IV 🍬

15 3 0
                                    

#SCTheThreat

IV 🍬

-~🍬~-

Hindi ako makapag-isip ni makapag-concentrate sa isang bagay dahil sa text na natanggap ko. Paano kung magkatotoo to, di ba? Paano ko madedepensahan ang pamilya ko, eh, malayo sila sa akin?

May sumiko sa akin kaya nabalik ako sa reyalidad. Napatingin ako kay Sugar at nakita ko si Miss Apple sa harap. Nasa classroom na pala ako?

"B-bakit po?" Ewan ko pero nautal ako.

"You're spacing out, Miss Candy," naiiling na sabi nito. I'm disappointed about myself. "Anyway, we have an activity. Since you're the president of the class, you must lead this activity."

Tumayo ako at lumapit kay Miss Apple. Sinabi sa akin ni Miss ang gagawin at iba pang information.

"So guys, ang activity natin ngayon ay rules sa classroom," sabi ko at ibinigay kay Vanilla ang papel at ipinasa naman niya ito. "Maghanap kayo ng partner niyo para madiscuss iyan. May instructions naman na so hindi na kayo mahihirapan pa."

Pagkatapos ko sabihin yun ay nagbow ako kaagad at lumapit kay Sugar.

Habang ang iba ay naghahanap ng partner, kami ni Sugar ay nagsimula na magpalitan ng ideas. We make sure na unique ang rules namin pero madali lang tandaan at sundin.

"Okay class, time's up," nagreklamo sila kasi hindi pa sila tapos. "Come in, kiddos. I don't want anyone of you to become stressed. You should eat your lunch na."

Ngumiti ako ng kaunti. Miss Apple is so kind. Sana ganyan nalang palagi ang advisers.

"Good bye, class. See you later." Di pa kami nakakapagpaalam pero umalis na agad siya. Siya kasi yung teacher na ayaw ng paa-paalam kasi ang corny raw.

Lumapit sila sa akin.

"Ay, hello! Bakit kayo nandito? May activity pa, ah," palusot ko kasi ayoko na malaman nila kung ano nangyayari sa akin. "Baka pagalitan kayo ni Miss Apple! Umupo na kayo dali."

"Uhm, Candy," patay. Napansin ata ni Sugar. Eh kasi naman, wala akong maisip! Alam kong lumabas na si Miss Apple pero ayon pa rin ang idinahilan ko. So lame, Candy. "Kanina pa nagpaalam si Miss Apple. Lunch na."

"Lunch na?" I managed to be innocent so maniniwala sila. "Ah, lunch na nga. Tara na guys!"

Masaya akong naglakad palayo. Nawala ang ngiti ko noong makalayo na ako. Patuloy pa rin ako binabagabag ng mensaheng natanggap ko.

-~🍬~-

Nagkaroon kami ng early dismissal pagkatapos ng lunch break namin dahil biglang nagpatawag ng meeting para sa teachers ang principal.

Wala akong kibo hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Hi mga anak!" Bati ng mga magulang namin. Tumili ako at sinalubong sila ng yakap.

Binulungan ko si mommy ng, "Thank, God. You two are safe." Ngiti lamang ang natanggap kong sagot kay mommy.

Pumasok na kami sa bahay. Dumeretso na kaming kusina. Masaya ako dahil sa ligtas sila at trip lang ang text na yun. Ang akala ko, napahamak na sila mommy at daddy.

Hinanda na namin ang juice at tinapay at dinala iyon sa aming mga magulang at umupo sa tabi nila.

"Please be safe, princess," nakangiting saad ni mommy kaya napakunot ang noo ko. "The text you've got is real. But please, act normal. I don't want your sisters to be involved in this case."

I nodded. So it's all real. Everything in the text is real. Oh, God. What's happening? Naka-received rin ba ang mga kapatid ko? I need to protect them!

"Sila Cree at Peanùt lang ang solo dito. Kailan niyo sila susundan?" Tanong ni Tita Auria. I smiled at that thought. What if Cree or Peanut had a little sibling? Peanut will surely happy kasi matagal na niyang hiling yun but Cree? He's afraid of kids. Pero hindi naman sobrang lala to the point na mababaliw siya. Ano lang, awkward lang when he's with kids.

"Mama, mama," masayang sabi ko. "Ang laki na ni Sweet." Nakangusong sabi ko. Buti nalang sumakay si Butter at nakita kong sumimangot si Sweet. Hahaha, cutie!

"Oo nga mama, ang laki na ni Sweet." Sabi ni Butter.

Yumuko si Sweet kaya nagkatinginan kami ni Butter at tumawa.

"Joke lang!" Sabay na sabi namin ni Butter at niyakap si Sweet. Kahit malaki na siya, she is still our baby girl.

"Syempre kahit malaki na ang prinsesa namin, ikaw pa rin ang baby namin." Sabi ko kaya napangiti naman si Sweet at niyakap kaming dalawa.

"Teka, Butter at Sweet. Kakausapin ko lang si mommy." Sabi ko at tumango silang dalawa. Tumayo ako at nagpunta kaming garden.

"Mommy, please explain." Panimula ko.

"Kailangan mo na umalis dito bago may mangyaring masama sa inyong lahat." Sabi nito.

"Then why?" Tanong ko.

"Kasi delikado. Huwag ka na magtanong. Pagkaalis mo ay sasabihin ko ang lahat. Hindi nila pwedeng malaman anak. Sa ngayon, ang buhay mo ang nakasalalay dito." Naguguluhan ako. Bakit pati buhay ko damay?

"Bakit mo hinayaan, mommy?" Hindi ko maiwasan na itanong iyon. Buhay ko at posibleng buhay nila Butter at Sweet ay madadamay kung hindi mag-iingat.

"Hindi ko hinayaan, anak. Sadyang matalino lang ang mga uranggutan na yun at nalaman nila ang tungkol sayo," naiinis na sabi nito. "Basta kailangan mo umalis bago magkaalaman kung ano ang relasyon mo sa mga tao dito at kung sino ka. Basta wag ka ng makulit baka may makarinig."

"Mommy naman, eh. Bakit ako?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam."

Natahimik kaming dalawa.

Nakita ko na may dalang bata si Tito. Napangiti ako. May pagkahawig ito kay Peanut. I guess, this is Peanut's sister. Sumabay na kami ng pagpasok sa loob at mabuti na lamang ay hindi kami napansin nung iba.

Kita ko kung gaano kasaya si Peanut. Matagal na niyang hinihiling na magkaroon ng kapatid. Kahit na masungit siya paminsan-minsan, alam kong mabait siya. Hindi naman siya mapapasama sa Candy Friemily kung hindi. Hindi ko nirerequired ang hindi mabait dahil masisira kami. Kahit naman na magkaibigan ang mga magulang namin, hindi ko pa rin tatanggapin. Ganyan ako kaya kinakausap ko sila isa-isa para malaman kung ano ang dahilan kung bakit sila nagkakaganoon at para ma-advice-an ko sila ng sagayon ay maayos nila ang problema at gumaan ang loob nila.

Ang saya na ito ay malapit nang magtapos. Paano ako magiging masaya habang wala sila sa tabi ko?

Ang buhay ko na lamang ang maiaalay ko sa kanila para maging ligtas sila. Mahal ko sila, eh. Pamilya ko na rin sila.

At lahat gagawin ko para maligtas sila, kahit buhay ko pa ang kapalit.

She's CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon