Chapter VI

6 0 0
                                    

CHAPTER VI.

"Anak, ano bang nangyari? Nasaan si Rianne?" nag-aalalang sabi ni Mama

Ako: Ewan ko ba dun Ma. Tinatawagan ko ung phone niya walang sumasagot. Tinatawagan ko sa bahay nila, binababaan ako ng phone. Ma, ano ng gagawin ko?

Mama: Relax lang baby. Nandito kami ng Papa mo at ng mga kapatid mo. Kung ayaw ni Emily kay baby Kylie eh di sa atin na siya. Tayo ang magpapalaki sa kanya. We'll raise her as part of our happy family. 

Ako: Thanks Ma. Kaya mahal na mahal ko kayo eh. Pero Ma, feeling ko may mali talaga eh. Kaya pupunta kami ni baby Kylie sa bahay nila. Gustuhin ko man na sa atin na si Kylie pero hindi siya gamit na pwede mong i-abandon kapag ayaw mo na. Iba pa rin kung lalaki siya sa piling ng totoong mga magulang niya. Eh di ba nagiging rebeldeng anak yung mga nasa drama kapag nalaman nilang ampon sila?

Mama: Eh anak mo naman na yang si Kylie eh. Kulang na nga lang ikaw na lang din ang magbuntis. Everything will be okay Zee. Basta nandito kami. Okay? Love you baby.

Pinagdrive ako ngayon ni Papa. Nandito kami sa likod ni Baby Kylie.

"Zee, paano kung ayaw ng kunin ni Rianne si Baby Kylie? Anong balak mo?" sabi ni Papa habang nagdadrive.

"Eh di iuuwi ko siya sa bahay natin. Okay lang po ba sa iyo yun Papa na magiging instant mother ako ni Kylie" malungkot na sabi ko.

"Oo naman!"

"Ang inaalala ko lang po, baka masira ang pangalan niyo sa bayan natin. Ang anak niyong nasa college palang, may anak na?"

"Hay sus namang bata ka! Hindi kita ikakahiya noh! At tsaka, alam naman namin ang totoo. Proud pa nga ako kasi hindi mo tatakbuhan yang responsibility mo."

"Thanks Papa."

"No problem anak." Nakangiting sabi ni Papa.

Nakarating na kami sa bahay nila dito sa Quezon City. Nagdoorbell ako.

Ba't walang nagbubukas ng gate? Eh may naaninag akong tao sa loob. Nagdoorbell ulit ako.

Nakulitan ata at may lumabas.

"Sino po sila Miss" sabi nung katulong.

"Pwede bang pakitawag si Rianne?" sabi ko

"Ai Miss, wala na po dito si Ma'am Rianne. Umalis po sila kahapon papuntang Amerika."

"Kelan sila babalik?"

"Ai, bibisita na lang daw po sila dito. Dun na raw po titira. Dun na din po mag-aaral si Ma'am Rianne."

"Sh*t! Wala ba siyang naibilin sa inyo?"

"Wala naman po. Bakit niyo po ba siya hinahanap?"

"May importante lang sana kaming pag-uusapan. Sige, salamat Miss."

"Ai sige po. Ingat po kayo."

Pumasok na ako sa loob ng kotse at nagsimulang umiyak. Umiyak din si Kylie. Hindi alam ni Papa kung sino ang aaluhin. Kung ako ba o si Kylie. In the end, binuhat ni Papa si Kylie at pinaghele habang hawak ni Papa ang kamay ko. Kumalma ako nang hawakan ni Papa ang kamay ko. Pagkatapos niyang aluhin kaming dalawa, bumalik na siya sa driver's seat at nagdrive.

My Destined Seatmate:)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon