[Candy Series #2]
The reasons. The happenings. This is the story of Candy who left her family and sacrificed everything.
What are her reasons and how that happened?
Let's meet Candy Arise Espinosa.
Started: June 15, 2017
Ended: xx xx xxxx
"Are you ready?" Tanong sa akin ni Cheese. I nodded at ngumiti ng tipid. Ito na ang araw na pwede na ko makabalik kung saan ako belong, ang Candy Friemily. Miss na miss ko na sila at di ako makapaghintay na makita sila.
I hugged Vin and whispered, "thank you."
"Anything for you, noona." Vin smiled. Ginulo ko ang buhok niya.
"Feeling Koreano ka na naman, Vinegar!" Pang-aasar ni Honey.
"At least mukha akong Koreano!"
"At least mukha lang hindi Koreano!" At ayon, simula na ng asaran nila hanggang sa makapasok kami sa kotse ni Cheese.
Vin and Honey reminds me of Peanut and Spyce. Lalo ko tuloy sila namimiss.
Pasikreto naming sinundan ang sasakyan nila.
"We're here!" Pag-aanunsyo ni Salton. Bumaba na ang lahat. Tumingin ako sa relo ko, 20 minutes na lang ay magsisimula na ang graduation ng mga kaibigan ko.
Driver pa rin pala si Salton. Grabe sila sa kanya.
Inabot sa akin ni Honey ang hoodie kaya sinuot ko ito. Pati sila ay naka-hoodie. Kilala kasi nila si Vin kasi siya ang nagdadala ng sulat ko.
Naghanap kami ng taguan na hindi kami mahahalata ng estudyante. Konting galaw ko lang, makikilala nila ako kaagad kaya kailangan ko mag-ingat. At dahil estudyante rin ako rito, kabisado ko kung saan dapat kami magtago.
Nakita ko na kani-kaniyang bati ng ang mga estudyanteng magtatapos. Kapwa masaya at naghahanda na sa darating na bakasyon. Na sa wakas, nagbunga ang mga pinaghirapan nila. Napangiti ako kasi kahit late sila gumraduate dahil sa akin, pinagpatuloy pa rin hila.
"Congratulations, guys!" Masayang sabi ng babae. Nagpasalamat naman sila. Teka, bakit kamukha ko yan?
"May pumalit ata sa pwesto mo." Sabi ni Cheese. Umiling ako nung nakita ko na ginawa nilang busy ang sarili nila para mapaalis nila yung babae. Hindi pa rin sila nagbabago.
Bigay diploma, bigay awards, tapos speech na.
"May we give a round of applause for our Valedictorian, Sugar Aries Ramirez as she deliver her message for the all of us." Naka-ngiting sabi ni Miss Apple. Tumayo naman si Sugar tsaka umakyat ng entablado para maipahayag ang kanyang mensahe. Natutuwa ako kasi tinupad niya ang pangako namin sa isa't isa kahit na di ako tumupad.
"A pleasant evening to our fellow teachers, graduates and parents," panimula nito. "I am Sugar Aries Ramirez, the Valedictorian for this school year."
Huminto ito at may hinanap. Agad akong nagtago sa likod ni Cheese. Buti na lang matangkad tong lalaking to!
Kinalabit ako ni Cheese. Sumilip ako at nakita ko ang pagkadismaya ni Sugar. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko.
Nakatanggap ako ng text kaya tumalikod muna ako at binasa ang text.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako sa mga gurong nagbigay kaalaman sa amin. Alam kong mahirap para sa inyo na turuan kami dahil may pagkamatigas ang ulo namin to the point na susuko na kayo. Pero hindi niyo pa rin kami iniwan, di niyo pa rin kami pinabayaan. Salamat sa napakahabang pasensya na ibinigay niyo sa amin. Kulang ang salitang salamat sa lahat lahat ng sakripisyong ginawa niyo para kami'y matuto't umangat, kagaya ng inyong ninanais," huminto ito kaya humarap ako. Pinipigilan niyang tumulo ang luha niya.
"Pasensya na rin po sa kakulitan na ipinakita namin sa inyo. Pasensya na rin po sa mga nagawa naming kasalanan. Hindi ko to nasabi noon kaya ito, sa mismong araw ng aking pagtatapos ko sasabihin sa inyo ang mga katagang matagal ko ng gustong sambitin, iyon ang mahal ko kayo, aking mga guro."
Nagpalakpakan ang mga estudyante. Napangiti ako.
"Sa aking mga kapwa estudyante na nagsikap upang maabot ang inyong mga pangarap, congratulations sa inyo. Lahat ng pinaghirapan niyo ay nagbunga. At sana, hindi dito huminto ang lahat. Sana ay ipagpatuloy ninyo na magsumikap, dahil sa araw-araw na tayo'y nabubuhay, natututo tayo. Siguro hindi niyo napapansin, na sa pag-scroll lang sa news feed niyo sa Facebook may mababasa kayo at mamamangha. Hindi tayo binibigo ng Diyos sa bawat kahilingan natin, ibinibigay niya lang satin ang dapat, hindi ang gusto lamang. At ito, ipinagpapasalamat ko sa Diyos na lahat tayo, nakatanggap ng diploma at walang naiwan,"
Tumingin ito sa mga magulang.
"Sa inyo kami unang natuto, hindi kami makakatungtong sa entabladong ito kung di kayo nagsikap na magtrabaho at pangaralan kami upang tumino. Kundi dahil sa inyo, hindi kami mapupunta sa tamang direksyon. Salamat. Salamat sa lahat lahat, dear parents. Sa dinami-dami niyong sakripisyong ginawa simula kami ay dinadala pa lamang ng aming mga ina. Hindi namin mapapantayan ang mga nagawa niyo sa amin kaya hayaan niyo kami na gawin kayong proud sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti. Mahal na mahal namin kayo. Siguro minsan, hindi niyo nararamdaman dahil hindi namin alam kung paano ipapadama. Pero sana maniwala kayo, mahal namin kayo."
Ngumiti si Sugar at pinunasan ang kanyang mga luha.
Nakita ko na tumitingin-tingin sa paligid si Cree. Nang madako ang tingin niya sa akin ay tinanggal ko ang hood ko at ngumiti sa kanya. Namiss ko ng sobra ang best friend ko.
"Gawin niyong inspirasyoㅡ"
"SI CANDY!" Sigaw ni Cree. Napatingin ang lahat sa likod kung nasaan ako kaya nagulat ako. Kaagad akong nagsuot ng hood at tumalikod para tumakbo pero may humila sa akin.
"Welcome back, Candy." Nakangiting sabi ni Mentol. Nagkatinginan lang kami at walang nagpapatalo.
"C-candy." Napatingin ang lahat sa stage ng magsalita si Sugar. Nabagsak ni Sugar ang mic at tumakbo pababa para mayakap ako. Nakakamiss, sobra.
"Galit ako pero humupa nung makita kita. Ang daya mo!" Umiiyak na sabi nito.
Umiiyak ako dahil sa wakas, nakauwi na ako, kung saan ako nararapat.
Tumakbo ang magbabarkada papunta sa akin at nag-group hug.
"Anong dahilan, ate Candy?" Tanong ni Butter. Ngumiti ako at niyakap ang barkada kahit di ko maabot ang iba, ayos lang, basta mayakap ko sila.
"Ang dahilan kung bakit ako umalis? Hayaan niyong ikwento ko sa inyo..." Nakangiting sabi ko.
The reasons why I left
My real feelings
The real me
My secrets
Hi, I am Candy Arise Espinosa. And this is my real story.