PMS19.1
HABANG yakap niya ang dalaga ay pasimple niyang kinuha ang kanyang cell phone. He texted Rei. Nang ma-check pa niya ang kanyang cell phone ay halos sandamakmak na missed calls at text ang galing kay Rei at kay Tito Romel. But he never cared. Gladly, naka-silent ang phone niya at hindi pa naka-vibrate ang kanyang phone. He texted Rei na nasa basement sila ng bahay at sinabi rin niyang kasama niya si Jarsey.
"Con," tawag sa kanya ng dalaga. Agad niyang naitago ang kanyang cell phone.
"Hmm? Something wrong?" Hinawi niya ang buhok ng dalaga.
"Puwede ko na ba tanggalin 'to?" tukoy nito sa piring na inilagay niya.
"No," agad niyang sagot.
"Pero..."
"Please Krimy," sumamo niya sa dalaga. Bumuntong-hininga naman ito.
Nakarinig naman siya ng mga yabag kaya agad siyang tumayo at binuhat ang dalaga.
"Kaya ko naman maglakad Con," anito pa.
"I can handle this. You are so tiny. I could carry you all day," biro niya pa.
Nahampas siya ng dalaga sa kanyang balikat. Natigil sila sa paghaharutan nang biglang bumukas ang pinto. Agad niyang inilabas ang dalaga at ibinaba ito nang marating nila ang kusina. Tinanggal niya ang piring sa dalaga.
"God Jars, are you okay? Why are you stuck there with Con?" ani pa Rei at pasimpleng bumaling sa kanya. Kinindatan niya lang si Rei. Rei rolled her eyes.
"Hindi ko po alam, may pumalo po sa ulo ko."
"She need a rest Rei," aniya at biglang binuhat ang dalaga.
"Con!" gulat pang sambit ni Jarsey.
GUSTO man niyang pigilan ang binata pero agad itong umayaw at dinala pa siya nito sa silid ng binata.
"Con! Baka magtaka ang itay," aniya pa.
Tinawanan siya ni Connor.
"He won't," sagot nito at ini-lock pa ang pinto.
Ibinaba siya ng binata sa kama nito.
"Pero Con..."
Magsasalita pa sana siya pero dinaganan siya ng binata at agad siyang hinagkan sa kanyang labi. Tinugon niya ito at itinukod ang kanyang mga palad sa dibdib nito.
"Hindi mo ako iniwan?" Agad itong umiling.
"I'll die if I leave you. Hindi biro ang ginawa mong pag-panic kanina. It can kill you."
"Oh? Alam kong may claustrophobic ako kaya lang iba yata ang ginawa mong first aid sa akin." Nakagat niya ang kanyang labi.
"Iba ba? Hmm?"
Nahihiya siyang napatango sa binata. Hinagkan nito ang kanyang dibdib na ikinasinghap niya naman. Akmang hahalikan pa sana siya nito ulit pero bigla namang may kumatok ng malakas sa pinto.
"Jarsey!" tawag ng kanyang amang si Romel.
"Buksan mo! Dali Con!" Itinulak niya pa ang binata. Kahit na ayaw nito ay wala itong choice. Agad itong lumapit sa pinto. Sumunod din naman siya.
"Hi Tito Romel," nakangisi pang bati ni Connor sa kanyang ama. Natatakot naman siyang napakapit sa damit ng binata. Baka kasi magalit ang kanyang ama.
"What are you doing here with Connor, Jarsey?" kunot-noong tanong ng kanyang ama. Itinago naman siya ni Connor.
"Pasensiya na po Tito Romel pero hindi man nasasabi sa inyo ni Krimy, I mean, Jarsey. I am her boyfriend." Nagulat ang kanyang ama dahil sa narinig.
"Itay magpapali-"
Biglang tinakpan ni Connor ang kanyang bibig.
"Buntis po ang anak ninyo at ako po ang ama. Pakakasalan ko po si Jarsey, kahit umayaw pa kayo."
Nanlaki naman ang kanyang mata at nasapak sa balikat si Connor.
"Loko! Anong pinag-"
Muling tinakpan ni Connor ang kanyang bibig.
"Actually Tito Romel, mabubuntis pa lang talaga. Hindi pa kasi nabubuo sa loob niyang tiyan niyan." Tinapik niya ang kamay ni Connor.
"Baliw! Hindi naman-" napatigil siya nang biglang tumawa ang kanyang ama.
"For real? So you know that me and my daughter are just pretending?"
Umuling naman ang binata.
"At first hindi ko alam pero-"
Sumenyas ang kanyang ama kay Connor.
"I get it. Take care of my daughter. May tiwala ako sa iyo Con. Kilala naman kita, lalo na ang pamilya mo. Gusto ko ng kambal ha?" And with that, her father walked out. She's worldless! Nang matauhan siya ay agad niyang nasapak ang nobyo.
"Baliw ka talaga! Bakit mo sinabi iyon sa ama ko. God! Con! Are you out..." Hindi niya natapos dahil hinagkan siya ng binata.
"Of course I am out of my mind. Every time when I am with you, I am lost. Lost in love with you." Kinilig siya sa sinabi ng binata.
"Bubuntisin mo ako? Aba! Huwag mong sabihin na..." Namilog ang kanyang mga mata.
"I won't say sorry!" anito at lumayo pa sa kanya.
"Ugh!"
"What? Kaya kitang buhayin Krimy, iyan ba ang inaalala mo?" may pagtatampo pa sa boses nito. Agad siyang lumapit at yumakap dito.
"Hindi. Wala akong ibig na sabihing ganoon Con. Masaya pa nga ako. Ang inaalala ko lang ay kung kaya ko ba?"
Pinisil naman nito ang tungki ng kanyang ilong.
"You won't I'll help you."
Muli siya nitong hinagkan.
"I love you Krimy," anas ng binata.
"I love you more Connor," tugon niya and they make love again for the fourth round.
BINABASA MO ANG
PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZA
General FictionR-18 Not suitable for young readers. Book Cover ©DJDeeOfficial