PMS2-6.1
Nginitian siya ng binata.
"Even if you sleep with me here in the back seat? Magkakasya pa rin tayo." Automatic niyang nasapak ang binata sa braso.
"Malandi rin po pala kayo doktor," aniya at napabungisngis pa siya. Kumindat naman sa kanyang binata.
"Seriously Krimy, I am staying at Alameda Farm. Usually we stayed there every time my team visit here. Tinatamad lang talaga ako umuwi dahil sa iyo. You stole my heart, don't you know that?" anito at hinaplos ang kanyang pisngi. Agad siyang pinagmulahan ng kanyang pisngi. "Binobola niyo ako doktor," nangingiti niyang ani.
"Palamanan kaya natin ng asado." Natawa siya ng todo at bahagyang lumapit sa binata. "Iingatan ko ang puso mo." Hinagkan siya ng binata.
"Me too."
TULUYAN na nitong pinasibad ang sasakyan. Habang nasa manibela ang kaliwang kamay ng binata ay ayaw namang bumitiw ang kanang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kanya. Pakiramdam ni Jarsey ay sobrang laki ng halaga niya para sa binata. Simula nang may nangyari sa kanila. She obviously see and feel how he became so extra caring and sweet to her. Now she realized, mas masaya pala kapag karelasyon mo na ang taong gusto mo. Kinikilig siya. Panay ang kanyang pagngiti. Nakangiti lang din naman ang binata sa kanya. Minsan pa'y humahalik ito sa kanyang kamay. Nakakasabog ng ovary iyon sa pakiramdam ni Jarsey.
"We're here. Huwag ka na bumaba Krimy, mabilis lang ako sa loob." Tumango lang siya. Bumaba na ang binata at kinuha ang mga prutas sa likod ng sasakyan. Agad naman itong pumasok sa LBC. Ilang minuto rin ang hinintay ni Jarsey bago tuluyang natapos ang nobyo sa pagpapadala. Bigla namang dumating si Tamara. Kalalabas lang nito sa kotse at agad ba namang umingkis kay Connor. Higad! Agad siyang bumaba sa sasakyan ng binata.
"Baby naman, my eyes is so itchy and I need you to check it, please!" Narinig niya mula kay Tamara. Agad na naningkit ang kanyang mga mata. Inalis naman ni Connor ang kamay ni Tamara.
"May clinic dito Tamara kaya tantanan mo ako," ani nang kanyang nobyo. Humakbang siya at humalukipkip.
"Con," malambing niya pang tawag sa lalaki.
"Krimy, I'm so-"
"Ayos lang," sagot niya pero kay Tamara naman siya nakatingin.
"Can I borrow him, Jarsey? My eyes are itchy talaga!"
"Kalami patyon!" madiin niyang ani. Bigla namang natawa si Connor. Malamang sa malamang ngunit nakakaintindi ng bisaya ang lalaki.
"What did you just say?" naguguluhan pang tanong ni Tamara.
"Ay 'yon ba? Wala! Sabi ko, ayos lang. May tiwala naman ako sa boyfriend kong 'to," aniya at umangkla sa braso ng binata.
"Nasa akin naman siya buong magdamag eh," nanunuyang dugtong niya pa at tinapik-tapik ang matipunong dibdib ng binata. Matamis naman itong ngumiti sa kanya.
"What!?" hindi mai-drawing na reaksyon ni Tamara.
"Walang ulitan sa bingi. Pero kung ako sa iyo Tamara, better you go to a proper clinic. Wala kasing gamit ang nobyo ko ngayon. Baka lumala pa 'yan kapag hinintay mo pa 'tong si Con. Maiinip ka lang." Bahagya niya pang inismiran si Tamara.
Ang akala siguro nito ay hindi siya lalaban. Tama na iyong isang beses na napahiya siya nito. Hindi niya hahayaang maulit pa 'yon! Nanunuya siyang ngumiti kay Tamara. Nakaawang lang ang bibig nito at parang hindi makapaniwalang sinasagot-sagot niya ito.
"Well, Connor is here. Bakit pa ako lilipat sa iba? Are you jealous?" Napantig ang kanyang tainga.
"Hindi. Ikaw naman Tamara, masiyado ka namang nag-assume. Kahit naman siguro magkasama kayo ni Connor ay hindi siya mangingiming ipagpalit ako sa iba." Diniinan pa niya ang salitang ipagpalit.
"Masiyadong mataas ang self-esteem mo Jarsey. Well, is it mean that you're giving way?" Muntik na niyang mapaikot ang mga mata kay Tamara. Sarcastic siyang ngumiti.
"Hindi. Umasa ka naman masiyado. Masakit pa naman iyon." Sarcastic na ngiti muli ang ibinigay niya kay Tamara at walang paalam na hinila ang binata. Nang makasakay sila sa loob ng sasakyan ay agad din naman itong pinasibad ng binata.
"Jeez! Are you really my Krimy?" nangingiti pang baling sa kanya ng binata. Ngumuso siya.
"May sungay din naman po ako doktor," aniya. Malakas namang napatawa ang binata.
"You startled me back there. I thought you're going to turn into a monster and eat her alive!" Siya naman ang natawa.
"Loko! Ang pangit no'n. Hindi ko lang talaga nagugustuhan ang pasimpleng panlalandi niya sa iyo. Baka akala niya forever akong mananahimik! Duh! Naturuan kaya ako ni Venus maging war freak." Napapreno naman ang binata. Hindi naman kalakasan ngunit agad nitong naagaw ang kanyang atensyon. Biglang humagalpak sa pagtawa ang binata. Napapahawak pa ito sa tiyan.
"Hala siya!" nakanguso niyang ani at marahas na nahampas ang binata.
"Bakit ba kasi ang cute mo, ha? Hmm." Pinisil nito ang kanyang pisngi at bigla siyang hinagkan nito sa kanyang labi.
"I love you," anito sa kanyang mga labi.
"Hindi mo naman ako ipagpapalit 'di ba?"
"Never!" anito at muli siyang hinagkan. Now she kinda felt to have an assurance.
BINABASA MO ANG
PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZA
General FictionR-18 Not suitable for young readers. Book Cover ©DJDeeOfficial