CHAPTER 7

3 0 0
                                    

Kaxandra's POV

Late na ako nagising dahil sa kalasingan at puyat. Ang sakit ng ulo ko pero hindi na ako makakatulog ulit nito. Pagtingin ko sa side kung saan natutulog si Lyn ay nandoon parin siya at mukhang malalim pa ang tulog. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para tignan kung anong oras na. It's eight thirty in the morning. Nakita ko rin ang text nila kuya at mama nagreply ako at bumangon na para maligo para mawala ang hangover.

"Kaxandra! Matagal ka pa?" rinig kong tawag at katok ni Lyn galing sa labas ng banyo.

"I'm done! Wait a minute!" tapos narin naman ako at nagpupunas nalang. Paglabas ko ay pumasok agad si Lyn sa banyo. Nagbihis lang ako ng simple light blue flowy dress at slippers dahil plano kong maglakad lakad sa dalampasigan. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na si Lyn sa banyo at muling nahiga. Bangag pa ang luka. Nagayos lang ako ng konti at nagpasya ng lumabas.

"Lyn! Labas muna ako ha. jan lang ako sa may tabing dagat. Call me if you need anything." paalam ko sa kanya at tango lang ang isinagot niya sa akin.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ng hotel. Habang pababa ako ay tinext ko na rin sila Sabina at Jane para alam nila kung nasaan ako. Paglabas ko ay medyo marami naring nagswimming sa dagat. Hindi pa naman masyadong mainit okay lang maglakad lakad. Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Tanaw ko pa ang mga taong nagtatawanan at nageenjoy sa dagat. Nakakarelax. Panandaliang nawala ang mga gumugulo sa utak ko. Ng may makita akong kubo ay umupo muna ako doon dahil malayo na rin nalakad ko. Nakatanaw lang ako sa dagat at dinadama ang hangin ng may magtakip ng mata ko. Gulat akong napahawak sa mga kamay na tumakip sa mata ko.

"Who are you?" tanong ko. Tinanggal ko ang kamay niya at nilingon siya.

"Grabe. Di na agad ako kilala." sabi niya at tinanggal ang kanyang kamay. May himig ng pagtatampo ang boses niya.

"Sira ka Jake! Malay ko bang ikaw yan eh tinakluban mo yung mata ko." sabi ko at tumawa naman siya. Umisod ako at tumabi sa akin.

"How are you? Hangover?" tanong niya pagkaupo.

"I'm good. Wala ng hangover, shower lang katapat non." sabi ko at nginitian siya. He's really good. Ang caring pa kahit kakakilala palang namin.

"Ah buti naman. Nagbreakfast ka na ba?" tanong niya at tsaka lang ako nakaramdam ng gutom. Yung pulutan at alak lang ang huling laman ng tiyan ko.

"Hindi pa" napakunot noo naman siya.

"Huh? Let's eat then. Masama walang laman ang tiyan sa umaga. Let's go?" tumayo na siya at inabot ang kamay sa akin. Inabot ko naman ito at tumayo na. Habang naglalakad kami papunta sa isang cafè na kinakainan daw niya tuwing breakfast ay nagkekwentuhan lang kami. Ng makarating kami ay dun kami umupo sa gusto daw niyang spot kainan tuwing umaga. Ang ganda ng cafè vintage style siya tapos parang medyo garden yung theme niya. Wooden tables and chairs ang gamit at puno ng flowers ang paligid may mga butterflies din na naka hang from the ceiling.

"Ang ganda naman dito Jake." sabi ko sa kanya habang nagtitingin tingin parin sa paligid.

"I knew you would like it." abala parin ako sa pagtingin at ng lingunin ko siya ay nakangiti lang siya sa akin. Nahiya naman ako ng kaonti at tipid na ngumiti. Sobrang gusto ko kasi ang ambiance nitong cafè.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya at inabot sa akin ang menu. Nagtingin naman ako ng makakain at fried rice with egg and bacon at hot choco nalang napili ko. The usual breakfast favorite ko kasi yon.

"Ok. I'll have fried rice with egg and bacon, two pieces of pancake, one hot choco and coffee two spoon of cream and one spoon of sugar. That's all thank you." tuloy tuloy na sabi niya dun sa waitress na nagiintay sa gilid namin. Si ate girl naman halatang nagpapacute at pabebe pang inulit ang order namin. Tango nalang ang sagot ni Jake at bumaling na sakin. Napangisi naman ako nakakairita kasi ang harot. Don't get me wrong, ayaw ko lang talaga sa ganon naiirita ako.

Song of our loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon