3

71 5 3
  • Dedicated kay Jane Gutierrez
                                    

3

Umpisa na yung play. Praktisado ko to. Tamang tama galit ako ngayon. Galit ako sa nakikita ng mga mata ko. Naglalandian kasi sina Aldrick at yung Shane na girlfriend nya. Narinig ko yung name nung girl ng tawagin sya ng isa sa mga friend nya kanina.

Ang tigas ng mukha. Dun pa talaga naupo sa unahan. Akala naman nila maaapektuhan ako.Nakakagigil.

Tumugtog na... Sign lang na umpisa na ang play.

Nakatingin lang ako sa malayo sa isang lalaking gwapong gwapo na nananakit ng damdamin ng mga sirena. Pinapatos nya lahat... Wala syang tinira hanggang sa mapagpasyahan nilang magsumbong sa diwata na nangangalaga sa karagatan.

"DiwataAra... Pakinggan mo ang aming mga hinanakit." sirena 1.

"Ano yun aking mga sirena?" ako.

"Diwata, nais naming isumbong ang isang mortal na nananakit ng damdamin namin."sirena2.

"nasaksihan ko ang pabalik balik ng isang mortal sa inyong isla. Hinayaan niyo itong mangyari. Nakakalungkot isipin na sinusuway ng aking mga sirena ang pinakababawal ko."

"Patawarin mo kami diwata. Hindi na mauulit. Nais naming maparusahan sya. Nais naming maramdaman nya yung sakit na dinulot nya. Pakiusap tulungan mo kami diwata."

"... (Long pause,) hindi ko mapagbibigyan ang inyong kahilingan."ako.

Silence... Nagbulungan sila. Ano bang nasabi ko? Wala na sa linya to. Ano bang iniisip ko? Sinenyasan ako ni Alec. He smiled at me.

"Dahil matagal ko ng ipinataw sakanya ang kaparusahan nya. Unti-unti na syang magiging katulad niyo... Hindi sya tatanggapin ng mga tao at wala syang ibang magagawa kundi ang lumapit sa inyo. Hangga't hindi nya natututuhan ang kanyang leksyon, hindi sya makakabalik sa pagiging mortal."

Tapos na ang eksena ko dun. Medyo kinabahan ako. Nakita ko na si Alec sa labas ng stage. He's really good in acting.

"Jodi okay ka lang ba? Akala ko kanina nakalimutan mo yung lines mo eh." sabi ni Agnes. 

Ngumiti ako sakanya. 

"Ou okay lang ako. Kinabahan lang ako."

"Ang galing mong umarte kanina, ang galing niyo ni Derek."sabi nya. 

Napakunot ako ng noo. Derek? O Alec? Baka name din nya. Hinayaan ko na lang. 

"Thank you."

Pinagmasdan ko sina Aldrick at Shane na matamang nakaupo at nanunuod ng play. 

Bakit kasi hanggang ngayon nararamdaman ko pa ring tumitibok sya para sakanya. Diba dapat wala na? Sinaktan nya ko, i mean nasaktan nya ko.

Lumabas na ko sa scene kung saan magagalit sakin si Alec. Kung saan gusto nya kong makita para sumbatan.

"Diwata, magpakita ka sakin.DIWATA!"sigaw nya. Umiiyak sya. Ang galing nya talagang umarte.

Lumabas na ko...

"Eto ba ang gusto mo? Eto ba? Wala ng nagmamahal sakin. Wala na kahit isa. Tinalikuran na nila kong lahat. Lahat ng mga kaibigan ko, lahat ng mga tao at sirena. Wala ng lahat. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na nagtagumpay kayo? Maawaka na sakin Diwata. Pinagsisisihan ko ng lahat ng yun. Pinagsisisihan ko na." umiiyak na sabi nya habang nakaluhod.

Sa mga sandaling ito, nakalimutan ko yung mga sasabihin ko. Wala akong ibang nakikita kundi ang mukha ni Aldrick sa katauhan ni Alec. Dama ko pa din yung sakit.Di ko namalayan na umiiyak na din ako kahit hindi naman dapat.

"Umalis ka na sa harapan ko at mangakong di na uulit sa kasalanan mo." adlib ko yan.Nakalimutan ko talaga eh. Sorreeeehhh.

Tapos umexit na ko sa play.

Nakatingin lang sila sakin, nagtatanong yung mga mata nila pero kinuha ko na yung mga gamit ko at agad agad nagpalit.

Umalis na ko ng room na yun.

Gabi na rin pala. Feel ko maglakad lakad muna kaya hindi muna ko sumakay ng bus.Kailangan ko din siguro to. Kailangan kong magisip isip.

Napadaan ako sa mga stall ng pagkain. Pwede kang tumikhim dito basta sho-shot ka ng wine nila kung di ka bibili.

"Magkano ate?" sabi ko na tinuturo yung stick na chocolate. I forgot kung anung tawag hahaha.

"120 tatlong balot."

Magbabayad na sana ako ng may...

"Eto na po."

---nag-abot... Dudukot pa lang ako sa wallet ko eh... Nilingon ko yung nagbayad ng binili ko.

Si Alec... Bakit ba lagi na lang syang nandito? Tinignan ko lang sya. May glitters pa yung gilid ng mata nya at hingal na hingal.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sakanya.

"Edi bumili." nakangiting sabi nya habang pinakita sakin yung pinili ko na binayaran nya.

"Ako yung pumili nyan."

"Ako naman ang nagbayad." sabi nya at dinilaan pa ko. Loko talaga yun. 

Naglakad na sya palayo sakin. Hinabol ko naman sya. 

"Penge." sabi ko.

"Kiss mo muna ko bibigyan kita nito." sabi nya na nakanguso na. Natawa ako dun kaya naman hinubad ko yung sapatos ko.

"T-teka anong gagawin mo?" sabi nya.

"Kiss kamo..." nakangiting sabi ko. 

"Wag na pala. Nagbago na isip ko." sabi nya.Hahahah.natakot sya sa sapatos ko? Inamoy ko. Mabango naman ah. hahaha. Sinuot ko na ulit yung sapatos ko since ayaw na nya ng kiss at kinuha ko na yung kinakain nya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sakanya. Dahil alam ko namang hindi sya pupunta dito para bumili lang sa stall na yun. At hindi sya mageeffort magpagod para lang dun, may kotse naman kaya sya.

"Bumili nga lang ako." sabi nya.

"Eh bakit hingal na hingal ka?"

"Malamang tumakbo ako. Maaga kasi silang nagsasarado kaya dapat maabutan ko sila.Paborito ko pa yung kinuha mo." sabi nya habang sinusubo yung paborito nya.

"Aaaah."

SILENCE...

Napagod na kami sa paglalakad kaya naisipan naming maupo muna. 

Napadpad kami sa park. Wala ng katao-tao.

Naupo ako sa swing. Ganun din sya. 

"Gusto mo bang makalimot?"sabi nya.

"saan?"

Di sya nagsalita. Hinila lang nya ko papunta sa taas ng slide. 

"Sumigaw ka. Isigaw mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Malaking tulong yun para sayo." 

Ginawa ko yung sinabi nya. Isinigaw ko lahat ng sama ng loob ko... Sa parents ko, sa mga kaibigan ko, kay kupido at kay Aldrick. Di ko nga namalayan na umiiyak na pala ko. Nung mapagod ako naupo na lang ako sa may swing. Effective, kasi gumaan yung pakiramdam ko.

Almost is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon