#SCWelcomeToThe1stGenSquad
IX 🍬
-~🍬~-
Naka-nganga ako habang tinitignan ko kung gaano kaganda ang Seoul. Mga teh, dream come true!
"Annyeonghaseyo, noona." Nagulat ako sa batang nagsalita. Si Corn. Hala, mga bes. I need translator!
Narinig kong tumawa si ate Chili kaya napatingin ako sa kanya.
"Sorry, ganyan talaga siya. Sanay kasi dito, eh. Kaya pati yung language, nakuha na," nakangiting sabi nito. "Ang sinabi niya nga pala, hello, ate."
I nodded. Dream ko makapunta dito pero hello lang di ko pa alam. Ngayong nakatira na ako dito, paano na kaya ang buhay ko?
Baka kapag lumabas ako tapos may nakipag-usap sakin, nakanganga lang ako sa kanya with matching nosebleed pa.
"Waeyo, eomma?" Naka-ngusong sabi nito. Ang cutie ng batang to, pwede ko bang ampunin?
Kaso dudugo ilong ko. Wag nalang pala.
Ayaw ko na mga bes.
"Hey, baby. Stop talking in Korean. Your eunnie doesn't understand you." Sabi ni ate Chili. Sakit nun, ah! Huhu.
"Okay, mommy. I'll stop." Nabubulol pang sabi nito. Jusmiyong batang ere, Filipino mga magulang pero ang accent pamatay.
Hindi ko na lamang inintindi at ngumanga ulit sa ganda ng paligid. Maya-maya ay tumigil na kami sa tapat ng magandang bahay. Ay, pak.
"Candy!" Sigaw nila tito at tita at niyakap ako. Oh my goodness, I missed all of them!
"We missed you, baby girl." They said. I smiled.
"I missed all of you, too."
"Baegopa!" Sigaw ni Corn kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Hala, tara na, magsipasok na tayo. Gutom na ang prinsipe." Sabi ni kuya Steve at tinulungan akong ipasok ang gamit ko. Nilabas ko ang phone ko at napangiti sa bumungad na messages sa akin.
Pero napawi ang ngiti ko ng mabasa ko ang huli niyang text.
Lahat sila, nag-aalala. I know na wasted na sila kaagad. Kilalang-kilala ko na ang mga yun, eh.
Alam kong kakayanin nila na wala ako. May tiwala ako sa kanila. Alam kong malalagpasan nila to.
Besides, this is for their own good.
Hindi ako magsasaya dito ng sobra. I can't be happy without them. Hindi ko kaya maging masaya kapag wala ang mga taong nagpapasaya sa akin.
Hindi ako kumpleto kapag wala sila.
Useless lang ang magpakasaya dito sa Korea kung ang mga tao na may dahilan kung bakit nandito ako, nagluluksa dahil sa di nila malaman na dahilan.
I hate myself. But I hate the uranggutans even more.
They are the reason why I'm here.
Yes, dream ko ang makapunta dito.
Pero yung kasama yung Candy Friemily.
Ayoko nito. Ang hirap maging mag-isa.
Yes, my family is here. Pero hindi sapat yun para masabing kompleto ako.
Ang Candy Friemily ang tunay na bumuo sa akin.
Without them, I am incomplete again.
I felt that someone is hugging my legs. I saw Corn, pouting. I smiled. He's so cute.
"Let's eat now, noona. I'm very hungry." He said. I chuckled and nodded. He held my hand as he walked in.
What a cutie.
Hinila niya pa ang upuan para maka-upo ako. Oh, my gosh, bata palang napaka-gentleman na jusko! Di ko kinaya to!
Ang liit liit pero ang cute cute. Hays.
Umupo na siya kaya nagsimula na kaming kumain. 3 years old lang siya sa lagay na yan, ha.
Hindi siya sinusubuan ni ate Chili. He is eating by his own.
Sana yung magiging anak kong lalaki in the future, katulad ni Corn. Hehe.
Kumain nalang ako kaysa mag-isip tungkol sa future ko. Ang future ko? Mukhang malabo na. Hanggang di pa umaalis ang mga uranggutan na yun, hindi magiging maganda ang future ko kasi hindi na ako malaya. Baka nga mag-home study nalang ako ngayon, eh.
Sana lamang hindi nila malaman kung sino ako.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami sa taas para ipakita sa akin ang kwarto ko. Umupo ako sa kama habang sila mommy, daddy, tito, at tita ay nakapalibot sa akin dahil iniwan ako ni kuya Steve sa apat na nakatatanda.
"So, alam naman natin na kaya ka nandito ay para sa safety mo," panimula ni mommy. "Sa safety mo na kailangan rin naming ingatan. May naisip na kaming plano para di ka matunton ng mga uranggutan na yun."
"Ano po iyon?" Tanong ko.
Maya-maya ay may pumasok na isang babae at isang lalaki.
"This is my secretary, Secretary Hermogenes, together with her son." Pagpapakilala ni mommy. So, okay, yung secretary niya, kasama yung anak niya.
"I'm Cheese Mykko Hermogenes, your husband." Pagpapakilala nito. Wait, what?
Narinig ko na to noon, eh! Kaso babae naman nag-sabi.
"What?" Nagtatakang sabi ko.
"You're not Candy Arise Espinosa anymore, sweetie. We changed your name so the uranggutans won't figure out that it's you." Mommy explained.
"Asawa? I am only 16 years old. Wala pa ako sa legal age! And mom, pwede naman po na palitan nalang ang pangalan ko, eh. Like, your secretary's daughter." I suggested. I'm too young for this and hindi ako sumasang-ayon sa plano nila.
"Dalaga ang hinahanap nila, anak. Secretary Hermogenes is known worldwide since she's my secretary. Alam nila ang background ni Secretary Hermogenes kaya hindi natin basta-basta mababago yun. Hindi nila alam ang tungkol kay Cheese kaya mas mapapadali kung gagawin namin kayong mag-asawa." Tita explained. Hindi ko ma-gets.
"Mukha ka namang 18 years old, sweetie. Wag ka na mag-inarte dyan," napasimangot ako. Do I really look old?! "Ayos na lahat ng papeles. Iba na ang pangalan mo at lahat ng impormasyon tungkol sayo. Lahat planado na, sinabi lang namin sayo."
"Dahil nga asawa ka ng anak ni Secretary Hermogenes, kapag wala si Secretary Hermogenes, ikaw ang magiging secretary ko. Ayan lang ang alam kong paraan para di ka nila matukoy."
"How about my sisters? Bakit di sila kasama dito?"
"They don't know na kapatid mo sila. Ang alam ng lahat ay may isa kaming anak na nagngangalang Candy Arise Espinosa tapos ayon lang. Mukha mo nga, di nila alam, eh."
Hindi ko talaga ma-gets. Bakit kailangan mangyari to?
"Ito lang ang tanging paraan anak para masigurado mamin ang kaligtasan mo. Naalis na namin ang clues na maaaring makakapagturo sayo."
"Mommy, bakit tayo lang? Bakit tayo lang ang nakakaranas nito?"
"Mas mayaman kasi tayo sa isa dyan." Pagpaparinig ni mommy kay tito.
"Gusto mo bang ihagis kita palabas ng bahay na to?" Pagbabanta ni tito.
"Nyenye, kuya. As if namang kaya mo, like, duh? Love na love mo kaya ako." Pang-aasar ni mommy kay tito.
"Basta, anak. Final na yan. Mag-asawa na kayo. Pero di porket 18 ka na sa papeles na to, makalimutan mo ng bata ka pa, ha." Sabi ni daddy.
"Yeah, fine. Thank you po." I said tapos humiga na ako sa kama ko at nagtalukbong. I don't want to be rude pero hindi talaga ma-proseso sa utak ko yung mga pinagsasasabi nila.

BINABASA MO ANG
She's Candy
General Fiction[Candy Series #2] The reasons. The happenings. This is the story of Candy who left her family and sacrificed everything. What are her reasons and how that happened? Let's meet Candy Arise Espinosa. Started: June 15, 2017 Ended: xx xx xxxx