CHAPTER IV.
March 2013
“God, please, after na lang ng mga final exams sana maglabor si Rianne para matapos naman ni Rianne ang semester na to. Thank you po God. ”
Yan ang gabi-gabi kong pinagdarasal kay God. Actually, ready na ang lahat. Balak namin ni Rianne, dun na siya sa amin manganganak. Ready na ang nursery sa bahay namin. Si Baby Kylie na lang ang kulang. Excited na kami. Every night, nagpapatugtog kami ng mga nursery songs, kinakausap namin siya na wag munang lumabas before ang mga school-related activities. Tapos bigla siyang sisipa. We took it as an affirmation from baby Kylie.
After how many days.....
"Yes! Tapos na rin ang finals! Makakapagrelax na ako!" sigaw ko sa kwarto.
"Oo nga eh. Baby Kylie, thank you kasi di ka pa lumabas." sabi ni Rianne habang hinahaplos ang tiyan niya
Actually, due pa si Kylie ng 3rd week ng March pero prepared na talaga kami. Nakapack na ang gamit ni baby Kylie. At ngayon nga paalis na kami sa dorm.
3rd Week ng March 2013...
"Oh My God!!!Due na ngayong week si Rianne. I'm so excited to see my apo!" sabi ni Mama.
Pambihira, nabanggit na naman ni Mama ang word na 'apo'. Alam ko na ang sunod na litanya ni Mama.
"Zee, when will you give me my own apo?" tanong ni Mama
"Ma, apo agad? Wala pa nga akong boyfriend tapos hinahanapan mo na ako ng apo. Tapos ang aga pa kaya. Magtatapos muna ako." dire-diretsong sabi ko.
"Okay!" masayang sabi ni Mama
"Anong gusto mong kainin Rianne?!?!?" sigaw ni Mama
"Ma, ako, di mo ko tatanungin kung anong gusto kong ulam?" may hint ng pagtatampo ang pero siyempre joke lang...
"Buntis ka ba?" may pagkapilosopong sabi ni Mama
"OO!Buntis na ako!" sabi ko
"Talaga?!?!?!?" sabi ni Mama
"Hay naku si Mama talaga, uto-uto!!!HAHAHAHA!!!"
"Di ba kakasabi ko lang sa iyo kanina na hindi ako buntis!!!" sabi ko habang tumatawa
Hala, napikon ata si Mama at hindi na kumibo.
"Mommy Emily, gusto ko po ng adobong manok ala Emily!!!" sabi ni Rianne
"Okay!Coming up preggy princess!!!" pakantang sabi ni Mama
Preggy princess. Yan ang tawag sa kanya ng mga tao dito sa bahay. Mommy Emily na rin ang tawag ni Rianne kay Mama. Si Mama na din kasi ang nagsabing tawagin siyang Mommy para di naman mafeel ni Rianne na she's not part of the family.
Sa hapag kainan....
"Dahil inasar mo ako kanina, di ko pinaluto kay Manang ang favorite mo na tinolang manok." sabi ni Mama sabay evil laughter.
Timang talaga si Mama....
