng room.

"Come on! Let's partyyy!" excited na sigaw ni Lyn at sumunod na rin sa akin.

Malapit lang pala yung bar na sinasabi ni Sabina. Walking distance lang mula sa hotel kaya nakarating kami agad. Ala sais kami ng hapon nakapunta sa bar at buti nalang na bukas ito. Sa may dulong table ang pwesto namin. Umorder muna kami ng foods dahil gutom na talaga kami. Ilang minuto pagkatapos kumain ay nagorder na sila ng iba't ibang drinks. Di muna ako uminom kasi busog pa ako. Sila naman ay nagsimula ng uminom. Nagcatch up lang kami ng mga bagay na namiss namin sa isa't isa noong mga nakaraang buwan.

"Anong plano mo pagka graduate Xands?" tanong sakin ni Lyn sabay kuha ng pulutan.

"As of now hindi ko pa alam. But I was thinking of accepting the offer of Sir Richard." sabi ko at uminom na ng drink na inabot nila sakin. They're planning to get waisted tonight. And ayoko naman mag paka KJ ngayon.

Song of our loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon