"Uwaah!!!" iyak ni Kylie
Nagising ako sa iyak ni Kylie. Nasaan kaya si Yaya Yolly? Oh.My.God! May klase pala ako! Late na ako. Anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng iwan si Kylie dito!
Kinarga ko si Kylie para patahanin. May nahulog na papel.
Anak,
Pumunta lang ako saglit sa grocery store. Wala ng gatas at diaper si Kylie. Pinaghanda na rin kita ng almusal at ang gatas ni Kylie. Tiningnan ko ang schedule mo eh wala ka namang klase kaya umaalis na din ako.
Yaya
Naku! Nakalimutan kong sabihin kay Yaya Yolly na binago ang sched ko. Pinadede ko si Kylie. Nang tumigil na siya sa pag-iyak, naligo na ako at kumain. Pero paano si baby Kylie?
Think Zia! Think!!!!!! Ginising ko yung dalawa kong roommates.
“Jenn, may klase ka ba? Pwedeng patingan naman si Kylie. One and a half hour lang. May klase kasi ako ngayong 7 am eh.”
“Sorry Zee, gustuhin ko man kaso may gagawin ako. Baka di ko rin siya mabantayan.”-Jenn
“Sige thank you. Janet!!!!!!”
"Hay naku girl! Pwedeng pahinaan ang voice! Tulog pa ang thoughts ko eh..Oo.." - Janet
"Oo?!? Ikaw na muna ang magbabantay kay baby?!? Thank you SO SO SO much!!!"
"Oo..Love ko si Kylie pero di ako marunong mag-alaga ng bata...." - Janet
"Janet naman eh. Paasa ka!!! Hala! What to do?!?"
A bright idea came into my mind! No choice na ako. Dadalhin ko na lang siya tutal kasama niya naman ako kaya di siya iiyak at maaga pa naman. Pinadede ko muna siya at nilagay ko siya sa mini-crib na parang basket at nilagay ko na rin ang mga gamit at gatas ni Kylie sa backpack ko at voila! ready to go na kami.
Sa classroom, as usual, nagdodoodle na naman ako.
Prof: Class!!! Settle down! Today we will going to discuss electric field. Electric field is blahblahblahblah.
:Wait! Uhm class, ano yang amoy na yan? Kung may najejebs jan sa inyo lumabas na!
Nagtawanan ang klase.
Mukhang familiar yang amoy na yan. Shit! Tumae si baby Kylie. Anong gagawin ko?
Ako: Sir, may I go out?
Prof: Ms. Madrigal, ikaw pala yun ah. hahahaha!
Nagtawanan na naman ang buong klase. Si Sir talaga!!!!Geiizzz...
Prof: Oh, bakit ka may dalang basket?
Ako: Ano po Sir...uhhmmm....
Seatmate/classmate: Sir, papalitan po kasi ni Angel ng lampin si baby kasi nagpopoo.
Hala! Nagbulungan ang mga kaklase ko. Nagalit si Sir pero wala na rin siyang nagawa kundi palabasin si seatmate para tulungan ako.
Hinila niya kami papunta sa kotse niya. Siyempre siya nagdrive. Dinala niya ata kami sa bahay niya....o apartment? Di ako sure..Nang makarating kami sa apartment nagsimula na ang
interrogation...bwahhahahaha...
"Hoy seatmate!!! Ano ba ang pinagsasabi mo dun sa loob ng lecture hall? Sino si Angel? Bakit ka nakijoin sa trip ko?"
"Palitan muna natin ang lampin ni baby. May dala ka ba jan? Ano bang pangalan ni baby?" - Seatmate
"Kylie. Bakit mo yun sinabi ha?"
"Bakit ka may dalang baby sa klase? Anak mo ba itong cute na baby na to? Hindi mo kasi siya kamukha eh. Pero pareho kayong maganda." - Seatmate
"Bakit bawal? Oo, anak ko siya!!! Aba! Bakit wala ka pang sinasagot sa mga tanong ko?"
Hindi sumasagot si seatmate! Aba! Sinasagad neto ang pasensya ko ah! Yun pala ay siya na ang nagpalit ng diaper ni baby Kylie at hindi umiyak si baby Kylie ng hawakan siya nito!!!!Hurray!!! May pakikisuyuan na ako! In fairness! Marunong siyang magpalit.
"Oh bakit ka lang nakatunganga jan? Itapon mo na yang diaper." - Seatmate
"Wow! Makautos ha! Opo, mahal na prinsipe.."
"Pwede ko ba siya kargahin?" - seatmate
"Sige! Mukhang gusto ka naman niya. Alam mo ba, di yan nagpapahawak kung kani-kanino. Nagulat nga ako ng di siya umiyak nung pinapalitan mo siya."
"Ano nga pala pangalan mo?"
"Walanjo. Magkaklase tayo at seatmate pa tapos you don't know me? This handsome face? This famous, rich and handsome face?" - seatmate
"Wow! Ang hangin naman natin jan! Hindi ko macontain! Magtatanong ba ako kung kilala kita. Tanga- tangahan? hahaha. Pero kidding aside, sino ka nga? Ako ba ay kilala mo?"
"Of course I know you. You're from my past. Zianne.Angelique.Madrigal. I'm Kaizer Terrence Sy. Ring a bell?" - Seatmate
"Astig! Kilala mo ko kahit di ako sikat. Astig ka talaga chong!"
"Angel naman eh. Di mo talaga ako natatandaan? Ako to, si Terrence. Childhood friend mo." - Kai
"Terrence....Terrence...Terrence...Iyakin? Oh! I remember! Naalala ko na! Ikaw yung iyaking kapatid ni Alfonse. Kayo yung nakatira sa katabi naming bahay."
"Wow. Buti pa si Alfonse natandaan mo? Ako na bestfriend mo hindi mo natandaan." - Kai (malungkot na face)
"Bestfriend your face!!!!haha. Wag ka ng magtampo. Ang tagal na rin kasi nun. Siyempre, di ko malilimutan si Alfonse kasi first crush ko yun eh. Sabi nga nila first crush never dies (blushes). hahaha.Eh sa di kita nakilala. Ang laki ng pinagbago mo. Laki ng ginwapo mo ah. At ang laki ng muscles mo (kinapa yung muscles ni Kai) at mukhang di ka na iyakin. hahahaha"
"Anong first crush never dies! First LOVE never dies dapat! At tska hindi na no. Hindi na ako iyakin kasi sabi mo dapat di umiiyak ang mga lalaki." - Kai
"Hindi kaya! Ang sabi ko dapat hindi BASTA BASTA umiiyak ang lalaki at babae."
