Chapter 4 - His Secret and Her Secret

1.3K 34 2
                                    

Author's Note:

please vote and comment.. it was very much appreciated if you did..

yung link ng song nanjan sa gilid :3

===============================================================================

Chapter 4

ICE POV

"Ladies and Gentlemen, the long wait is over, may I now present to you.. today’s guest.. CHAOS!”..narinig ni Ice na pambungad ng emcee sa mga naghihiyawang manunuod…

“let’s go..”.. energetic na sabi ni kent..

“yeah…”.. tanging nasambit na lang ni ice..

Kung tutuusin wala talaga siya sa mood na kumanta ngayon... pre-occupied na ang isip niya mula pa kaninang umaga nang dahil kay Miles…

Aminado siyang na-cha-challenge siya sa babaeng iyon, kung kaya’t hindi na niya ito tinantanan, ito ang kauna-unahang babaeng tinitigan siya diretso sa mga mata at sumalubong sa kanya ng suntok.. sana’y na kasi siya sa mga babaeng walang ibang ginawa kundi ang landiin siya.. kaya’t hindi niya akalain na mei matatagpuan pa pala siyang tulad nito…

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 MILES POV

Masyadong naging busy si Miles, kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin ang nagpe-perform sa stage… order dito order doon…

“Miss one tequilla sunrise please”..anang sa kanya ng isang babae..

“yes maam..”

“Oh my God.. Oh my God!! Ayan na si Ice!! I Love you Ice!!”..biglang tili ng babae nang magsimula ng tumugtog ang Chaos…

“Turn around.. Turn around and fix your eye at my direction.. so there is a connection..”..panimula ng vocalist nito..

As if on cue, napatingin si miles sa vocalistang kasalukuyang kumakanta.. nagagandahan siya sa boses nito…kaya’t napagpasyahan niyang tignan ito...

Baka mamaya boses mo lang ang maganda sayo hahaha..

“I can’t speak.. I can’t make a sound to somehow capture your attention… I’m staring at perfection…” pagpapatuloy pa nito sa pagkanta..

Pagkalingon ni Miles, laking gulat niya nang makita niya si Raicen, iba nga lang ang porma nito ngayon.. pero hindi siya pwedeng magkamali.. kilala niya ito at kitang kita niya na sa kanya rin ito nakatingin.

Pumikit pa siya ng paulit-ulit sa pagba-baka-sakaling namamalik-mata lang siya.. pero si Raicen pa rin talaga ang nakikita niya…

Nginitian pa siya nito ng makalaglag pangang ngiti nito dahilan upang tumalikod siya…

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 ICE POV

Hindi inaasahan ni Ice na makita si Miles sa lugar na ito.. natawa pa nga siya ng makita niya ang reaction nito… nung una hindi pa siya sigurado na si miles nga ito, pero nang pumikit-pikit ito at tumalikod.. sigurado na siya na si Miles na nga ang babaeng yun…

*to be continued…

Taming the Heartbreaker's Heart Chapter 37 ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon