#SCTheLetter
VI 🍬
-~🍬~-
Kinabukasan ay pumasok na kami. Habang naglalakad kami papuntang guard house ay nagtataka ako dahil nakatitig sa akin si kuya guard. Noong malapit na kami at tsaka siya lumapit pero patago at kinakalabit ako sa tagiliran. Tinignan ko siya ng masama pero umiling lang siya at yumuko. Yumuko rin ako ng konti at kukunin ko sana yung hawak niyang papel pero nilagay niya sa bulsa ko.
"May isa pa dyang letter na galing sa akin. Mag-ingat ka dahil nandyan lang sila." Bulong sa akin ni kuya guard at umakto na tinitignan niya lahat ng estudyante na pumapasok at lumayo ng konti sakin.
Dahil sa nangyari, wala akong kinakausap. Kahit sino, wala. Pagkapasok ko sa klase ay wala naman kaming ginagawa. Wala, ewanan lang. Binasa ko ang letter ni kuya guard.
Punta ka dito ng di napapansin ng iba. Free time ko naman anytime. Kailangan natin mag-usap. Magsuot ka ng hoodie, alam kong meron ka nun para di ka nila makilala -kuya guard.
Dahil sa kailangan talaga, tumingin ako sa paligid at nung makasigurado akong busy sila, tumayo ako at lumabas. Sinuot ko ang hoodie ko at nakayukong pumunta ng guard house. Nakita ko naman ito na naghihintay. Agad akong tumakbo palapit sa kanya ngunit hinila niya ako papasok at diniin ang kamay niya sa ulo ko kaya wala akong nagawa kundi mapa-upo sa sahig. Umupo ito sa upuan sa harapan ko.
"Alam kong nagtataka ka sa inasal ko. Pero nandito kasi sila sa paligid, eh," Bulong nito at kunyari'y busy siya. "Kailangan ko umarte para kunyari ako lang mag-isa pero kasama kita dito."
"Who are they, kuya?" Bulong ko.
"Nabasa ko ang letter nila sayo, at nakakakita ako ng mga taong palakad-lakad sa tapat ng school at parang may hinihintay. Alam kong ikaw ang hinihintay nila, Candy. Dahil parang anak na kita, hindi ko hahayaan na mapahamak ka," napangiti ako. "Pero sa tingin ko, hindi ka nila kilala. Kaya siguro sakin nila iniwan ang letter dahil alam nilang magtatanong ka sakin at malalaman nila na ikaw pala ang hinahanap nila. Ilang cases na ganyan ang dumaan sakin kaya hindi ako pwedeng magkamali."
Kuya guard is a detective. Yes, he is. Pero mas ginusto niya maging guard dahil map-protektahan niya raw ang mga estudyante sa kakayahang meron siya. Nagpapasalamat ako kasi napakabait niya sa amin.
Inabot niya sa akin ang uniform ng isang guard. "Extra ko yan. Ipatong mo nalang sa uniform mo dahil malaki naman. Tatalikod ako."
Ipinatong ko ang pang-itaas at sinuot ko muna ang pants bago ko hubarin ang palda ko at inilagay sa box kung saan nakalagay ang uniform ni kuya guard at niyakap iyon. Inayos ko na rin ang buhok ko para magmukha akong lalaki.
"Mag-iingat ka, anak. Ayokong mapahamak ka. Delikado sila masyado. Talagang desidido na saktan ka," sabi nito. "Kung gusto mo, dito mo na basahin."
Dahil sa sinabi nito, kinuha ko ang letter at binasa ito.
Hi Candy. Alam kong nagtataka ka at bakit may ganito, na parang kailan lang, text lang ang natanggap mo. Alam mo ba ang nangyayari ngayon sa pamilya mo? Hindi, di ba? Malayo sila. At pwede ko silang saktan hanggang gusto ko. Magpakita ka samin at titigilan ko sila. Magiging maganda ang buhay niyo, maniwala ka sakin. Konti lang naman ang ipapagawa namin sayo at makakalaya ka na.
"Mukhang simpleng letter lang pero kung titignan mo mabuti, may pinapahiwatig kaya mag-ingat ka. At inaadvice ko na wag ka magpapakita. Kaya kita pinasuot ng ganyan para akalain nila na ako ikaw," I nodded. "Maghanap ka ng tutulong sayo para maibalik yang uniform ko. Ipasuot mo para kunyari ay bumalik ako. Magtatago ako kapag umalis ka na. Kaya sige na, umalis ka na. Alam kong matalino ka kaya alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin."
I nodded at hinintay ko siyang umupo sa sahig kaya tumayo na ako. Ang guard house ay parang yung tollgate sa NLEX kaya naman makakapagtago ka talaga.
Cool akong naglakad. Hindi naman ako trying hard umakto na lalaki kasi madali lang naman para sakin yun.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Mentol kaya naman hinila ko ito para makapagtago kami. Nasa hallway naman na kami ng building, at malayo ang guard house sa building.
"Alam ko na gagawin," Sabi nito at hinila ako papuntang cr. "Bilisan mo at magpalit ka na."
Nagtataka man, pero nagbihis na ako at ibinigay ko sa kanya ang uniform ng guard at pumasok na siya cr. Maya-maya ay lumabas na siya. He looks good on that uniform. Napaka-manly, bes.
Nagulat ako ng niyakap niya ako. "I know what's happening. Be safe."
Ngumiti ito at nagpaalam. Isinuot ko ang hood ko at lumakad na papuntang room. Pinaalam ni mommy? I thought ayaw niyang madamay ang iba. What's this?
And what's with the hug? Why would the oh-so-cold man hugged me?
Umiling nalang ako at pumasok ng room. Everybody's still busy. Umupo ako sa tabi ng natutulog na si Sugar. The good thing is Sugar was sleeping, kundi, di ko nagawa ito ng mas maaga.
I am still bothered by that letter. Hindi na siya basta-basta trip, it's a threat. Alam ko ang ibig sabihin ng letter na yun. Ha, pa-inosente pa sila, akala naman nila di halata. Those sweet words has a dark meaning. Parang mga manloloko lang dyan sa paligid-ligid, magaling mambola pero may gusto lang talagang kunin sayo. Don't me, uranggutan b0iZ.!
Maya-maya ay nakarating na si Mentol. He nodded, I also nodded. Umiwas siya ng tingin at umupo na sa pwesto niya.
Lumipas ang klase at oras na para kumain. Makabuluhan ang araw na to dahil ako lang ang may alam ng secret na ikapapahamak namin.
Tama nga siguro si mommy, kailangan ko na umalis bago nila ako matunton.
At paanong di nila ako makikilala, eh, kilala ako sa buong campus? Pwede naman sila magtanong, ah? Boo, mga boo!
Ay, oo nga pala, kuya guard is in my side, sinabihan niya siguro ang students!
Kung sino mang baliw ang may pakana nito, kailangan siyang matunton bago may mapahamak sa amin.
BINABASA MO ANG
She's Candy
General Fiction[Candy Series #2] The reasons. The happenings. This is the story of Candy who left her family and sacrificed everything. What are her reasons and how that happened? Let's meet Candy Arise Espinosa. Started: June 15, 2017 Ended: xx xx xxxx