Chapter 21 - Miles, Ice and His Feelings

1K 18 1
                                    

Chapter 21

MILES POV

patapos na ang shift ni miles sa trabaho niya sa 9th avenue at naghahanda na siya sa pag-uwi..

"ingat miles.." sabi sa kanya ni aira

"Good work miles.." sabi naman sa kanya ni ella, isa rin sa waitress at katrabaho niya..

"Salamat.. una na ko senyo.." paalam ni miles sa mga ito bago lumabas..

pagkalabas ni miles.. hindi na siya nagulat nang makita si ice na nag hihintay sa tabi.. simula ng magsimula ang kontrata nila.. ay sinusundo na siya nito.. natatandaan pa niya ang sinabi nito..

'hindi tamang mag-isa ka lang umuwi miles.. kahit maton ka pa.. kelangan mo pa rin ako para ipagtanggol ka.. mahirap na.. ayokong mawalan ng taong mapipikon..'

nilapitan niya si ice na kasalukuyang nakasandal at nakikinig sa mp3 nito, nakita naman siya nito kung kaya't agad itong umayos ng tayo..

"tapos na shift mo?" tanong ni ice sa kanya..

"hindi ba obvious? andito nga ako eh diba?" mataray na sagot niya rito..

"taray ah.." puna naman ni ice sa pagtataray niya..

"pake mo ba?" mataray na tanong ulit niya rito..

"meron ka no?" tanong naman sa kanya ni ice sa kanya..

agad namang namula ang mukha ni miles nang dahil sa sinabi ni ice..

"BASTOS!!" sabi niya rito at nauna nang maglakad kay ice..

"nang-iiwan ka naman" habol na sabi sa kanya ni Ice.. na nakasunod na rin sa kanya..

"Che! wag kang makadikit dikit sakin ice.. baka masapak kita.."

"Ok, ok titigil na ko" sabi ni ice na mejo natatawa na..

tahimik lang sila habang patuloy na naglalakad pauwi..

"miles.." tawag sa kanya ni Ice kapagkuwan..

"Bakit?" mataray na sagot niya rito..

"day-off mo bukas diba?" tanong ni Ice sa kanya..

"bukas? saturday? Oo.. bakit?" mataray ulit na sagot niya kay ice..

"wala lang.. let's go on a date tomorrow.. mejo bored ako eh.." yaya ni ice sa kanya..

"ayoko.." sagot niya kay ice..

"kahit na sabihin kong bawas isang buwan yung kontrata pag pumayag ka? kaw din.. dalawang buwan na ang nadagdag sa kontrata natin.. dahil sa mga violations mo..sinasadya mo siguro yun no? para makasama pa ko? alam mo ok lang naman sakin kung gusto mo ko makasama.. kahit pang matagalan pa.." tuloy-tuloy na litanya ni Ice sa kanya..

"enough.. i cant say no right?" sarkastikong sagot niya rito..

"i'll take that as a yes.." pag conclude naman ni ice sa sagot niya..

"bahala ka na.." tanging nasagot na lang ni miles rito..

"that's settle then.. sunduin kita senyo ng 10 ng umaga.." sabi ni ice sa kanya at tsaka sila nagpatuloy sa paglalakad..

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

kinabukasan...........

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MILES POV

eksaktong 10 ng matapos si miles na maghanda at mag-ayos..

"Miles..anjan na bisita mo" tawag sa kanya ng tita niya..

"anjan na po 'ta.." sagot naman niya rito..

simpleng maong at t-shirt lang ang suot niya.. at isa lang ang alam niyang ipit sa buhok niya.. hindi na rin siya naglalagay pa ng kung ano-anung kolorete sa mukha niya..

bumaba na siya ng hagdan nila at nakita niya si ice na nakatayo at nakatingin sa mga litrato niya nung bata pa siya..

"anong tinitingin tingin mo jan ahh!" tanong ni miles rito ng makalapit na siya sa tabi ni ice..

"ang cute mo pala nung bata ka no? bakit ngayon hindi na?" pang-aasar ni Ice sa kanya..

"nagsisimula ka naman ice.. gusto mo bang masapak.." banta ni miles rito..

"hijo, eto oh kumain muna kayo bago umalis.. pasensya na mansanas lang ang meron kami sa ref ngayon.." hingin paumanhin ng tita niya habang ina-alok kay ice ang mansanas..

"thank you po.." sabi ni ice sa tita niya..at kumuha ng binalatang mansanas, tsaka kinaen..

"hindi halatang gutom ka no?" tanong ni miles sa kanya ng mapansing niyang malapit na nitong maubos ang apples na binigay ng tita niya..

"apples is one my favorite.." maya't mayang sabi ni ice sa kanya ng matapos na itong kumain..

tumayo na ito at inilahad ang kamay sa kanya.."shall we?"

sa halip na abutin ay tumayong mag-isa si miles.."hindi bagay sayo mag-paka gentleman ice.." natatawang sabi ni miles rito..

"go back to your old self" patuloy pa ni miles rito..

"ganun ba.." tanging nasabi na lang ni ice..

"asan nga pala si tita?.. magpapa-alam muna tayo.." tanong ni ice..

"ay ou nga pala.. saglit lang tatawagin ko.." sagot ni miles

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ICE POV

naka-akyat na si miles sa taas upang tawagin ang tita nito..

tinignan ni ice ang kamay na inialok niya kay miles at saka kumuyom..

kapag ako hindi pwede.. pero pag si blake pwede.. hmm.. gano'n mo ba talaga siya ka-gusto miles?

agad na umayos si ice ng tayo ng marinig niyang pababa na ito at ang tita nito..

"aalis na po kami.. salamat po" paalam niya rito..

"salamat rin hijo.. mag-iingat kayo ah.." sabi naman ng tita ni miles at saka sila umalis..

*to be continued...

Taming the Heartbreaker's Heart Chapter 37 ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon