Chapter 33 - One Last Time [Part 2]

1.1K 14 15
                                    

Chapter 33

ICE POV

Madilim na nung naalimpungatan si ice, kinuha niya ang cellphone niya na nasa tabi lang niya at tsaka tinignan ang oras, sa halip na sa orasan siya mapatingin ay napatitig siya sa larawan ni miles na ginawa niyang wallpaper sa cellphone niya, napangiti na naman siya sa nakita niya pagkatapos ay tinignan niya ang oras.

Alas-dose na pala ng madaling araw, malamang nakauwi na si miles.

Tatayo na sana siya ng maramdaman niyang may kung anong nakadagan sa mei bandang dibdib niya, inilawan niya ito gamit ang cellphone niya at nagulat siya ng makita si miles, yung kamay nito ang nakapatong sa mei bandang dibdib niya na parang yakap siya nito at ang ulo nito ay nakapalapat sa sofa. Tulog na tulog ito.  Napangiti siya sa nakita niya.

You never failed to amused me miles.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito sa dibdib niya at dahan-dahan rin siyang tumayo. Pagkatapos ay binuhat niya ito at dinala sa kwarto niya, mas magiging comfortable itong matulog sa kama niya kesa sa sofa. Kinumutan muna niya ito bago lumabas ng kwarto niya at tsaka dumaretso sa kusina, iniligpit na rin niya ang mga pinag-gamitan ni miles sa pag-aalaga nito sa kanya. Mejo gutom na rin siya kaya naisipan niyang kumaen ng mansanas na nakastock sa ref niya. Matapos kumain ay bumalik ulit siya sa kwarto niya para pagmasdan ang natutulog na si miles. mabuti na rin yung pakiramdam niya at lahat yun ay nang dahil kay miles. umupo siya sa tabi nito pagkatapos ay tinitigan niya ito. He was contented and happy seeing her by his side.

But he will be much more happy if she we’re his. Kung sana lang mahal siya nito.

Hindi na niya napigilan ang sarili at hinalikan niya ito sa noo.  Pagkatapos ay tinitigan niya ito at hinawakan ang kamay nito.

Masaya ka ba ngayon miles? namimiss mo rin ba ako? Hinahanap mo rin ba ako? Alam mo ba kung ano yung nakalipas na dalawang araw para sa’kin? It was more than hell miles, at hindi ko alam kung paano ko kinaya yun. Paano pa kaya pag tuluyan ka nang nawala sa’kin? Kung pwede lang akong maging makasarili miles, kung pwede lang... ang tanga ko ba? Nakakatawa no? Ayokong mawala ka... kahit na alam kong hindi ka naman sa’kin miles.... mahal na mahal kita miles...  yan yung gusto kong sabihin sa’yo. Sinabi ko na sa’yo yan nun diba? Pero mukhang nagulo lang kita ng dahil dun.. mula nun hindi ko na sinubukan pang magtapat sa’yo. Naghintay ako na ikaw na lang mismo ang makaramdam sa sarili mo na mahal kita, na minahal kita miles, pero mukhang, kahit doon palpak din ako.. it will always be blake right? Kung tutuusin simple lang naman to eh.. pero bakit parang nakakamatay pag naramdaman miles? sana ako na lang... sana ako na lang..

Sukat sa naisip ay hindi na napigilan ni ice ang luhang kumawala mula sa mata niya. Agad na pinahid niya iyo at tinitigan ulit ang natutulog na si miles.

Bigla namang gumalaw ito at mei kung anong sinasabi habang natutulog ito.

“peste ka talaga ice! Anong klaseng engkanto ka ba ah! Bakit ba lagi mo na lang pinepeste buhay ko? Bakit ba ganyan ka?! Mas mabuti pang mawala ka na lang sa buhay ko eh..” sabi ni miles na mukhang nanaginip ng kung ano.

Napangiti siya ng mapakla. “pati ba naman sa panaginip mo miles? ayaw mo pa rin sa’kin? Ganon mo na ba ako kagustong mawala sa buhay mo?” sagot niya sa mahimbing na natutulog na si miles.

Pagkatapos ay napagpasyahan niyang tumayo at lumabas na lang ng kwarto....

“pero syempre hindi ko kaya, pasalamat ka mahal kitang engkanto ka..!” habol na sabi ni miles na mahimbing pa ring natutulog ngunit hindi na nagawa pang marinig ni ice, dahil nakalabas na ito ng kwarto bago pa man nito marinig ang sasabihin ulit ni miles.

Taming the Heartbreaker's Heart Chapter 37 ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon