CHAPTER 3

9 0 0
                                    

Lyn's POV

Pagkarating namin sa school kanya kanya na kaming punta ng classroom. Tapos na ang exam namin, laking pasasalamat ko naman at alam ko halos lahat ng nasa exam at mukha namang papasa ang ate niyo girl. Palabas na ko ng room ng maalala ko yung about sa representative namin.

"Jen kilala mo ba kung sino representative natin?" tanong ko sa katabi ko.

"Kaxandra daw eh. Third year din" ahh. Pero bakit di namin classmate? tila nabasa ni Jen ang nasa isip ko at sinagot niya ito.

"Irregular daw at late na nagenroll kaya di natin classmate" ah kaya pala.

"Sige thanks." sabi ko at tuluyan ng lumabas ng classroom.

Magkakasama ulit kaming barkada ngayon at nagkakamustahan tungkol sa exam. Mukhang maayos din naman ang sa kanila.

"Guys. Kaxandra daw name nung representative namin. Third year din pero late nagenroll at irregular kaya pala hindi namin classmate." sabi ko sa kanila at tumango lang sila sa akin.

"Nakita mo na ba siya Liam?" tanong naman ni Sab kay Liam na tahimik lang sa gilid.

"Yup. Sa rehearsal. Mukhang napilitan lang din" sagot ni Liam.

"Oww. Is she pretty?" tanong naman ni Jane. Oh well mas maganda parin ako sigurado.

"Yah" walang ganang sagot ni Liam na parang walang interest sa usapan.

"Mas maganda parin ako don for sure" singit ko sa usapan nila at tinawanan lang nila ako.

Nandito na kami sa gym kung saan gaganapin ang contest. Hawak namin ang banner para kay Liam, tinotoo namin ang banner na to na ikinatawa naman ng boys. Halos magsalubong naman ang kilay ni Liam ng makita ito pero maya maya pa ay napangiti nalang din ito. Nagsimula na ang contest at todo cheer na kaming barkada kay Liam.

Rumampa na sa stage ang mga representative ng iba't ibang course. Teka.. si.. siya yung sa.. siya yung nasa music room may magandang boses! Ang ganda niya. She's wearing a beautiful white dress. Mukha siyang diwata.

After thirty minutes, last part na ng contest. Ito na yung magandang part for me kasi nagbunutan sila nung rehearsal palang ng style ng damit na gagawin nila like sexy, hot, simple, elegant, modern, oldies at iba pa. Sana maganda nakuha nila Liam.

Nung lumabas na sila grabe sigawan ng mga tao. Fierce na ang look nilang dalawa ngayon compare kanina. Kaxandra is wearing a red fitted backless long gown with a high slit. She's so hot with her hair tied up in a messy bun. While Liam is wearing a black coat and while polo. Naka unbuttoned ang first three buttons nung white polo. We can see his bare chest grabe talaga tong lalaking to buti di kami nagkakagusto jan. Messy look din ang buhok niya. Ang hot nila grabe. They walked confidently on stage and nag meet sila in the middle. Kailangan nilang mag pose ng tatlong beses sa gitna. First pose nila ay nakaside view sila parehas pero nakaharap ang katawan nila sa isa't isa at nakatingin na parang nangaakit sa camera. Second ay tumalikod si Kaxandra kay Liam at niyakap siya nito mula sa likod at sumandal naman siya dito. Grabe ang tilian ng mga babae sa likod namin at hiyaw ng barkada.

"Woooh tropa ko yan!" sigaw ni Matt

"Nice one Liam!" pangaasar ni James

"Go pre!" sigaw naman Raf habang tinataas ang banner na ikinatawa naming girls. Makapangasar lang talaga eh.

For their last pose. Hinarap ni Liam si Kaxandra sa kanya at hinapit ang bewang nito gamit ang kanang kamay. Nilagay naman ni Kaxandra ang kaliwang kamay niya sa may batok ni Liam at ang isa ay nakapatong sa dibdib ni Liam. Ang kaliwanh kamay naman ni Liam ay nakahawak sa legs ni Cassandra na nakataas sa gilid ng binti niya. Kitang kita ang legs niyang maputi dahil ito yung part ng damit niya na may slit. Nagtitgan sila habang kinukuhanan na akala mo ay sila nalang ang tao dito at may sariling mundo. Ang galing nilang dalawa mukha silang mga modelo.

Song of our loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon