Chapter 35 - Blake's Art of Letting Go

863 9 0
                                    

Author's Note:

yay!! after two mos!! eto na update na wahahaha .. sorry poh sa lahat bc lang po talaga.. 

*headbang!* hahahahahaha

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 35

MILES POV

“i-ice.. b-bumalik ka? I-ice.. m-mei sasabihin ako sa’yo..” naiiyak na sabi ni miles..

“mei gusto rin akong sabihin sayo miles.. starting today.. gusto ko ng itigil ang kontrata natin.. mahal ko ang girlfriend ko.. and tingin ko hindi na nila ako lalapitan dahil aalis na ko ng bansa.. susundan ko siya.. salamat sa naging tulong mo sakin.. nag enjoy ako.. paalam..” tuloy tuloy na litanya ni ice tsaka tumalikod walang lingon likod na iwan siya..

Tsaka naman tumulo ang pinipigilang luha ni miles..

“pero mahal kita ice...” halos pabulog na habol niya rito..

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BLAKE POV

Nagising si blake sa pagkakatulog sa couch ng marinig niyang umiiyak si miles.. agad na sinipat niya ito at nakita niyang natutulog pa rin ito.. ngunit mei luhang dumadaloy mula sa mata nito..

“pero mahal kita ice..” narinig niyang usal ni miles.. habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata nito..

Napangiti siya ng mapakla sa narinig..pagkatapos ay pinunasan niya gamit ang kanyang hinlalaki ang luha sa mata ni miles dahilan para magising ito...

“a-asan ako?”agad na tanong ni miles ng magising ito..

“nasa clinic ka miles, na over fatigued ka daw sabi ng doctor.. pero ok ka na.. pahinga lang daw kailangan mo.. masyado mo nang pinapagod sarili mo miles”

“i-ikaw ang nagdala sakin dito?”

“mukhang masyado kang maraming iniisip miles.. kaya hindi mo na naalala” mejo dismayadong tugon niya rito..kasabay nang isang mapaklang ngiti..

“hindi sa gano’n mejo.. ano.. pagod kasi ako....” ilang na tugon ni miles sa kanya.

“ganun ba.. kung ok lang.. ihahatid na kita senyo.. ”

“s-salamat blake..”

Agad na inalalayan ni blake ang hinang-hinang si miles at tsaka niya ito dinala sa sasakyan niya at hinatid pauwi.

“sigurado ka bang ok na dito miles? ayaw mong ihatid pa kita sa loob?” nag-aalalang tanong niya kay miles.

“o-oo ok na ko dito blake, pasensya na sa abala.. maraming salamat...”

Pagkasabi ni miles niyon ay tsaka ito tumalikod para buksan ang gate ng bahay nila.. nang bigla siya hilahin ni blake paharap rito.

“miles...” pagkasabi niyon ni blake ay saka ito lumuhod sa harap niya.

“miles I-im sorry.. ako ang mei kasalanan.. kung bakit lumayo si raicen.. nag-usap kami at sinabi kong sakin ka.. mahal kita miles..mahal kita at natakot akong mawala ka sa’kin.. unti-unti ka nang nawawala sakin miles.. narealize ko lahat yun kung kelan unti-unti ka nang nawawala sakin.. ” tumingin siya ng diretso sa mga mata ni miles nang mei luha ang mga mata.. “masisisi mo ba ako miles? masisisi mo ba ako? Kung nagawa ko yun? Unti unti ka nang nawawala sakin.. nang ako? Walang kalaban laban.. walang kalaban laban na kinukuha na yung taong matagal ko ng hinahanap.. yung taong.. matagal ko na palang mahal.. alam kong para na lang akong hangal na lumuluhod dito sa harap mo miles.. at the first place.. talo na ko..” tumawa siya ng mapakla at unti-unting tumayo habang nakatingin ng diretso sa mata ni miles. “dahil kahit hindi mo sabihin .. alam kong mahal mo na rin siya miles.. pero kahit paano.. atleast sa sarili ko.. nasabi ko.. its worth the try miles.. kahit alam kong talunan na ko.. ”

Taming the Heartbreaker's Heart Chapter 37 ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon