CHAPTER III.
After 2 months....
"Sis, gusto ko ng ano..." "Sis gusto ko niyan..." "Sis, bili mo naman ako ng..."
Bukod sa pagiging confidant, taga stabilize ng emotions niya, supporter niya..TAGABILI. Yan ang naging role ko sa bagong buhay ni Rianne.
Kahapon lang eto ang conversation namin.
Rianne: Sis, parang gusto ko ng tinapay na may palaman na chiz whiz at peanut butter. Dapat mixed yung dalawang palaman ha.
Ako: Sige, bili lang ako sa Robinsons
Rianne: Sis, pabili na din ng Oreo.
Pagdating ko.....
Rianne: Sis, gusto ko ng balut.
Ako: Sis, pwedeng bukas na lang. Pagod na ako eh.
Rianne: Ai sorry sis. Sis patulong naman ako sa pagtanggal ng palaman ng Oreo. Palitan natin ng chiz whiz.
Ako: Ok.
Kanina lang.....
Rianne: Sis, parang gusto ko ng hinog na hinog na indian mango tapos nakasubmerged sa
alamang.
Ako: Sige, ihahanap kita.
Kaya eto ako ngayon, nasa may bayan, naghahanap ng hinog na hinog na indian mango at ng alamang. Grabe. Ang hirap pa rin maging "instant ASAWA" ng buntis. Pero lilinawin ko sa inyo. STRAIGHT ako!!! Lalaki ang gusto ko noh!!! Pati bulsa ko butas na. Buti na lang sobra sobra ang pinapadala nina Mama. Meron din kasi ako trabaho. Student assistant ako ng isang professor dito sa university.
Pagdating ko......
Rianne: Sis! Ikaw na ba yan?
Ako: Yup. Please open the door. My hands are full.
Rianne: OK.
Pagpasok ko......
Ako: Sis, you wanna go home with me this weekend sa Quezon?
Rianne: Sis, nahihiya na ako kina Mommy mo. This past weekends eh dun ako nauwi. They always treat me as a princess.
Ako: Sis, Okay lang yun. Naexcite lang sila kasi may buntis na naman sa bahay. Ang tagal na rin kasing walang naspoil sa bahay since my sister na nagbuntis last year.
Rianne:Thank you so much sis. Dahil sa iyo, kinakaya kong lahat ng ito.
At ayun, umiyak na naman si Rianne. Napakaemotional talaga ng mga buntis. Kaya eto, inaalo ko siya. Baka kasi makasama sa baby eh.
Kinabukasan.....
Ako: Sis, maybe we should go to the OB Gyne to have your check-up.
Rianne: Sis. Nahihiya na ako. Nung last check-up natin sa OB Gyne jan sa malapit na ospital pinagtinginan nila ako.
Ako: O sige. Ganito na lang. Pag-uwi natin dun sa amin dun ka na lang magpacheck-up sa OB Gyne ni Ate Claudette.
Rianne: Sige sis. Bili na rin tayo dun ng mga gamit. I'm so excited na. I'm praying that it is a girl.
Ako: Sis, feeling ko napakaaga pa para mamili. Siguro kapag alam na natin ang sex ng baby tsaka tayo mamili ng mga things ni baby.
Rianne: Kaso sis, paano ako hihingi ng malaking pera sa magulang ko?
Ako: Don't worry. I'll pay. I have savings. Yung ibang gamit hiramin na lang natin kay ate Claudette.
Rianne: Thank you so much sis!!! I don't know how I will pay you..
Ako: Okay lang yan sis. Early gift na lang yan para sa magiging godchild ko. Kunin mo akong ninang ha?
Rianne: Of course naman! (teary-eyed)
Ako: Aral na tayo. May exam pa tayo bukas.
After another 4 months (7 months pregnant na si Rianne)
Nahahalata na ang tiyan ni Rianne kaya she started wearing loose clothes. Hindi na rin siya naglilihi. Hindi na rin siya inaatake ng morning sickness. Kung baga 'stable na siya'. Naapektuhan din ang acads naming dalawa last semester. Siya kasi parating inaantok. Ako naman parating puyat sa pag-aasikaso sa kanya. Kaya ngayong semester kelangan ko ng bumawi. Sa amin din si Rianne nag-Christmas at nag-New Year. Buti na lang pinayagan siya. Nasa ibang bansa din kasi ang magulang niya.
"Sis." tawag sa akin ni Rianne.
"Bakit sis?"
"Sa tingin mo magiging maganda si baby Kylie?"
"Oo naman. I bet magiging kamukha mo yan. Siguro naman gwapo ang tatay niyan di ba?"
Lumungkot ang mukha ni Rianne.
"Di mo ba talaga alam kung sino ang ama ni baby Kylie?"
"Kilala ko lang siya sa mukha. Feeling ko dito din yun sa university nag-aaral eh."
"Paano ba talaga si baby Kylie nabuo?"
"Siyempre sis, nag-ano kami."
"Pilosopo sis? Siyempre alam kong nagsex kayo ng father ni Kylie. Ang gusto kong malaman kung paano nalead sa pagtugz."
"Natatandaan mo noong umpisa palang ng semester may party na hinost ang isang organization sa isang sikat na bar? Yung malapit dito sa university?"
"Yup. Yan yung umuwi ka na ng mga 8 am na ng Sabado?"
"Oo. Basta natatandaan ko nandun ako sa bar counter pinapanood yung bar tender then someone approached me. We talked for two hours while drinking. Then, he suddenly kissed me tapos blurred na yung memory. Pagkagising ko nasa kama na ako at may lalaking nakahiga sa tabi ko. Pagtingin ko, I'm naked at he's naked. Tiningnan ko siya kaya hanggang ngayon memorized ko pa ang mukha niya. Tapos lumabas na ako sa apartment niya. Feeling ko mayaman siya kasi ang gara at ang laki nung apartment, tapos may car tapos mag-isa lang siya dun."
"Yan kasi. Pasaway mo kasi eh. Para kasing lahat ng party naattendan mo na tapos uuwi ka ng lasing. Sis, nakulangan ka kasi ng discipline tapos ng control. Porket napahiwalay ka lang sa parents mo para kang ibon na nakawala sa hawla. Sis, sana kung maulit man itong situation na ito dapat may asawa ka na at nakagraduate na."
"Nanay sis? Dinaig mo pa si Mommy sa pagsesermon ah. Pero sis, pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko pero sis mahal na mahal ko na si baby Kylie eh. I will raise her kahit walang tatay. I'll be strong for her. I'll work hard for her."
"Sis, dahil jan sa mga pinagsasabi mo eto lang masasabi ko: I'm proud of you."