Chapter 17 - Miles BFF meet Ice

1K 19 1
                                    

Chapter 17

MILES POV

basang-basa ni miles ang salitang 'explain' sa mga mata ng kaibigan..

"I..uhh.. san ba ko magsimula?" sabi ni miles sa kanila..

"bakit kasama mo si ice?" nauna nang tanong ni barbie..

"kayo na ba?" tanong naman ni sarah?

"kailan ka pa nagka-boyfriend ng hindi namin alam miles?" tanong naman ni cha..

"chika mo dapat sa 'min yan daliii!!!!!" na-eexcite na sabi naman ni isna..

"sino ba yong kasama mo?" tanong naman ni emir..

"ano ka ba emir! si ICE yun si ICE! yung isa sa hot fafa rito sa school!" kinikilig na sagot ni sarah kay emir..

"emir..tagal na natin dito hindi ka pa din updated.." sabi naman ni isna..

"anyway mabalik sa usapan.. bakit kayo magkasama ni ice?" tanong ulit ni barbie..

"oo nga.. kwento mo naman sa 'min yan.. at kala ko ba kay blake ka?" segunda naman ni cha..

"wait wait wait gurls.. isa-isa lang mahina kalaban ohh..." sagot ni miles sa kanila..

sasabihin ko ba yung about sa kontrata? hmm.. oh well wala naman nakasulat dun na bawal sabihin sa kaibigan diba?..

"Ice and I wer----"

"were dating.. and she is now my girl.." dugtong ni ice sa sasabihin sana niya..

"what?!" gulat na sabi ng kaibigan niya maliban kay emir na nananatiling tahimik pa rin..

"hi, Im Raicen Fontanilla.. 'Ice' for short, miles boyfriend.." formal na pagpapakilala ni ice sa sarili.. sabay akbay sa kanya..

"hihiramin ko muna si miles senyo ah.. since hindi na rin naman tayo kasya jan.." sabi ni ice at tsaka hinila si miles papunta sa mesa nila na di kalayuan sa mesa ng mga kaibigan niya..

ngiti na lang ang naisagot ni miles sa mga kaibigan niya bago tuluyang nagpatangay kay ice papunta sa mesa nila...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SA KLASE :3

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MILES POV

haizt grabe... gutom pa din ako.. hindi ako masyadong nakakaen sa kantin.. kaw ba naman pag tinginan at pag usapan! peste ka talagang ice ka!!..

groooowwwwwlllllllll.......

gutom pa ko!! T.T

"pst.. pst.. gurl.." mahinang tawag sa kanya ni barbie..

"bakit?" matamlay na sagot niya..

"anu yung kanina ahh? meron ka bang hindi nakukwento sa 'min?" tanong ni barbie sa kanya..

"ahh wala yun.. wag mo na lang intindihin yun.." balewalang sabi niya.. wala siya sa mood sumagot ngayon lalo na't gutom siya..

"anung wala! kailan lang puro blake blake blake yang laman ng bibig mo kulang na nga lang ilagay mo sa noo mo pangalan ni blake tapos ngayon biglang naging kayo ni Ice?" sabi ni barbie sa kanya..

"tsaka na ko mag-explain gurl.. gutom na gutom na ko.. wala ako sa mood mag explain ngayon.." sabi ni miles habang hawak-hawak ang tiyan niya..

mukhang hindi naman naintindihan ni barbie ang huling sinabi niya kung kayat napasinghap ito at nanlaki ang mata sa kinilos niya..

"Oh my GOD!" dont tell me miles na... na.. na..." putol ni barbie sa sasabihin habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya at sa tyan niya..

"na ano?" tanong niya rito..

"na buntis ka gurl.."mahinang sabi ni barbie sa kanya..

nagulat si miles sa sinabi ng kaibigan kung kaya't napatayo siya at napasigaw rito..

"ANO!!!?" gulat na sabi ni miles kay barbie..

"Ms. Arellano.. labas!... hindi ka dapat sumisigaw sa klase ko! sa labas mo gawin yan.." masungit na sabi ni mam puti.. Nstp teacher nila..

apologetic na tumingin sa kanya ang kaibigan..

"sorry gurl.. hindi ko sinasadya.." bulong pa nito sa kanya..

nginitian na lang niya ang kaibigan at tsaka lumabas sa klase nila..

*to be continued..

Taming the Heartbreaker's Heart Chapter 37 ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon