I 🍬

34 3 4
                                    

#SCAlmost3YearsAgo

I 🍬

-~🍬~-

Everything seems perfect. Ang pagsasama naming magbabarkada ay perpekto. Puro asaran lang pero walang pikunan. Puro kasiyahan lamang walang kalungkutan.

Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang mic. "Gising na mga kababayan ko! May pasok tayo, hello?!"

Tumingin ako kay Sugar. Pinagtatawanan niya ako. Ngumiti ako at hinila ko siya palabas para makapag-prepare na kami ng almusal. Pero syempre, nagligpit muna kami ng higaan para di na mahirapan si Cree. Makulit kasi yun, eh.

Maya-maya ay nagsibabaan na rin ang iba. Binati ko sila ng, "good morning" and they greeted back. Hinanda ko na ang pagkain at sakto naman na bumaba sila Cree at Salton.

"Oh, tara na, kainan na!" Pag-aanunsyo ni Salton. Natawa naman ako kasi ang active niya talaga sa pagkain.

Masaya kaming nagkakainan. Todo joke pa nga sila Sour at Mint, eh. Basta mga joke, sila ang asahan mo. Kahit corny yung joke, bawi naman sa mukha nila, pero cutie sila!

Pagkatapos namin kumain ay kanya-kanya ng kuha ng gamit ang lahat upang magsimula maglinis. 8 am pa ang pasok namin kaya marami pa kaming oras. 6 am palang.

Kumuha ako ng tupperware at nilagay doon ang mga tira-tirang pagkain para mamaya ay pwede pa itong makain.

Lahat ay naglilinis. Lahat ay tulung-tulungan. Napaka-saya ko dahil nakilala ko sila. Hindi ko iiwanan tong mga tao, pangako.

Napansin kong kulang kami. Ang alam ko kasi, 12 kami. Bakit 11 lang kami dito?

Umakyat ako sa taas at nakita ko si Cree na nagliligpit ng kama. Hinihingal ako, patakbo ba naman akong umakyat, eh!

"Cree! Nakita mo siㅡ" napatigil ako. "ㅡyung kuya ni Mint?"

Hinihingal talaga ako!

"Hindi ko mamukhaan yun kasi di masyadong nagpapakita sa akin pero nawawala na naman siya. Grabe, araw-araw nalang na maglilinis tayo nawawala siya!" Pakiramdam ko, sinasadya niya talaga yun para matakasan niya ko kasi di ko siya kilala!

Natawa naman ito. Naiinis na nga ako!

"At aa araw-araw nalang na maglilinis tayo, nagwawala ka dahil hinahanap mo yung wala. Alam mo naman yun, ayaw niya dito. Kaya nga di siya nagpapakilala satin para di natin siya magulo." Sabi ni Cree. Napa-isip ako. Oo nga naman!

"Sabagay. Sige na nga, maliligo na ako!" Sabi ko sabay alis. Hay nako, Candy. Kaya nga di siya nagpaparamdam, di ba? Candy talaga hays may pagkashunga ng very much. Naligo na lang ako kaysa pagmukhaing tanga ang sarili ko.

-~🍬~-

"Kompleto na ba tayong lahat?" Tanong ni Salton.

"Yung kuya ni Mint, wala," sabi ko. "Wait, nasaan ang kuya ni Mint?"

Naghahanap ako sa paligid ko pero nagulat ako sa tingin at ngiti ni Sugar. Grabe, natakot ako!

"Nako, Care, ha! Napapansin ko na lagi mong hinahanap yung kuya ni Mint. Nakita mo na ba? Gusto mo na ba?" Pang-aasar ni Sugar sabay sundot sa tagiliran ko. Nag-ayie naman silang lahat. Bully nila today, ha!

"12 tayo pero 11 lang tayo sa van. Sinagot ko lang naman ang tanong ni Salty." Nakangusong tugon ko. Eh kasi naman, hindi ko nga kilala yun?!

Maya-maya ay nakarating na kami sa room. Napangiti ako sa nabasa ko. New room, new discoveries. New discoveries, new way to success.

Kani-kaniya silang komento sa pangalan ng section namin kaya napa-iling na lamang ako. Binuksan ni Cree ang pinto at bumungad ang di pamilyar na tao sa akin. New student? Di ata ako nabalitaan?

Lumapit si Mint sa taong nasa harap namin. "Kuya, pengeng pera."

Pinipigilan kong matawa dahil nakakatakot ang kiya niya.

Kinuha naman niya ang wallet niya at binigyan ng pera si Mint. Nagpasalamat si Mint at pumasok na sa katapat na room namin, ang classroom ng 8-Supper.

Humalik si Sweet sa pisngi namin ni Butter kaya napangiti ako. "Bye, ates! I love you."

"We love you too, princess." Nakangiting tugon ko.

Napatingin ako kay Mella noong sumigaw ito. Natawa ako kasi ang cute nilang mag-kuya.

Hinila nito si Sweet palayo at kumaway naman ang kapatid ko.

Tumingin ako kila Salton at Sour. Si Salton ay agad na umiwas kay Sour at inunahan agad ito. Pero sinabihan lang ni Sour si Salton na unggoy at iniwan ito. Cuties.

"Aba," naiinis na sabi ni Salton. "Sakalin ko kaya yun?!"

Nagsimula ng humirit si Cree. At ayan, makakakita ako ng gay scene dito mismo sa tapat ng classroom namin. Oh please, guys, wag niyo basbasan ang classroom sa ganyang paraan.

"Oh, tama na tama na," natatawang sabi ko. "Kanina pa ko nakanganga sa inyo, magsiupo na tayo."

Nagsi-upuan naman sila. Sa dulo ako pumwesto dahil gusto ko ang view sa labas, lalo na ang mga ulap.

Katabi ko si Sugar. Ayoko malayo sa best friend ko. Minsan lang ako magkaroon ng ganyang best friend.

"Nahihiwagahan ako kay Mentol." Sabi ko bigla at naramdaman kong tumingin siya sa akin.

"Me too. Ngayon ko lang siya nakita kahit na nasa iisang bahay tayo. Paano kasi, laging nakakulong sa kwarto tapos aalis ng hindi natin namamalayan man lang." Napatango ako sa sinabi ni Sugar. Totoo naman ang sinasabi niya.

Tumingin ako sa likod ko at naramdaman kong sinundan ni Sugar ng tingin ang tinignan ko. Nasa kabilang sulok pala ang topic namin. Mahilig rin ba siya sa clouds?

"Ni hindi nga siya nakikisama sa atin, eh. Mabuti pa si Mint, kahit mas bata pa sa atin, nagagawa tayong pakisamahan." Dagdag niya. Sobra talaga akong nahihiwagahan sa lalaking to. Magkaibang magkaiba sila ng kapatid niya. Pero bakit naman ganun? Ano yun, pinagsakluban siya ng langit at lupa samantalang si Mint biniyayaan ng saya sa buhay? Hay, nako.

"Ano kayang meron sa lalaking to? Bakit ba napaka-misteryoso niya at ayaw niya makisama sa atin?" Medyo pabulong na sabi ko. Inoobserbahan ko siya, wala akong pinapalampas na detalye. Aba, kailangan kong malaman ang lahat!

"Done checking me out?" Napatalon ako sa gulat noong narinig ko yun. Aba, ano to, kabute?!

Tinignan ko lang siya. Nang madako ang tingin niya sa akin ay nagtinginan kami. Mata sa mata. At walang may balak na tumibag.

She's CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon