CHAPTER 5

5 0 0
                                    

Kaxandra's POV

Maaga akong gumising para makapag ready na. Lumabas na ko ng kwarto at kinatok na si Lyn sa kwarto niya dahil mukhang tulog pa ang luka.

"Lyn! Gising na! Mag ayos ka na!" sigaw ko habang kumakatok. Medyo tulog mantika din kasi ito lalo na kapag pagod. Ilang minuto din akong nakatayo sa harap ng pinto niya at wala parin akong naririnig na ingay galing dito. Pinihit ko na ang doorknob at buti nalang hindi ito nakalock. Pumasok na ko sa loob at tama nga ako. Nakahiga pa si Lyn at balot pa ng kumot ang luka.

"LYN! BANGON NAAAA" sigaw ko at inalog ang balikat niya.

"Xandra naman eh!" nagtalukblong lang ito ng kumot at tinalikuran ako.

"Aba ayaw mong bumangon ha!" hinigit ko ang kumot niya at umupo sa tabi niya.

"Xandra! Five minutes!" hirit pa nito. Ayaw talaga niyang bumangon. Humanda siya sakin.

"Ayaw mo talagang bumangon ha!" sabi ko at sinimulang kilitiin siya sa tagiliran. Napabalikwas naman siya sa pagkakahiga.

"Kaxandraaaa! HAHAHAHHAHA" tawa siya ng tawa habang kinikiliti ko siya.

"Ano hindi ka pa babangon? Inaantok ka pa ba?" tanong ko pero hindi ko pa rin siya tinitigilan sa pangingiliti.

"Oo na hahahahah babangon na!" sabi niya na pagulong gulong sa kama sa kakatawa.

"Good! Mag ayos ka na." sabi ko at tinigilan na siya. Tumayo narin ako sa kama at bumangon na rin siya.

Lumabas na ko ng kwarto niya nung tumayo na siya at kumuha na ng towel. Buti naman at lagot kami kay Sabina pag dumating siya dito ng hindi pa kami ready. Pumunta akong kusina para magluto na ng almusal namin. Fried rice, egg at ham nalang ang niluto ko para madali. Gumawa narin ako ng sandwich at nilagay sa lunch box para may makain sa biyahe at in case na di pa nagaalmusal si Jane at Sabina may makakain sila. Pagkatapos ko magluto ay naligo narin ako at nag ayos na. Pagkalabas ko ng kwarto ay tapos na si Lyn at nag aayos na sa kusina.

"Luka tara ng kumain! Coffee?" aya at tanong sakin ni Lyn na nagtitimpla ng kape.

"No. Hot choco please. Thanks" nakangiting sagot ko dito. Di kasi ako nainom ng kape at grabe tibok ng puso ko pag umiinom. Sobrang nagpapalpitate ako daig pa yung tumakbo ng malayo o yung nakita yung crush.

"Ok. Wait a minute" sabi niya at ipinagtimpla na ako ng hot choco. Umupo na rin ako at sumandok na ng fried rice.

"Here you go ma'am' pabirong sabi ni Lyn at naupo na rin at nagsimula ng kumain.

After namin kumain at magayos ulit nagtext na si Sabina na malapit na daw sila. Bumaba na kami ni Lyn dahil nasa 9th floor pa ang condo niya. Pagdating sa lobby ay saglit nalang kaming naghintay at dumating na rin si Sabina at Jane.

"Hi guys!" masayang bati samin ni Sabina at Jane.

"Good morning!" bati ko rin sa kanila ng nakangiti.

"Hi!!!" malakas na bati naman ni Lyn. Ang ingay talaga ng luka na to kahit kailan.

Pagkatapos magbatian ay nilagay na namin ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan at sumakay na kami. Si Sabina ang magdadrive, si Jane ay sa passenger seat at sa likod nila kami ni Lyn.

"San ba ang punta natin Sabina. Anong plano?" tanong ni Lyn pagkaandar ng sasakyan.

"Sa beach. We're going to stay sa isang hotel don for one week. Ok na lahat. May mga activies don na pwede nating itry. And mga boys na pwede niyo ding itry if you like hahaha" sagot ni Sabina na nagpaexcite at nagpatawa samin.

"Yes. Good na pala. How about the budget?" tanong ko naman.

"Ok na rin yon Xands, wag niyo na isipin yon. Its my treat dahil malapit na rin ang birthday ko. Advance celebration na din to baka kasi wala na ko dito sa birthday ko" sagot naman ni Jane na lumingon at kumindat sa amin. Nalungkot naman kami na baka hindi na namin macecelebrate ang birthday niya ng magkakasama pero ok na rin na may advance celebration kami ngayon.

"Oo nga malapit na birtbday mo. Sayang naman pero pag nandito ka pa celebrate your birthday with us ha!" sabi ko naman kay Jane. At sumang ayon naman sila Lyn at Sabina sa akin.

"Of course!" nakangiting sagot ni Jane.

"Thank you din sa treat." sabi ni Lyn. At nagpasalamat din kami ni Sabina. Tinanguan lang kami ni Jane ng nakangiti.

After ng ilang oras na biyahe hindi na namin namalayan na nakarating na pala kami sa batangas dahil sa kadaldalan namin at sa dami ng chika. Bumaba na kami at binitbit ang kanya kanya naming gamit. Sinalubong kami ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 40's na. Siya pala ang maghahatid samin sa masasa beach gamit ang bangka. Tinulungan niya kami at ng kasama niya makasakay at ilagay ang mga gamit namin sa bangka. Nakalife vest naman kami kay safe kami. Sinigurado din nilang walang problema sa bangka at umalis na din kami.

Saglit lang ang naging biyahe namin sa bangka. Mga alas dos na ng hapon kami nakarating sa beach. Pagkababa ay inihatid lang kami nila manong sa hotel at sinalubong naman kami ng staff ng hotel at kinuha ang mga baggage. Nagpasalamat kami kay manong at sa kasama niya. Binigyan pa namin sila ng tip dahil maayos naman kaming nakarating at mabait sila.

"Ok guys. Hindi available ang double twin bed na room nila so dalawang room nalang na may dalawang bed ang nakuha namin. Magkatabi lang naman yung rooms natin so don't worry. Kami nalang ni Jane sa isang room tapos kayong dalawa sa isa okay?" paliwanag samin ni Sabina. Tumango nalang kaming lahat at pumunta na sa rooms namin.

"Tulog muna ako Lyn saglit medyo nahilo ako" sabi ko kay Lyn pagkapasok namin ng room at agad na nahiga sa isang kama.

"Sige pahinga ka lang jan. Puntahan ko muna sila Jane" tumango nalang ako at pumikit na. Pagsara nalang ng pinto ang narinig ko at tuluyan na akong nilamon ng antok.

Lyn's POV

Pumunta muna ako sa room nila Jane para manggulo at hinayaan munang magpahinga si Xandra. Mukhang sumama ang pakiramdam ng luka pero sana ok na siya pagkagising dahil aawra pa kami.

"Guys!" masiglang bati ko pag pasok ko sa room nila. Medyo nagulat pa nga sila dahil abala sila sa pagaayos ng gamit nila. Mamaya ko nalang aayusin yung akin paggising ni Xandra para sabay na kami at matulungan ko din siya.

"Naayos mo na agad gamit mo?" tanong naman ni Jane na bahagya pang nakakunot noo.

"Hindi pa. Mamaya na hinayaan ko munang matulog si Xandra sumama ang pakiramdam niya eh." sagot ko at umupo sa gilid ng isang kama.

"Magpahinga ka na din Lyn. Tatapusin lang namin to at magpapahinga na din kami para fresh mamaya pagawra natin. May nasearch akong bar punta tayo later." sabi naman ni Sabina na naglalagay ng mga damit niya sa cabinet.

"Sige gusto ko yan! Later nalang, tulog din muna ako. Bye!" napahikab narin ako habang nagsasalita. Tinablan din ako ng antok. Bitin din kasi ang tulog ko kanina dahil ang aga nanggising ni Xandra. Pumunta na akong room namin at natulog na din.

Song of our loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon