CHAPTER 1:
July 13, 2030
"Mama! Papa! Bilisan niyo naman!" tawag ng anak namin
"Kai, sundan mo naman si Lianne oh. Baka madapa siya!"
"Opo Misis." sabi ni Kai sabay ngiti.
Hay, di ko akalain na magiging tahimik din ang buhay namin. After what happened noong mga nakalipas na taon, sa wakas! tumahimik na. Ang daming madramang nangyari. Ang daming rebelasyon ang nalaman sa katauhan ng panganay namin na si Kylie. Speaking of the angel...
"Mom! Dad! Nasaan kayo?" sigaw ni Kylie
"Baby, andito kami sa garden. Punta ka na lang dito" sigaw din ni Kai
Tumatakbong yumakap sa amin ang panganay namin ni Kai. Nag-aaral kasi siya sa Manila kaya tuwing weekends lang siya nakakauwi dito sa Laguna. Kumukuha siya ng kursong Chemistry.
"Mukhang namamayat ka ata anak? Baka kung anu-ano ang kinakain mo dun sa condo mo. Gusto mo bang pasamahin namin si Manang Yolly sa iyo para may taga-luto ka ng masarap na pagkain?" sabi ko
"No need Mom. Baka ma-home sick lang si Nanay Yolly dun. Malayo pa naman ang Manila sa Laguna."
Ang bait talaga nitong anak ako. At napaka-independent! Sabi ba naman sa amin wag na daw siyang padalhan ng pera kasi nagwowork daw siya as bartender sa bar and restaurant ng Tito Johnny niya. Ang swerte talaga namin sa kanya.
By the way, ako nga pala si Zia. Gusto ka lang i-share sa inyo ang naranasan kong drama noong mga nakalipas na taon at kung paano kami nakasurvive ni Kai.
______________________________________
Author's Note: Hi sa mga nagbasa at magbabasa netong story na ginawa ko. Sana magustuhan niyo. Pagpasensyahan niyo na kung di masyadong maganda...Comment kayo sa lahat ng chapters ah....i need your comments and suggestions para sa improvement ng pagsusulat ko.hehe...
