4
Napatingin ako sa orasan ko. Magteten na ng gabi.
"Wala ka pa bang balak umuwi?" tanong ko kay Alec.
Ngiti lang ang isinagot nya sakin. Ayos talaga sya. Mukhang hinabol lang talaga nya ko para makasama nya ko ngayong gabi. Bwahahahaha. Assuming. Di ko tuloy mapigilan ang sarili kong pagmasdan sya. Mas gwapo pa rin sya kapag front view. Haha.Nakatingin lang sya sa mga bituin habang nakangiti.
"Wag mo kong titigan...(long pause) pakiramdam ko binibigyan mo ko ng pag-asa."seryoso sya habang sinasabi yan.
Nahiya ako, nahuli pala nya kong nakatingin sakanya. Ang lakas ng pakiramdam. Hahaha.Teka, anong pag-asa?
"Hahaha. Ang kapal mo talaga. Porket tinititigan kita may pag-asa na agad? Whooo, ang lakas ng hangin dito... Whoossshhoooo...tara na nga't umuwi"
Ngumiti lang sya.
"Tara uwi na tayo. Napapasarap ka ng pag-iimagine eh." sabi ko habang hinihila sya patayo mula sa pagkakaupo nya sa swing.
tumayo naman ang loko.
Nagulat pa ko ng akbayan nya ko.
"Namimiss ko ng magkaroon ng girlfriend." sabi nya.
Bilang pasasalamat may naisip ako.
"Edi kunwari ako ang girlfriend mo. Kahit ngayong gabi lang."sabi ko. Tumingin sya sakin.
"Sige pero bukas na lang natin umpisahan. Wala na tayong mapupuntahan."sabi ni Alec sakin.
Ewan ko ba... Kapag kasama ko sya napakakampante ko, maayos ang lahat at feel kong safe na safe ako. Pinagmasdan ko si Alec habang nakangiti sa kawalan at nakaakbay sakin.
Ano nga bang meron sayo? Bakit ganito na lang ako kasaya kapag kasama kita. Bakit pakiramdam ko hindi ako nag-iisa.
Napangiti na lang ako sa isiping yun.
"Tinitignan mo na naman ako. Natetempt ako kapag ganyan ang titig mo. Please Jodi, wag mo kong bigyan ng pag-asa."
Ano bang pag-asa ang sinasabi nya? Keltukan ko kaya to.
"Pag-asa mo mukha mo. As if na magugustuhan kita."
Ngumiti sya.
"Sana pala noon pa kita kinaibigan. Kung alam ko lang na ganito...sana pinili kong maging masaya noon pa."
Siniko ko sya.
"Aray naman."sabi nya habang hinihimas yung tyan nya.
"Ang drama mo kasi. Tigilan mo na nga yan. Baka di rin ako makapagpigil at masapok kita"
"Hahaha. Maiba tayo, kapag nlulungkot ka o kaya nagagalit ka tumingin ka lang sa mga stars tapos kumanta ka ng malakas ng nursery rhymes na parang ganito...
Twinkle twinkle little stars how i wonder what you are
Up above the world so high
Like a diamond in the sky..."
Hindi ko alam... Pero nakaramdam ako ng lungkot sa pagbanggit nya sa mga huling linya ng kinakanta nya.
"Wag kang mag-alala... Nabibilang lang yung mga beses na kakantahin ko yan."
Huminto sya sa paglalakad. Humarap sya sakin.
"Hahaha. Make sure. Kung hindi, babalik ako para ipaalala sayo na maging masaya ka." bulong nya.
Aw, nakakapanaas talaga ng balahibo ang pagbulong nya. Dapat na ba kong masanay? Hahaha.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
RomanceNung dumating ka sa buhay ko, walang wala ako. Masakit yung puso ko. Pero binigyan mo ko ng pag-asa, pag-asang maging masaya muli. Sa mga araw na kasama kita, pakiramdam ko isa akong reyna, hindi ako nag-iisa at palagi akong masaya. Kaya kung nariri...