CHAPTER 12

1 0 0
                                    

Kaxandra's POV

Nasa ganoong kaming sitwasyon ng marealize kong hindi ko talaga siya type hahaha. Nagkaroon din ako ng idea kung paano siya mapapatigil.

Hinawakan ko siya sa mukha. "Jakie. I'll miss you and I want you to know that I like you. Since aalis ka na rin naman at baka hindi ka na bumalik aaminin ko na sayo na gusto kita hindi lang bilang kaibigan. I like you Jakie." pinilit ko maging seryoso kahit natatawa na ako sa itsura niya. Para siya natatae na ewan hahahaha.

Umalis siya sa ibabaw ko at umupo sa gilid ko. "I thought.. Xandie kaibigan kita diba? Anong?" hindi siya makapagsalita ng ayos. Hindi rin siya makatingin sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na ng malakas. Napahawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang tawa. His reaction was so epic.

"I got you Jakie HAHAHAHAHAHA." sabi ko at ang sama ng tingin niya sa akin.

Hindi siya nagsalita at tatayo na sana pero hinigit ko ang kamay niya. Napahiga siya sa tabi ko. Ginawa kong unan ang kamay niya at niyakap siya. Kalahati ng katawan namin ay nakahiga at ang paa namin ay nakalawit sa kama.

"Galit ka? Sorry na." sumiksik ako sa kanya at naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya.

"Don't do that again. Alam mo namang may issue ako dun diba?" sabi niya at niyakap narin ako.

"Sorry na nga eh." tumingin ako sa kanya at nagpacute pa.

"Oo na." sabi niya at pinisil pa ang pisngi ko.

Ilang minuto din kaming magkayakap ng humiwalay siya sa akin dahil may tumawag sa kanya.

Jake's POV

Humiwalay ako sa pagkakayap kay Xandie ng magring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at si Dad pala ang tumatawag.

"Son!" masiglang bati niya sa akin.

"Dad." Umupo lang ako at di umalis sa tabi niya.

"How are you son? We miss you!" gusto na talaga nila akong bumalik. Hindi lang dahil sa business kundi dahil ang tagal ko ng wala at miss na nila ako.

"I'm okay dad. I miss you too. I'll be home soon." nilingon ko si Xandie. Tahimik lang siya sa gilid ko at nakahiga parin.

"When are you going back?" excited na tanong ni Dad.

"I already booked a flight. It's on friday. I'll be there by saturday morning." lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti. Gusto ko man na magstay at mas makilala pa si Xandie but my family needs me.

"Ok. Take care son! See you soon! We love you!" masaya ang boses ni dad at gumaan ang loob ko dahil doon.

"Yes dad. See you soon. I love you." narinig ko pa ang boses ng kambal ko na parang inagaw ang phone kay dad.

"Kuya! Pasalubong!" si Jazmine. My twin stubborn sister.

"Oo na!" sagot ko nalang.

"And I want to meet the girl on your instagram post soon." sabi pa niya. I posted the picture we took earlier. Picture namin ni Xandie sa harap ng souvenir shop and I think saw it.

"Tigilan mo ko Jazmine." sabi ko sa kanya. Pagtingin ko kay Xandie ay may halata ang pagtataka sa mukha niya.

"Basta I want to meet her soon. Bye! I love you! See yah!" sabi niya at binaba na ang tawag.

"Kulit talaga." sabi ko nalang at tinago na ulit ang phone ko.

"Sino yon?" nakaupo na pala ulit si Xandie hindi ko na napansin dahil sa pangungulit ni Jaz.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Song of our loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon