Chapter 31 - Farewell? [part 2]

1K 13 4
                                    

Chapter 31

 MILES POV

“dito? Sa park?” namamanghang tanong ni miles kay ice, kasalukuyan silang nasa people’s park ngayon sa tagaytay kung saan dinala siya ni ice gamit ang sarili nitong sasakyan, nung una hindi niya inaasahan na mei sasakyan pala ito, to think na banda lang ang pinagkakakitaan nito, mukhang hindi pa nga niya talaga ganoon kakilala si ice, pero sabagay wala rin siyang alam sa kung sino ang mga magulang nito, now that she think of it, hindi niya tuloy maiwasan magtaka kung sino nga ba talaga ito, kung sino ba talaga si raicen fontanilla.

“yup dito, bakit miles? San mo ba gusto? Ok lang sa’kin kung gusto mo kong solohin...” sagot ni ice sa kanya sabay kindat at ngiti ng nakakaloko..

O///O

“h-hindi.. ok na ko dito, dito na lang tayo, mas maige pa d-dito...” mejo nagkandautal na sagot niya.

Peste ka talaga ice! Anu-anu na naman pinapasok mo sa utak ko!!

Nakita niyang umikot si ice sa likod ng sasakyan nito at mei inilabas mula sa likod.

“anu naman yang dala-dala mo?” tanong ni miles rito.

“hmm, i only have my guitar here” sagot naman nito..

“wag mong sabihing mag-peperform kayo rito kaya niyaya mo ko rito?” nakapameywang na tanong niya kay ice

“nope, although mei performance kami ngayon, hindi na ko sumama, i’d rather spend this time with you” sagot ni ice habang isinusukbit sa balikat nito ang gitarang dala-dala nito.

“seriously anu ba naisipan mo at bigla-bigla mo na lang ako dinala rito at hiningi araw ko?” nagtatakang tanong niya rito.

“masama bang solohin ka miles?” sagot ni ice sabay titig sa kanya ng matamnan.

O///O

“Che!” naasar na sagot ni miles pagkatapos ay tumalikod siya rito para hindi mahalata nito ang pamumula ng mukha niya.

“hmm san ba maganda pumwesto rito?” tanong ni ice sa kanya.

Haharap na sana siya rito ng mei tatlong babaeng tumabig sa kanya at ni hindi man lang marunong mag-sorry. Sinundan niya ng tingin ang mga ito at nakita niyang kay ice ito lumapit.

“hi handsome..”pagkausap nito kay ice at bahagya pang nilantad ang dibdib nito kay ice...

“wanna hang-out with us? We can make you happy..” sabi naman ng isa sabay pulupot ng kamay nito sa braso ni ice.

“yeah and we can even take you to heaven..” makahulugang bulong naman ng isa na naririnig naman niya..

Maang na napatitig naman siya rito. O.O

Aba’t! hello! girlfriend!! Andito?! Landiin ba naman sa harap ko?

Hihilahin na sana ni miles si ice ng biglang kumawala si ice sa mga ito at lumapit sa kanya, ni hindi man lang nito pinansin ang mga hitad na babaeng nagpapacute rito. Inakbayan siya nito.

“let’s go hon?” nakangiting sabi nito.

O///O

“ay ang sungit..” narinig niyang sabi nung isa sa mga hitad na babae.

“kala ko pa naman single..” narining niyang sabi nung isa pa.

“tara na nga gurls..” yaya naman nung isa pang babae na bumulong kay ice.. kung bulong nga ba ang tawag dun...

Taming the Heartbreaker's Heart Chapter 37 ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon