8
Nakauwi na ko sa bahay. Walang Alec na dumating. Napaiyak tuloy ako sa sakit na nararamdaman ko. Bakit ba ganun? Itatanong ko na naman kung bakit unfair si kupido. Bakit sa tuwing may mahal ako, hindi ako gusto?
Di ko na lang namalayan na nakatulog na ko sa kakaiyak. Pagkagising ko tinatamad akong pumasok. Namamaga yung mga mata ko pero hindi pwede kasi may pasok pa ko.
Naisipan kong ayusin yung bag ko ng makita ko yung envelope na binigay sakin ni Alec. Inisip ko kung bubuksan ko ba o hindi.
Kumain na ko at naligo ng makita ko sya ulit. Yung envelope... Nacurious ako sa laman kaya binuksan ko.
May address na nakalagay...
123 Pusong Manhid St. Lugar ng Magaganda City.
Alixson Castillo
Napaisip ako. Castillo, si Alec lang naman yun. Agad kong naisip yung Mommy nya. Nagskip ako ng class. Hinanap ko yung address. Mabuti na lang at madaling hanapin. Hindi ko nakita yung Mommy nya dahil walang tao dun pero pinabigay ko na lang sa isa sa mga katiwala nila.
hindi ko maintindihan. Lahat nakapuzzle sa utak ko. Nasan ba si Alec? Humabol ako sa next class namin. Bakante pa rin yung upuan ni Alec kaya nagtanong na ko kay Kurt.
"Kurt, si Alec ba hindi na papasok?"
Nagulat sya sa tanong ko. Nanlaki pa ang mga mata.
"Susmaryosep Jodi, san ka ba nagpupunta at huling huli ka na sa balita."
*******
Tumakbo ko ng mabilis, mabilis na mabilis.
Tinignan ko yung laptop ko. Yung araw ng play... Si Derek at hindi si Alec. Paanong nangyari yun? Lahat ng pictures ko, si Derek ang kasama ko at hindi si Alec. Kaya ba ganun na lang ako kilabutan kapag bubulong sya? Kaya ba lagi nyang sinasabi na binibigyan ko sya ng pag-asa? Kaya ba hindi na nya madala yung kotse nya? Kaya ba hindi na sya pumapasok? Kaya ba hindi ko na sya nakikitang kasama ng mga tropa nya? Kaya ba lagi akong tinitignan ng mga tao? Kaya ba hindi narinig ni Mama yung boses ni Alec? Kaya ba lagi syang namumutla? Kaya ba binigay nya sakin yun envelope? Kaya ba nagtanong ulit yung konduktor kung dalawa nga ba talaga yung ibabayad ko? Kaya ba bigla na lang syang nawala? Kaya ba sinabi nyang babalikan nya ko sa oras na maging malungkot ako?
"ALEEEEEEEEEEEEEECCCC..." napasigaw na lang ako habang umiiyak. Napakaunfair mo naman kupido. Minsan lang akong magmamahal. Minsan lang...
Nagflashback lahat ng sinabi sakin ni Kurt.
"Susmaryosep Jodi, san ka ba nagpupunta at huling huli ka na sa balita. Matagal ng nasa hospital si Alec. Ilang months na din syang comatose. Naaksidente sya three months ago. Alam namin pupunta sya sa Mommy nya dahil nga broken family sila di ba? So gusto nya sana maayos eh, kaya lang huli na. Sumalpok yung sinasakyan nya sa truck. Kasalanan nung driver ng truck. Nakainom eh ayun, nakatulog. Ang kawawang kotse ni Alec sumalpok." halos mawalan ako ng lakas ng marinig ko yan. Parang kahapon lang...
Nakakawala ng lakas. Hindi ako makapaniwla sa mga naririnig ko. Ayaw magsink in sa utak ko. Hindi maprocess. Ayokong tanggapin. Ayoko! Bakit ngayon pa?
Pinuntahan ko yung hospital na pinagdalhan sakanya. Mommy nya siguro yung humahagulgol sa tabi. Naagaw ko yung atensyon nya.
Nagpunas sya ng luha nya.
"I-ikaw ba yung J-jodi?" tanong nya.
walang kalakas lakas akong tumango sakanya. Feeling ko babagsak ako anytime pero kailangan kong maging malakas. Napaiyak na lang ako sa itsura nya. Gwapo pa rin naman sya. May bandage yung ulo nya. Madami syang sugat na tinamo. May bali din yung kamay at paa nya.
Sabi nila malabo na daw eh. Sa lakas kasi ng salpok ng kotse ni Alec sa truck, tumilapon sya palabas. Humampas yung ulo nya at marami ding nawalang dugo sakanya.
Naramdaman ko yung yakap ng Mommy sakin ni Alec. Dun ko lang naramdaman na mahina ako. Na hindi ko kaya yung sitwasyon ko ngayon. Mas masakit pa to sa sakit na naramdaman ko kay Aldrick.
Hinawakan ko yung kamay ni Alec.
"Alec, a-anong *sniff klaseng joke ba to? Wag naman *sniff ganito oh! Hindi ko kasi *sniff kaya pa. Alec naman wag ganito please. Bumangon ka na *sniff dyan kung hindi dadaganan ulit kita. Naririnig mo ba ko? Bangon ka na dyan. Hindi ko pa kaya Alec. Hindi mo pa nga nasasabing mahal mo din ako eh." sabi ko.
May nakita kong luha na pumatak sa mga mata nya. Naririnig nya ko alam ko. Gusto kong sabihin sakanya. Ngayong naririnig pa nya aaminin ko na.
"MAHAL NA MAHAL KITA..." dahan dahan kong sinambit yan habang umiiyak ako. Hinalikan ko yung kamay nya.
Wag muna please... Wag muna. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Bumitaw sya sa pagkakahawak ko. Nagzero na yung heartbeat nya at nagstraight na yung line sa Defibrillator...
"Hindi pwede. Alec, Alec... Wag muna please."
----:::::::::::::
A/N: Naisip ko lang tong halungkatin dahil ieedit ko ulit sya. And i dedicate this part kay MsRedMonster, sana maicritique mo po yung SMBT ko and eto rin soon. :-) advance thanks po.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
RomanceNung dumating ka sa buhay ko, walang wala ako. Masakit yung puso ko. Pero binigyan mo ko ng pag-asa, pag-asang maging masaya muli. Sa mga araw na kasama kita, pakiramdam ko isa akong reyna, hindi ako nag-iisa at palagi akong masaya. Kaya kung nariri...