Chapter 28 - Sweet Surrender?

1K 27 7
                                    

Chapter 28

MILES POV

Natapos na ang performance ng chaos at hanggang ngayon ay tulala pa rin si miles sa ginawa ni Ice para sa kanya..kasalukuyan siya ngayong nasa labas dahil sinabi ni ice na hintayin raw muna siya nito at mei pupuntahan pa raw sila… hindi niya akalain na ito pala ang surprise na sinasabi sa kanya ni ice.. to think na talagang binayaran pa nito ang araw niya..

Pero san siya nakakuha ng pera para bayaran ang araw ko? Ganun ba talaga kalaki ang kita pagbabanda? Sabagay sikat naman sila sa girls..

Ay naku miles!!! Anu bang pakielam mo kung san niya napupulot pera niya!! Anu ka ba niya ahh?

“girlfriend….” Mahinang sambit niya na sinasagot ang tanong ng utak niya..

Ou girlfriend.. CONTRACT GIRLFRIEND nga DIBA!

Umiling iling na lang si miles dahil para siyang sira na kinakausap ang sarili..

“kahit anung wasiwas mo pa jan sa ulo mo hindi mo pa rin ako maaalis sa isip mo….” Maya’t mayang bulong sa kanya ni ice na kinagulat niya..

“ay kabayo!!!” gulat na sabi ni miles..at agad siyang napaharap rito dahilan para magtama ang ilong nilang dalawa dahil sa sobrang lapit pala ni ice sa kanya..

“aray…” sabi ni ice habang sapo sapo ang nasaktan ilong..

“ang hilig mo talagang bugbugin ako miles….” Patuloy pa ni ice na hawak pa rin ang ilong..

“b-bakit kasi b-basta ka na lang lumalapit eh!” bulyaw ni miles rito..

“eh para ka kasing magnet na hindi ko malayuan… kahit ilang minuto lang..” sabi ni ice while flashing a smile that every girls die for..

O///O

“ine-engkanto ka na naman ice!” sabi ni miles rito para itago ang pagkapahiya at tsaka tumalikod..

Narinig lang niyang tumawa ito sa reaction niya…

“tawa ka jan! Hmp!” wag ka nga tatawa .. pasalamat ka nakatalikod ako.. kundi baka mainlove na naman ako sayo…

“nakakatawa ka pag napipikon miles..” sagot ni ice sa kanya sabay lapit sa kanya at hawak sa kamay niya pagkatapos ay hinila siya nito…

“s-san mo ko dadalhin..!”

“relax miles.. wala akong gagawing masama sayo, mei gusto lang akong pakita sayo…” natatawang sabi ni ice sa kanya…

Naglakad sila ni Ice hanggang sa nakarating sila sa mei dalampasigan hindi kalayuan sa 9th Avenue…

Agad na binitawan ni ice ang kamay niya at pagkatapos ay umupo ito sa mei buhanginan..

Weird.. bakit ba sa tuwing bibitawan niya kamay ko.. pakiramdam ko, biglang mei kulang..

“tara upo …” yaya ni ice sa kanya sabay tapik sa buhanginan sa tabi nito…

Agad namang tumalima si miles, umupo siya sa buhanginan pero hindi sa tabi nito.. dahil lumayo sa konte rito....

Natawa na naman si ice sa ginawa niya..

“miles, wala akong sakit at wala naman akong gagawing masama sayo ah..” natatawang sabi ni ice sa kanya..

“maige na ang nag-iingat noh! at isa pa tayong dalawa lang rito tapos madilim pa!!” kinakabahan na nga ako weh!

Tumayo naman si ice at umupo sa tabi niya.. pero umurong naman si miles.. umurong rin si ice at tumabi sa kanya.. umurong pa rin si miles.. tumabi ulit sa kanya si Ice.. hanggang sa akbayan na siya ni ice para hindi na siya makaurong pa..

O///O

“tignan mo ang layo na nang nararating natin miles..”

“CHE!!! Panung hindi lalayo lapit ka ng lapit!” lumalayo na nga ako ehh.. para hindi mapahamak puso ko sayo! T.T

“eh layo ka nang layo.. wala naman akong gagawin eh..unless…” putol na sabi ni ice sa kanya pagkatapos ay inilapit nito ang bibig sa tenga niya at saka bumulong..

“gusto mo… miles”

O///O

Agad na itinulak ni miles si ice at tsaka tumayo…

“Che!!! Tumahimik ka jan ice!” grabeh kinakabahan ako dun… ang lakas ng tibok ng puso ko!

Tumawa ng tumawa si ice sa reaction niya pagkatapos ay hinila siya nito at pinaupo ulit…

“bitawan mo nga ako!!” nagpupumiglas na sabi ni miles rito..

“binibiro lang kita..” natatawa pa ring sabi ice sa kanya…

“CHE! Hindi magandang biro yan ice! At bakit ba tayo nandito ahh!!” God until now ang lakas pa din ng kabog ng dibdib ko!

Agad naman itong tumingin sa relo nito. “mag-start na…” sabi nito at sakto bigla lumiwanag ang kalangitan dahil sa fireworks display..

“mei fireworks display ngayon, at dito yung naisip kong magandang view para manuod..” patuloy pa ni ice sa kanya..

Namangha si miles sa nakikita niya.. hindi naman dahil sa ngayon lang siya nakakita ng fireworks or what.. pero dahil sa ngayon lang niya naranasan ulit manuod nito after 2 years.. naging busy na kasi siya simula ng iwan sila ng papa niya nun.. namatay kasi ito sa isang aksidente.. ang papa na lang niya ang tanging natirang pamilya niya dahil ang mama niya ay namatay nung pinanganak pa lang siya.. kaya mula nun tita na niya ang kumupkop sa kanya…

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ICE POV

Natuwa si ice sa nakikita niya.. masaya siya na makitang masaya si miles…  alam niyang hindi kaya ni miles na iwan ang trabaho nito lalo na’t kailangan nito nang pera.. hindi sa pagiging pakielamero, pero nag run siya ng background check rito at nalaman niya na ulila na pala ito, namatay as isang aksidente ang tatay nito samantalang ang nanay naman nito namatay sa panganganak sa kanya kung kaya’t mula nun ay ang tita na niya ang kumupkop rito at nagpa-aral pero simula ng magkasakit ang tita niya ay hindi na rin nito natustusan ang pag-aaral ni miles.. dahilan para magtrabaho ito..alam niyang malungkot ito, kahit na palagi itong palangiti at masayahin.. dahil dun kung kaya’t hindi na niya ito tinatanan.. gusto niyang pasayahin ito.. pero hindi niya alam na sa ginagawa niya ay napapamahal na rin pala siya rito.. natutuhan niyang mahalin ito dahil hindi ito tulad niya, ou hindi tulad niya na nagtago lang at naging bulag sa lahat…  naisipan niyang sorpresahin ito kung kaya’t kinausap niya ang boss nito para bayaran ang araw nito.. gusto niyang mag-enjoy ito paminsan minsan.. pumayag naman ang boss nito sa gusto niya pero humiling rin ito na mag-perform ang grupo nila.. para rumami naman raw ang customer nila, at tsaka niya naisip ang ideyang ginawa niya kanina.. masaya siya na nasorpresa niya ito pero siya ang nasopresa nung pumayag ito na halikan niya.. to think na pag-ginagawa niya iyon ay bugbog lagi ang inaabot niya rito.. 

Hindi na pinansin ni ice ang fireworks dahil para sa kanya mas maganda pa sa kahit anung bagay ang makitang masaya si miles..

“ang galing! Ang ganda nuh!” masayang bulalas ni miles habang nakatingin sa fireworks..

“ou maganda nga.. magandang maganda..” sabi ni ice habang nakatingin naman kay miles..

Nakangiting lumingon sa kanya si miles… at agad rin itong nagulat nung malaman nito sa kanya siya nakatingin…

Hindi na napigilan ni ice ang sarili at unti-unting inilapit niya ang mukha sa mukha ni miles..

Bahala nang masapak..

Nagulat siya nang pumikit ito at nagpaubaya…

And they kiss as the fireworks continue…

*To be continued..

Taming the Heartbreaker's Heart Chapter 37 ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon