6
Nandito kami sa park. Ang hilig nya dito ah. Parang kahapon andito na kami tapos dito ulit? Hindi ba sya nagsasawa?
Paano kami nakalabas ng bahay? Umalis na kasi si mama ng di man lang ako nagpakita.
Buti na lang walang akong pasok ngayon.
Hinatak ako ni Alec sa kung saan. Ewan ko ba dito. Mahilig sa walang tao.
"San ba kasi tayo pupunta?"sabi ko.
Kinakaladkad na nya ko. Hindi ko alam kung saan ang labas namin nito. Pati bakuran ng may bahay ng may bahay dinaanan na namin. Loko talaga tong isang to eh.
Wala syang sinabi. Busy sya sa paglakakad.
Ako, hinawi ko ng hinawi yung mga talahib na dinadaanan namin. Di ba dapat natatakot na ko ngayon? Yun dapat ang nararamdaman ko supposed to be pero pakiramdam ko safe ako. Safe na safe ako kapag kasama ko sya. Tinignan ko lang yung kamay ko na hawak hawak nya. Ang lamig ng kamay nya. Maysakit ba sya?
Huminto sya pero hindi nya binitawan ang kamay ko.
"Tignan mo."sabi nya ng nakangiti pa rin.
Masayang masaya sya. Parang laging walang problema.
Tinignan ko yung tinutukoy nya.
Huwaaaaaaawwwww...
Ang ganda... May batis at may tree house. May gulong pa nga na nakasabit.
"P-paano mo to nalaman?" namamangha kong tanong sakanya.
"Coz i knew it."
Tipid lang na sagot nya.
Bumitaw ako mula sa pagkakahawak kamay naming dalawa.
Tumakbo ako sa batis... Sana pala nagbaon ako ng damit. Naman kasi si Alec di sinabing dito kami pupunta. Libreng swimming pa.
"Mag-ingat ka.Mabato dyan." sigaw nya.
"Tara. Hindi mo ba ko sasamahan dito?" i shouted back.
"No, just swim all day. I'll wait for you here." yan lang yung responds nya. Napansin kong pinagmamasdan nya ko from afar. Naupo sya sa may tree house.
May alam pala syang ganito. Di man lang nya sinabi. Wow... Ang lamig ng tubig.Ang sarap maligo kaya lang wala akong dalang damit. Naupo ako sa batuhan. Binabad ko yung paa ko.
Naisip ko si Alec... Bakit kaya ang bait nya sakin? Di naman sya ganan dati. Loko loko yun promise. Pero di ko alam na ganito sya kasweet. Ayiiiiieeeeeh. Kahit papano hindi ko na naiisip si Aldrick. Sana lagi na lang nandito si Alec sa tabi ko.
Ooooopppsss, sinabi ko ba yun? Erase erase. Tumayo na ko. Pero nasa tabi ko na pala si Alec.
"Wanna swim Miss Tweety Bird?"
nilapit nya yung mukha nya sakin at ngumiti ng sobra.
Umiwas naman ako ng tingin. Nakakailang kaya. Nagiinit yung mukha ko.
Tapos nabigla na lang ako ng may malamig na tumutulo mula sa ulo ko. Waaaaaaahhhhh, ang lamig...
Pagkatingala ko tabo... Oo, may hawak na tabo si Alec.
"ALEEEEEECCCCCCCCC..." sigaw ko sa sobrang inis.
"Di ba gusto mong maligo?" nangaasr na sabi nya.
"Wala akong damit.Huhuhu."sabi ko.
"Edi maghubad. Nakita ko na naman yan eh."
Litsi...
Suntukan na lang kaya. Nakita nya mukha nya. Tinakpan ko yung sarili ko. Nakakainis.
"Joke lang." sabi nya tapos binuhusan ulit ako ng tubig. Ang lamig shet...
Ayayayayayy. Wala akong magawa, sorry ah, ang liit ko eh at ang tangkad nya. Di ko abot yung tabo nahawak nya. Hahahaha.
Binasa ko na lang sya gamit ang paghampas ko sa tubig papunta sakanya.
Nung pareho na kaming gininaw umahon na kami sa batis.
Ang lamig... Grrrrr...
Wala akong damit na pamalit.
Lumapit sya sakin. Umupo sya sa tabi ko.
Binuka nya yung kamay nya tapos niyakap ako.
"Sorry. Kasalanan ko kung bakit ka nilalamig. Di bale, pwede naman akong maging kumot mo."sabi nya tapos hinigpitan nya yung pagkakayakap sakin. Ang lamig, ay mali,,, ang init... Hindi ako makahinga. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ganto?
"A-alec..." naiilang na sabi ko habang tinatanggal yung pagkakayakap nya sakin. Pakiramdam ko kasi nagpapalpitate ako. Yung dugudug ng puso ko ang bilis. Nakakabingi, baka marinig nya.
"S-sorry." sabi nya. Naupo sya ng ayos.
Tumingin sya sa malayo.
"this place is very special to me." napatingin lang ako sakanya. Nakangiti pa rin sya.
"I was a kid back then ng malaman ko tong lugar na to. Malapit lang dito yung bahay namin noon. Yung mama ko yung nagturo ng lugar na to sakin. Dito nya ko dinadala kapag maglalaro kami. Yung tree house na yan? Sya yung nagpagawa. Sabi pa nya, kapag nalulungkot ako dito ako pumunta." i know... Habang kinukwento nya yan malungkot sya, kahit na pinipilit nya pang ngumiti. Di pa rin nya kayang itago namalungkot sya.
Humilig ako sa balikat nya.
"Nasan na yung mama mo?" tanong ko.
Matagal bago sya nagsalita. Tinignan ko pa sya pero nakatingin lang sya sa malayo habang nakangiti.
Naramdaman kong bumuntong hininga sya saka tumungo. Wala na yung mga ngiting kanina lang ay napakalapad at pagkatamis-tamis.
"Niloko ako ng daddy ko. Pinalabas nyang nagcheat si Mommy kahit na ang totoo sya naman ang gumawa nun. Pinalayas nya si Mommy, nagalit ako! Wala akong alam na kasinungalingan na yung sinasabi ng Dad ko. Hanggang sa dumating yung point na nagrebelde ako dahil nag-asawa sya ulit. Nagalit ako sa mundo. Pakiramdam ko wala akong kakampi. Hanggang sa malaman ko ang totoo. Malaman kong walang kinalaman ang Mommy ko."
"Sorry." sabi ko.
"Okay lang"
Tinignan ko sya. Walang bahid ng galit syang nararamdaman. Napatawad na nya ang daddy nya. Nakapagpatawad na sya.
Humanga tuloy ako bigla sakanya. Si Alec lang yan. Parang... Gusto ko na si Alec
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
RomanceNung dumating ka sa buhay ko, walang wala ako. Masakit yung puso ko. Pero binigyan mo ko ng pag-asa, pag-asang maging masaya muli. Sa mga araw na kasama kita, pakiramdam ko isa akong reyna, hindi ako nag-iisa at palagi akong masaya. Kaya kung nariri...