CHAPTER 11

1 0 0
                                    

Kaxandra's POV

May nararamdaman akong kumakalabit sa balikat ko. "Kaxandra wake up." nanggigising na pala si Lyn.

"Kaxandra let's have breakfast na." inaalog niya na ang balikat ko. Ayaw ko pa bumangon. Inaantok pa ko.

"Una na kayo." sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

"Sabay sabay nga tayo. Nagaayos na rin sila Jane." sabi naman niya. Hinigit pa niya ang kumot ko.

"Lyn!" sigaw ko. Inaantok pa ako eh.

"Bangon na!" ang kulit talaga nito. Umupo ako sa kama at tinignan siya ng masama.

"Now go and fix yourself." ngiting tagumpay pa ang luka. Tumayo na ako at kumuha ng gamit bago pumuntang banyo.

Bumaba na kami ni Lyn dahil nandon na daw sila Jane ang bagal ko daw kasi. Nakashort na maong, white shirt at sandals ko na black lang ako. Si Lyn naman ay nakadress na light yellow at sandals din.

Pagkadating namin ay kumaway sa amin si Sabina. Nakaupo na sila ni Jane.

"Good morning." bati ko at bumeso sa kanila. Binati din sila ni Lyn at bumeso din.

"Good morning! Upo na kayo." sabi ni Jane sa amin.

"Order na tayo?" tanong naman ni Lyn.

"Wait lang intayin natin si Jake. Tinext ko siya to join us for breakfast papunta na yon." sabi naman ni Sabina na ikinakunot ng noo ko. May number siya ni Jake? Paano?

"Talaga?" tanong naman ni Lyn. Tumango lang si Sabina bilang sagot.

Ilang minuto lang ay nakita ko na nga si Jake na papasok dito sa restaurant. Palinga linga siya at parang hinahanap kami. Kumaway naman si Sabina at nakita na niya kami. Nakangiti siya habang papalapit sa amin. He's wearing white shirt, maong tokong shorts and birkenstock na black. Ang gwapo niya. Simple lang pero ang lakas ng dating kaya daming nagkakagusto eh hahahaha.

"Hi. Good morning!" bati niya sa amin. Naupo na siya sa tabi ko dahil yun nalang ang bakanteng upuan.

"Good morning Jake." bati din nila kay Jake.

Umorder na kami ng pagkain. Syempre fried rice, egg, bacon and hot choco ang akin. Ganun din ang kay Jane at Lyn pare parehas kasi kami na kanin ang gustong breakfast pero coffee ang inumin nila. Kay Sabina naman ay champorado at water lang. At kay Jake ay pancake at coffee.

Nagsimula na kaming kumain ng magsalita si Jake. "So ano gusto niyong gawin ngayon?" tanong niya sa amin.

"Magjetski tayo!" sagot ni Lyn.

"Gusto ko yon." sangayon ko naman sa kanya. Tumango din si Sabina at Jane.

"Sige magjetski tayo later." sabi naman ni Jake.

Matapos kumain ay naglakad lakad muna kami. Maaga pa naman kaya naggala muna kami. Pumasok kami sa isang store na may mga souvenirs at kung ano ano pa. Nagtingin tingin lang kami don.

"Kaxandra look." tawag sa akin ni Jake at pagtingin ko sa kanya ay may suot siyang shades na pink.

"Bagay sayo Jakie hahahaha." sakay ko naman sa trip niya.

May nakita naman akong cap na white. Sinukat ko ito at tinignan sa salamin. Bibilhin ko para di maarawan mukha ko habang naggagala kami.

"Jakie! Ok lang ba?" tawag at tanong ko naman sa kanya.

Nagthumbs up siya. "Ako din. Gusto ko din ng cap." kumuha din siya ng kanya. Black yung kinuha niya at sinukat din ito. Tumabi naman siya sa akin para tignan din sa salamin.

Song of our loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon