#SCCouplesEverywhere
V 🍬
-~🍬~-
Dahil sa couple, masaya ang lahat at nagtutuksuan pa. At bonus pang PDA sila.
I congratulated Peanut and Spyce. They deserve each other. Kahit na opposite sila, alam kong marami silang pagkakapareho. Kaya naman alam kong magtatagal itong dalawa.
"Nakakainis, ate. Hindi man lang ako na-inform na sila na pala!" Naiinis na sabi nito at natawa naman ako.
"Baka naman kasi gusto nila na lahat tayo ay mabigla. Hindi iyong may isang hindi." Paliwanag ko. Napanguso naman ito.
Malaya na silang maglambingan ngayon sa harap namin dahil legal sila at alam na namin ang totoo.
Ang saya nilang dalawa tignan. Kahit na ang sungit ni Peanut kay Spyce, hindi man lang ito na-ooffend. Ganyan dapat ang mga lalaki, kahit na ano man ang ugali ng kanilang mahal ay dapat tanggap nila. Hindi dapat nila baguhin. Nagmahal ka pa kung di mo pala siya tanggap. Don't me mga bes!
Nagulat ako ng tumayo si Sugar sa mesa at hinila si Salton.
"Guys, it's the right time para sabihin ko sa inyo to since umamin na sila Peanut," she held Salton's hand and Salty intertwined it. I smiled. Parang kailan lang, mag-m.u. sila, ngayon umamin na sila na sila na talaga. "Me and Salton are official!"
I congratulated them. My best friend and her crush. It's so romantic. Parang dati nangangarap lang si Sugar.
At dahil doon, nagsimula na magbiruan sila Cree at Salton. Natawa naman ako dahil taga-pigil si Sugar sa kalokohan nila.
At ayan, here we goes. The laglagan portion of parents. Where your secrets will be revealed.
Tawanan kami ng tawanan dahil sa parents namin. Masaya ako dahil nabunyag ang mga reaksyon ng lahat bago ko mapagdesisyonan na malipat kami sa iisang bahay. At oo, lahat ng ito ay pakana ko dahil gusto ko masundan ang generation ng mga magulang namin.
"Ito namang baby Cree namin halos dalhin na ang buong bahay namin at ilipat sa bahay na to," nakatitig si Tita Carol kay Cree habang sinasabi yun. "Sabi niya kasi ikamamatay niya kapag may memory siya na naiwan."
"Best friend ko yan!" Naka-thumbs up na sabi ko. Keeping memories, isa yan sa napagkasunduan naming dalawa kaya look at us, we're best friends na.
"Tss." Napansin ko na may parang ahas na nag-react kaya napatingin ako kay Mentol pero umasta ako na parang walang alam.
"Ako may ibubunyag kay Sweet!" Sabi ko. "Crush niya si Sour!"
Biglang namula si Sweet at umiwas sa tingin ni Sour. "Ikaw kilay, ha."
"Whatever, baks."
"Wala akong ilalabas kila Candy and Butter dahil wala silang ginawa kundi kabutihan. Hays. Mga anak ko." Nakangiting sabi ni mommy dahilan para magyakapan kaming mag-iina.
"Oo nga pala," sabi ni Tita. "Hanggang 8 lang kami dito. 8:05 na."
Napa-aww sila samantalang ako, bumalik na naman ang pag-aalala ko. Malalayo na naman sila. Ang kaligtasan na naman namin ay hindi masisigurado.
Kanya-kanyang paalam ang lahat sa aming mga magulang. Ang tagal na simula nung huling makita namin sila kaya nakakalungkot kung aalis agad sila ngayon. Pero ganito, eh. Wala akong magagawa. Ginagawa nila ang lahat para panatilihin kaming ligtas dahil alam nila na once na malaman ng mga uranggutan kuno na nandito sila, maaaring kami ang atakihin. Ang number ko nga alam, eh. I-track pa kaya kami?
"Please be safe, mom and dad." I said. They nodded.
"Be safe, too, my princesses. You are the precious things that came into our lives. We can't afford to lose one of you, especially, all of you. I'll die if that will happen," naiiyak na sabi ni mommy. "Candy, take care of your sisters. I know you can do it."
I nodded and one tear escaped from my eyes. I immediately hugged them and they hugged back. I can do this, I can protect them.
Sabay-sabay naming hinatid sila sa may gate. Kita sa mukha nila mommy at daddy ang pag-aalala pero hindi nila ito masyadong pinapahalata kila Butter at Sweet dahil magtataka ang mga ito.
Don't worry, mom and dad, I'll do my best to keep them safe.
Matapos ang pagpapaalam namin ay pumasok na kami sa bahay.
"Candy?" Pagkuha ni Cree sa atensyon ko kaya napatingin ako sa kanya. "Pwede ba akong tumabi?"
I nodded. "Sure."
"Alam kong malungkot ka na naman. Lahat naman tayo, eh. Pero kailangan nating tanggapin na hindi sila mananatili dito dahil gusto nilang bigyan tayo ng magandang kinabukasan." Pagpapaliwanag niya. Ito na naman siya, pinapagaan ang loob ko.
Kung alam mo lang, Cree. Kung alam mo lang talaga.
"Naiintindihan ko naman. Hindi ko lang talaga maiwasan na mamiss sila kaagad dahil napakalapit ko talaga sa kanila." Half truth, half lie. Hindi ko maiwasan na mag-alala kasi umalis sila at delikado ang buhay nila.
"Lahat naman tayo malapit sa mga magulang natin," inakbayan niya ako at isinandal sa kanyang balikat. "Kaya wag ka ng malungkot. Isipin mo nalang na mabilis ang oras kaya makakapiling mo ulit sila, okay?"
Sana naman sa pagdating ng araw na yun, ligtas pa rin sila. Tumango na lamang ako bilang sagot at ngumiti para mapanatag ang loob niya.
Nagulat ako ng tumumba ako kasabay ng pagsuntok ni Mentol kay Cree. Bago pa magkaroon ng suntukan ay pinigilan ko na sila.
"Tama na!" Sigaw ko at tinulungan ko si Cree na tumayo. "Anong problema mo, Mentol?!"
I looked at him. Pleading him to stop. But his stares are focused on Cree.
Please, Mentol. Wag ka na sumabay.
"Subukan niyo pa ulit mag-suntukan, sige!" I tried to show that I'm mad. Gusto ko magalit, ang dami ko ng problema!
"I am disappointed, Mentol." Mahina pero may diin sa bawat salitang saad ko. Alam ko na magtataka sila pero wala na akong pakealam. I am disappointed and depressed at the same time. Hindi ko na alam kung paano pa ihahandle ang sarili ko.
"Hindi pa tayo tapos." Narinig kong sabi ni Mentol kaya hinintay ko siya makaakyat dahil kailangan ko siyang makausap.
"What is it all about?" Pabulong pero naiinis kong sabi.
"I don't want anyone to touch you, especially Cree." Cool na sagot niya.
"I have to. That's my duty." Sabi niya at pumasok na ng kwarto niya.
He's unbelievable!

BINABASA MO ANG
She's Candy
General Fiction[Candy Series #2] The reasons. The happenings. This is the story of Candy who left her family and sacrificed everything. What are her reasons and how that happened? Let's meet Candy Arise Espinosa. Started: June 15, 2017 Ended: xx xx xxxx