CHAPTER V.
"Push pa raw Rianne! I can see Kylie's head!!!!"
Nasa labor room na kaming dalawa. Buti na lang pinayagan nila ang request ni Rianne na papasukin ako. Dapat daw kasi family members lang.
"Ayoko na!!!H**op ka stranger guy!!!Bakit mo kasi ako binuntis!!!" sigaw ni Rianne
"Last push hija." sabi ng doctor
At...
"UUUUUUWWAAAAHHHH"
Narinig ko na ang iyak ni baby Kylie. Pareho kaming umiiyak ni Rianne. Tears of joy ika nga. Binigay na ng nurse kay Rianne si baby Kylie. Pero bakit ganun? Nung nakita ni Rianne si baby Kylie bigla na lang niyang binigay sa akin si baby Kylie. Hai, baka napagod lang siya.
After 1 week.....
Ako: Rianne, uwi lang ako sa bahay. Kukuha lang ako ng pera para pambayad sa ospital para makalabas kayo ni baby Kylie
Rianne: hmmm......
Nakatalikod siya sa akin. May nararamdaman akong mali dito sa situation. She seemed so displeased. Ni hindi na niya hinawakan si baby Kylie maliban na lang kung ibibreast feed niya ito. Kawawa naman si baby Kylie.
Ako: Nirequest ko na rin sa nurse na dalhin na dito si baby Kylie.
Rianne: Zia, just go okay? I wanna rest..
Pagbalik ko sa kwarto niya.....
Wala na ang gamit niya. Wala na siya. Bayad na raw ang expenses sabi sa counter.
Saan kaya nagpunta ang babaeng yun? Paano niya yun nabayaran?
At least, hindi nabawasan ang savings ko. Hehehehe
Dumaan yung nurse na nag-aasikaso sa kanila ni baby Kylie. Hinabol ko siya.
Ako: Miss! Saan na po yung nandito sa kwarto?
Nurse: Ay, umalis na po Miss Zia, kasama po yung Mommy niya ata.
Ako: Ah, buti naman.
Paalis na ako pero bigla akong pinigilan ng nurse...
Nurse: Miss Zia, di po nila kinuha si baby Kylie. Ibigay ko na lang daw sa iyo. Ibigay ko na rin daw itong sulat sa iyo.
Ako: WHAT?!?!?!? Nasaan na si baby Kylie? Yung mga gamit niya?
Nurse: Saglit lang po, kukunin ko lang...
laman ng letter
Zia,
Ikaw na lang ang bahala kay Kylie. Di ko pala siya kayang alagaan. Ayaw din daw siyang makita nina Mommy at Daddy. Sorry sis.
Rianne
Karga karga ng nurse si baby Kylie. Ang cuuuttteeee niya talaga!!! Pinakarga na sa akin at umalis na ang nurse. Nagsmile sa akin si baby Kylie. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nawala ng pansamantala ang galit na nararamdaman ko sa kanyang ina.
Kinuha ko sa bag ang cellular phone ko.....
"Ma, pasundo naman po kami dito sa ospital. May nangyari po eh. Emergency." sabi ko
"Okay anak. Paalis na kami. Si Rianne ba, kamusta?" sabi ni Mama
"Ma, pakibilisan niyo na lang po. Gusto ko na po ditong umalis." sabi ko.
