7

46 4 1
                                    

7

Ngumiti sya sakin tapos bigla nya kong hinalikan sa noo ko. Nagulat ako. Nagulat din siguro sya sa ginawa nya kaya umiwas sya ng tingin. Ibinalik nya yung tingin nya sakin.

"Thank you Jodi." sabi nya. 

para saan? Kinikilig naman ako.

Humilig ulit ako sa balikat nya.

"Dapat yata ako ang magpasalamat sayo eh. Kasi kung hindi mo ko tinulungan siguro hanggang ngayon si Aldrick pa rin yung gusto ko."

AT hindi ko malalaman na mas deserving ka kesa sakanya.

Syempre sinabi ko na lang yung last na part sa isipan ko.

"Ikaw naman kasi... Masyado kang nagmamadali. Lahat ng bagay may tamang oras. Mangyayari kung mangyayari.K aya dapat hindi mo sasayangin yung oras mo. Dahil baka may hindi ka man lang magawa bago ka umalis sa lugar na to." sabi nya.

"Hahaha. Alam mo pwede ka ng pari sa simbahan."

"At saka dapat matuto kang magdasal lagi. Matuto kang magpasalamat at higit sa lahat ang magpatawad. Thanks to God kasi tinuro nya sakin yun."

"Amen."

God knows how thankful I am because I have you Alec...

****

Pagkatapos nung araw na yun hindi ko na nakita pa si Alec. Nahiya naman akong magtanong sa mga kaklase ko dahil baka sbihin nilang gusto ko si Alec. Pero mukhang ganun na nga. Hindi na sya pumapasok. Hindi ko alam ang dahilan. Hindi na sya nagpakita pa sakin.

Buti na lang naging busy ako. Graduating na kasi ako. Nabalitaan ko ding hiwalay na si Shane at Aldrick.

Tama si Kurt, hindi rin sila tatagal dahil hindi naman naging seryoso yung babae. 

Palabas na ko ng campus ng makita ko si Aldrick. Malungkot sya.

"Jodi pwede ba kitang makausap kahit sandali?" 

Sa totoo lang hindi ako galit sakanya. Natuto akong magpatawad ng dahil kay Alec.

Tumango ako. Nagusap kami sa isang cafe na malapit sa campus.

Humingi sya ng tawad sakin dahil sa pagbabalewala nya sa feelings ko. Kung sana daw ako yung niligawan nya baka daw masaya kami ngayon. Napaisip ako. Sasaya nga ba ako? Ako lang naman ang nagmmahal sakanya, at lumapit lang naman sya sakin kasi nasaktan sya hindi ba? Now i know. Isa sya sa mga taong dapat kong maging kaibigan lang. Maaalala ka lang kasi nila kapag kailangan ka na nila.

Si Alec yung gusto ko... Kailangan kong sabihin.

"Mauuna na ko Aldrick. May lakad pa ko eh"

Nginitian nya ko. 

"I know, magiging masaya ka sa taong mamahalin mo at sobrang swerte nya, kasi ikaw yung babaeng nagmamahal ng totoo at hinding hindi ka bibitaw dahil mahal mo sya."

Ngumiti ako sakanya at nagpasalamat. 

This time kay Alec ko sasabihin tong nararamdaman ko. Magiging tapat ako sakanya.

Umuwi muna ko sa bahay. Balak kong kunin yung address nya sa tab ko. Medyo malayo layo din yun kaya sinearch ko.

Nagpaalam din ako kay Mama and she says God bless. Suportado nya ko.

naghihintay na ko ng bus ng makita ko si Alec. Niyakap ko sya agad. Namiss ko sya. Ilang linggo din syang nawala.

Hinampas ko sya.

"Aray!" sabi nya.

"Bakit kasi ngayon ka lang? Namiss kita ng sobra."sabi ko sakanya.

"Sorry naman. May ginawa lang akong importanteng bagay." sabi nya sabay taas ng envelope. 

Bubuksan ko na sana kaya lang pinigilan nya ko dahil may bus ng parating. Umakbay sya sakin.Hindi naman siksikan kaya nakaupo kami.

"Kuya dalawa."sabe ko dun sa konduktor.

"Dalawa?" ulit nya.

"Opo dalawa." ulit ko. Napakunot noo sya. Pero hinayaan na lang nya. Talaga si Kuya. Dapat palitan nayung salamin nya. Malabo na. Hahaha.

"Alec..." lumingon sya sakin.

Nakangiti. 

Tapos umiling lang ako. Saka ko na sasabihin. 

Nakahilig lang ako sa balikat nya. Hinawakan ko pa yung kamay nya. Mas lalo lang nyang hinigpitan yung hawak sa kamay ko kaya napanatag ako. 

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong bumulong ng...

"Mahal kita Alec..."

Biglang nagstop yung bus. Nagsitayuan yung mga pasahero. Sumilip ako sa bintana. May mga nagkakagulo sa labas. May aksidente yung kotse at truck kaya natraffic. Hinanap ko si Alec... Nawala na sya sa tabi ko. Hindi ko alam, marami na din kasing bumaba.

"Ate, nakita mo po ba yung gwapong kasama ko?"tanong ko sa babaeng nsa likuran namin. Umiling lang sya.

Nasan na ba sya? Hindi naman nya ko iiwan hindi ba? 

Pero nakalipas na ang isang oras at hindi pa rin bumabalik si Alec. Inisip ko na lang naayaw nya sakin dahil umamin akong mahal ko sya.

Almost is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon